Celestine's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Cedrick, may gusto raw kasi siyang ipakita sa akin at wala naman akong idea kung ano ‘yun dahil never ko pa siyang nakitang ganito ka excited kahit pinapadalan ko siya ng mga paborito niyang sapatos at mga damit.
"Ate, tignan mo kung ano yung na iba?"
Inikot ng mata ko ang buong paligid ng kwarto niya pero wala naman akong napansing kakaiba o dahil hindi ko na matandaan ang ayos ng kwarto niya dati?
"Wala naman, bakit ano bang meron?" Hinila niya ako papalapit sa tabi ng computer table niya.
"Tignan mo ate, anong nararamdaman mo?" Tinuro niya ang ilang picture na nakalagay sa maliit at malaking picture frame, limang piraso ito na may iba't ibang larawan.
Wala naman akong ibang naramdam o dahil hindi ko lang talaga alam tumingin ng mga picture. "Ano bang meron dyan?" tanong ko. Na pa iling naman siya na para bang na dismaya. "Nakakarelax kasi yung mga picture."
"Saan mo naman nakuha ang mga 'yan?"
"Nag se-search kasi ako ng mga magagandang tanawin tapos biglang lumabas 'yan tapos tinignan ko kung sino yung may-ari ng mga picture. Sa i********: ko siya nakuha."
Habang nag kukwento siya kitang kita ko naman ang mga ngiti sa mga labi niya, mukhang napapasaya nga siya ng mga picture na 'to kasi nakuha pa niyang ipa-print at ilagay sa frame.
"Sino naman yung may-ari ng mga 'yan?"
"Hindi ko alam yung real name niya at itsura niya kasi wala siyang pinopost about kung sino siya o kahit picture niya kaya username lang alam ko sa kanya. SDM_Gallery, yaan yung i-search mo kung gusto mo siyang makita."
"Teka nga bakit mo pinapakita sa akin yang mga yan?"
"Eh, kasi kapag na iisip ko yung about sa sakit ko sobra akong nahihirapan kaya humanap ako ng pwedeng makapag pa relax sa akin at yung mga kuha niyang picture ang nakakapag pagaan ng loob ko."
Medyo kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya, alam ko kasing kahit ngumingiti siya deep inside sobrang nahihirapan din siya, sana katulad na lang siya ng ibang bata na normal ang buhay at walang inaalalang sakit.
"Big fan ka pala niya. Alam mo kung sino man siya nag papasalamat ako sa kanya kasi napapsaya ka niya."
"Alam mo ba ate sinubukan ko siyang i-DM—"
"Nag reply ba?"
"Oo pero medyo matagal at ang sabi pa niya na sa Pilipinas din siya ngayon kaya he will be glad daw kung makilala niya ako in person."
"Naku Ced, parang hindi ako agree sa makilala ka niya in person. Baka mamaya masamang tao pala yan o kaya ibang tao ang nag hahandle ng account niya at hindi naman talaga yung idol mo. Paano kung—"
"Ate huwag ka ngang nega, hindi lang naman ako ang i-me-meet niya kundi lahat ng fans niya dito sa Pilipinas, pero mukhang malabo raw yun kasi hindi naman daw lahat mag kakasing edad at may kanya kanya ding mga priority sa buhay."
"Tama naman siya doon, kaya ikaw mag focus ka na lang muna sa pag-aaral mo."
"Pero ate gusto ko kasi siyang makita, baka kasi hindi na ako magkaroon ng pag kakataong makita siya sa susunod."
"Bakit naman hindi na ba siya uuwi dito sa pinas?"
"Hindi yuon. Baka kasi kunin na ako ni Lord."
"Tigilan mo nga yan, hindi mangyayari yun hanggat nandito ako kaya huwag mong ipasok sa isip mo yung mga ganyang bagay."
"Naku iiyak na naman yung ate ko, don't worry mag papalakas ako para sa inyo nila Mama kaya huwag ka ng maging sad kasi aalagaan ko pa yung magiging pamangkin ko sa’yo."
Hindi ako sumagot kaya naman bigla na lang niya akong niyakap saka bumulong sa akin. "Kaya dapat hanapin mo na ang future bayaw ko para naman makapag bonding pa kami." Umiling na lang ako saka ginulo-gulo ang buhok niya.
Ma pa chat o personal man walang pinag kaiba si Cedrick, napaka pilyo at madaldal pa rin.
After ng bonding namin ni Cedrick sa kwarto niya inasikaso ko naman ang mga gamit ko. Nilabas ko lahat ng gamit ko mula sa maleta saka nilagay sa dresser ko. Namili naman ako ng mga gamit naman na dadalhin ko papunta ng Coron.
Traveler yata ang peg ko this month!
Ilang taon din ang lumipas bago namin nabawi ang lupa sa Coron at ngayon may isang Transient at Villa na kailangan pang pagandahin. Malaking tulong ang kinikita ng mga ito para sa gamutan ni Cedrick at mga gastusin dito sa bahay.
