Celestine's POV
Hindi ako sanay uminom pero dahil nga sa request ng dalawang makulit na kaibigan ko, eh wala akong nagawa kundi ang sabayan sila sa pag tungga ng bote ng alak.
Marami kaming napag kwentuhan about sa buhay, ma pa past, present at lalong lalo na ang future. Sino ba naman kasi ang hindi inaalala ang future, kung ano na ang mangyayari sa buhay ko sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon, kung magiging masaya ba o hindi, kung magiging mabuti ba o masama.
Pero wala naman talagang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap kaya habang wala pa siya mabubuhay ako na naaayon sa gusto ko at sa ikaliligaya ng puso ko.
Lasing na yata ako kaya kung ano-ano na yung naiisip ko. Overthinking?
Kakahatid lang sa akin nung dalawa at ngayon nakatayo ako sa harap ng kama ko, nag iisip kung mahihiga na ba or mag eempake na ng mga gamit ko. Pero na uwi ako sa pag upo sa lapag at pag sandal sa kama ko.
Nag check ako ng phone kung may email ba or kahit notification sa mga social media account ko at habang abala ako bigla namang pumasok sa isip ko yung pinag usapan namin kanina.
Bakit nga ba walang social media account yung lalaking yun or baka meron at hindi niya lang nilalagay yung real name niya or yung totoong mukha niya, dummy account? Na pa iling na lang ako at na pa hilamos ng mukha. Bakit ko ba iniisip ang bagay na 'yun paki ko ba sa kanya!
Dumiretso na ako ng CR para mag shower at mag toothbrush at pagkatapos aayusin ko na ang mga gamit na dadalin ko sa pinas.
After two hours ng pag aayos natapos din ako, nakaramdam ako ng gutom kaya kumain muna ako ng kaunti at saka uminom na din ng vitamins.
***
Na una pa akong nagising sa alarm clock ko.
Excited lang Tin?
Kasi naman after three years makakauwi na rin ako sa pamilya ko, sobrang miss ko na sila.
Gumayak na ako para hindi na hassle sa airport mamaya. Nagulat naman ako ng buksan ko ang pintuan, naka abang na si Vicki at Wax, niyakap pa muna nila akong dalawa bago sila mag salita.
"Dapat magagandang nilalang ang makita mo bago ka umuwi ng pinas para wala kang kamalasan na ma encounter habang nandoon ka!" nag flip pa kunwari ng hair si Wax, kahit hindi naman talaga mahaba ang buhok nito. Sumang ayon naman si Vicki, sabay kuha sa mga bitbit kong gamit. Sila na ang nag hatid sa akin papunta sa airport, nakabuti naman para hindi na ako ma taxi.
Hindi pa rin ako makapaniwala na after three years sakay ako ng eroplanong mag hahatid sa akin sa Pilipinas, mag kahalong excitement at kaba yung nararamdaman ko habang na ka upo at hinihintay ang pag take off namin.
Parang bumabalik lahat ng memories noong first time ko mapunta dito sa New York para mag trabaho at ngayon uuwi naman ako para mag bakasyon. Ang bilis ng panahon parang kailan lang nag aadjust pa lang ako dito tapos ngayon babalik naman ako ng Pinas.
Ang weird ko yata ngayon, eh samantalang six years na akong nakatira at nag tatrabaho dito sa New York tapos kung makapag senti ako parang ngayon lang ako uuwi. Sa loob ng six years tatlong beses naman na akong umuuwi pero isang buwan lang lagi ang na aaprooved na leave ko pero this time na naipon lahat ng bakasyon ko kaya mayroon akong three months para mag focus sa sarili ko at i-refresh ang isip at katawan ko.
Pagod na rin kasi yung katawang lupa ko!
Hindi ko alam kung ano-ano pa ang nag hihintay sa akin na problema sa Pilipinas bukod sa babaero kong Tatay at pasaway kong Kuya. Pero isa lang naman ang gusto ko ang makapag pahinga, hindi lang ang katawan ko pero lalo na yung isip ko yung tipong ipipikit mo na lang yung mata mo at matutulog ka ng mahimbing at hindi yung pipikit ka pa lang trabaho na agad yung nakikita mo.
Adulting?
Nag dedemo na ng safety tips ang mga flight attendant para sa kaalaman ng mga pasahero kaya naman sinuot ko na ang earphones ko at nag umpisa ng mag hanap ng magandang music para sa boung byahe.
"I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I couldn't really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end can you tell me if
It was worth the try, so I can decide"
After almost 18 hours ,na sa Pilipinas na ako! Sa eroplano ko lang din pala mararanasang matulog ng almost 12 hours balik na lang kaya ulit ako para maka ipon ng tulog?
Para akong tanga nagingiti pa ako mag isa habang tulak tulak ang mga bagahe ko, eh kasi naman gusto lang yata ng katawan ko na mag byahe sa ere para makatulog ng mahimbing, wala akong insomnia pero dahil sa kakaisip ko sa trabaho palagay ko malapit na akong magkaroon nito.
Nag pasundo ako sa pinsan ko para hindi na ma abala sila Mama, malapit lang kasi siya dito sa airport kaya hindi daw abala ang ihatid ako sa bahay namin.
Walang traffic kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay, siguro dahil almost 3 am in the morning na rin kaya wala ng masyadong sasakyan sa kalsada. Inaya ko si Dray na pumasok sa loob para makapag kape man lang para pang bayad na rin sa pag sundo niya sa akin pero tumanggi ito dahil papasok pa siya sa trabaho. Call Center Agent nga pala siya at nigh shift ang duty niya kaya ang gabi sa kanya ay parang umaga.
"Ate Tin, sa susunod ka na lang bumawi. Ma una na ako!" Nginitian ko lang siya at habang tinitignan palayo ang kotse niya bigla kong naalala yung expression ng mukha niya at mukhang may ibig sabihin ito. Mukhang malaking favor ang ibabalik ko sa kanya dahil sa pag sundo sa akin.
Medyo matagal akong nakatayo sa labas ng gate namin pinag mamasadan ang buong bahay mula sa labas. Ang laki na din pala ng pinag bago ng bahay, ilang segundo pa lang akong nag mo-moment dito sa labas ng biglang bumukas ang ilaw sa sala kasabay nun ang pag bukas din ng main door ng bahay.
Lumabas si Mama para salubungin ako. Mabilis siyang nag lakad papunta sa akin, halatang miss na miss ako. Mag sasalita pa lang sana ako ng bigla naman siyang yumakap sa akin, ramdam ko yung higpit ng mga braso niya na para bang ayaw na niya ulit akong umalis, medyo matagal ding nakayakap sa akin si Mama kundi lang ako kumalas baka abutin pa kami ng alas kwatro sa labas.
"Nak pumayat ka yata, kumakain ka ba sa oras, baka naman ginugutom mo yung sarili mo?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mama, kasi naman kita ko sa mga mata niya yung pag aalala at yung bitbit na problema hanggang ngayon.
Ako naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit, "Pasok na tayo sa loob Ma!" Inakbayan ko si Mama at inaya ng mag lakad.
Pag pasok namin agad na nilagay ni Mama yung mga gamit sa kwarto ko, pinipigilan ko siya kaya lang ayaw naman pa awat, excited daw kasi siyang makakwentuhan ako kaya naman after sa kwarto bumaba kami at pumunta na sa kusina. Pinag timpla niya ako ng kape at nag init din siya ng tinapay sa oven. Na ngiti naman ako kasi hanggang ngayon alam pa rin ni Mama na gustong gusto ko ang kape at toasted bread sa umaga.
Binaba niya ang isang tasa ng kape at apat na pirasong toasted bread, "Kuwentuhan mo naman ako anak, kamusta ka doon?"
Kumagat muna ako sa tinapay at uminom ng kaunting kape, "Mahirap ma, pero kaya naman, kakayanin ko. Syempre wala namang madali sa mundo kaya laban lang tayo. Kayo, ikaw kamusta ka dito?"
Nayuko si Mama, siguro nasaktan siya sa sinagot ko, kasi ever since na nalulong si Papa sa sugal na dahilan ng pag ka lugi ng negosyo niya kaya naman pati ang mga property namin nabenta para ipambayad sa mga utang.
Kami ni Mama ang nag tutulungan sa mga gastusin sa bahay. Alam ko hanggang ngayon masakit pa rin sa loob niya na nakikitang nahihurapan kami dahil ang laki ng hirap nila ni Papa para matayo yung lending business nila na para sana sa future namin kaya lang sa huli nalugi at nabaon pa kami sa utang.
Kahit tutol si Mama na mag work ako sa ibang bansa hindi naman ako matatahimik kung alam kong nag hihirap siyang buhayin kaming lahat tapos wala akong gagawin. Gustuhin ko man na mabuhay tulad ng mga ka edad ko na yung sarili lang ang iniisip at gimik, gadget at kung saan-saan ginagastos ang sweldo, hindi pwede dahil kailangan kong suportahan ang pag-aaral ni Cedrick at yung gastusin sa Dialysis niya, kahit doon man lang maka bawas sa iniisip ni Mama.
"Sabihin mo lang kay Mama kapag hindi mo na kaya, ako na ang bahala sa lahat hindi mo na kailangan tipirin yung sarili mo para lang suportahan yung mga gastusin dito sa bahay!"
"Pwede ba naman yun? Pamilya tayo remember? Kaya kahit maliit o malaking bagay pa yan hanggat kaya ko tutulong ako." Pinilit kong ngumiti at maging masigla kasi nakikita kong nangingilid na yung luha ni Mama. Ayaw ko naman na mga luha niya ang sumalubong sa akin.
After ng maikli naming pag-uusap hinatid na ako ni Mama sa kwarto ko pero habang nag lalakad kami nadaanan namin ang kwarto ni Cedrick, kaya sumilip muna kami saglit, sobra ko rin kasing na miss ang makulit na 'to.
"Himbing ng tulog ni Cedrick, parang pagod na pagod ah." Bulong ko kay Mama.
"Alam mo bang kahapon pa yan hindi mapakali at gusto niya raw sana na siya ang una mong makikita pag uwi mo."
Dahan dahan akong pumasok sa loob at maingat na kinuhanan siya ng litrato, pagkatapos mabilis din akong lumabas at baka magising pa siya, sigurado kasing hindi na matutulog ulit 'yun at mag papakwento ng mag papakwento sa akin lalo na ang about sa future bayaw niya.
Hindi ko na inayos pa ang bagahe ko at diresto higa ako sa kama, namiss ko 'to, iba pa rin talaga ang amoy ng kama ko dito kumpara sa New York.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kaninang pag higa ko, nagising lang ako ng may ma amoy akong ulam.
Sinangag, itlog, tuyo, longganisa at mainit na kape. Yaan ang nakita kong bitbit ni Cedrick habang nakatayo sa tapat ng kama ko.
"Breakfast in bed para sa pinaka maganda at paborito kong ate!" Malaking ngiti ang bumungad sa akin at halos hindi na makita ang mata nito dahil sa saya niya.
"Naku nag lalambing ang baby brother ko, pero teka ako lang naman ang ate mo kaya malamang ako yung pinaka maganda at paborito mo!" na pa kunot ang noo ko ng ma isip ko ang sinabi niya. Loko talaga ang batang 'to!
Napatakip pa ito ng bibig sabay ngiti ulit. Kung puro ngiti ba naman ang makikita ko araw-araw siguradong masusulit yung bakasyon ko dito.
Twelve years ang pagitan namin ni Cedrick kaya naman kahit na literal na malaki na siya at mas matangkad pa sa akin, eh baby brother pa rin ang turing ko sa kanya lalo na nung na diagnose siya ng stage 1 Chronic Kidney Disease. Simula noon mas naging extra caring kami sa kanya at sa mga kinakain niya, kaya naman napilitan din akong lumipat sa public school noong fourth year high school ako, pero dahil ayaw ko sa public nag apply ako ng scholarship sa isang private school at buti na lang pinalad ako at natanggap pero hindi naging madali dahil kapag transferee ka ikaw ang lagi nilang nakikita at doon na yata nag simulang magulo ang isip ko.
Yung mga bagay na wala sa plano ko bigla na lang nangyari.
Na in love ako ng hindi ko inaasahan sa kina-bubwisitan kong tao!