Hindi na sana ako ang kailangan mag monitor sa renovation ng transient kung matino lang sana ang panganay namin na si Kuya Carlo, pero balita ko kasi wala siyang permanenteng trabaho at palipat lipat ng kumpanyang pinapasukan.
Kami sana ang close ni Kuya Carlo dahil mas malapit ang age gap namin pero dahil pasaway siya at sakit sa ulo ni Mama gaya ni Papa kaya naman habang lumalaki kami lumalayo naman ang loob namin sa isa’t isa at bihira din kaming mag usap, kung mag kakaroon man ng chance, eh madalas nag tatalo pa kami. Mag kaiba ang pananaw namin sa buhay lalo na noong na broken hearted siya doon sa first love niya, mas naging worst talaga si Kuya at yuon ang hindi ko maintindihan sa kanya dahil noong ako naman ang na sa kalagayan niya hindi naman ako nagpakawasak gaya niya.
Kailangan ba talagang mag pa ka wasak ka dahil lang nasaktan ka? Yuon ang hindi ko ma gets sa mga na iin love na nabo-broken hearted sa huli.
Walang ganang kumain, walang ganang makipag usap o kahit lumabas ng bahay, halos laging tulala at madalas umiiyak. Ganyan yung routine ko dati noong first time ko ma heart broken pero dahil sa tulong ni Cedrick at ni Mama unti-unti akong naka move on hanggang sa maging okay na ako ulit.
"Ate kakain na daw sunod ka na sa baba."
Buti na lang nayari na akong mag empake at tamang tama ang pag tawag sa akin ni Cedrick dahil kumakalam na rin ang sikmura ko.
Nagulat ako ng makita kong na sa hapag kainan din sila Papa at Kuya Carlo. Ang awkward dahil hindi naman kami sanay na mag kakasamang kumain ng sabay sabay, kaya tahimik lang kaming apat pwera kay Cedrick na hanggang ngayon energetic pa rin.
Lumipas ang hapunan na hindi man lang ako kinamusta o kinausap nila Papa at Kuya, wala kaming ibang away bukod sa alam kong may ibang babae si Papa at si Kuya nakasagutan ko rin dati at dahil siguro doon kaya hanggang ngayon parang may wall sa pagitan namin.
Last time na nag kasagutan kami Papa three years ago pa bago ako bumalik ulit ng New York, ako yung nag bunyag ng lihim niya kaya naman galit siya sa akin, si Kuya Carlo naman lagi kong pinag sasabihan dahil siya ang panganay kaya dapat umakto siya na nararapat sa edad niya, nainis siya sa akin at sinabihan akong mayabang dahil may stable job raw ako kaya ganoon na lang ako makapag salita sa kanya, hindi ko man intension na masaktan siya pero iba yung dating sa kanya at simula noon hindi na kami madalas nag-uusap.
Umakyat ako sa kwarto at sinubukan na lang matulog pero hindi maalis sa isip ko yung pangyayari kanina kaya hindi rin ako dinalaw ng antok at buti na lang tumawag si France, ang bestfriend ko simula high school at kahit nag kahiwalay kami noong fourth year tuloy pa rin ang communication at friendship namin. Nakipag kwentuhan ako sa kanya hanggang sa abutin kami ng madaling araw at dalawin ng antok.
***
Pag gising ko ng umaga nag luto ako ng agahan at pag katapos nag linis na rin ng bahay. Ang boring din pala kapag hindi mo ginagawa ang mga nakasanayan mo ng gawin, walang stress at pressure sa trabaho pero mas nakaka stress yata ang tumunganga mag hapon sa bahay.
Ako lang kasi ang tao sa bahay dahil pumasok na ng office si Mama at si Cedrick naman pumasok din sa school, si Kuya Carlo at Papa hindi ko alam kung anong ginagawa sa buhay.
Social media na lang ang nakakapag pawala sa akin ng inip dito sa bahay. Hindi man ako mahilig mag check ng social media account ko before pero simula noong napasok ako ng trabaho sa New York, eh nakasanayan ko ng laging tignan ang mga bagong balita o kung ano man ang trending ngayon, kasama din kasi ito sa trabaho namin ang malaman ang pulso ng mga tao pag dating sa fashion.
Kailangan naming makita ang mga uso at mga gusto ng tao para makagawa kami ng magagandang design na naaayon sa panlasa ng nakararami.
Hindi ko napansin ang dami ko na palang napagkainang tinapay, chocolate at mga chichirya kundi ko pa binaba ang hawak kong isang cup ng ice cream sa lamesa hindi ko pa mapapansing ang dami ko na palang nakain ngayong araw na 'to.
Hindi pwede ito, tataba ako kung sa twing ma iinip ako food trip ang gagawin ko. Three months ka dito Tin, kaya hinay hinay sa pag kain at baka mamaya wala ng mag kasyang damit sa’yo.
France:
Tin, may gagawin ka ba mamayang gabi?
3:09 pm
Buti na lang nag text si France, kundi baka pati mga halaman ni Mama at mga alagang pusa at aso dito, eh kinausap ko na.
Tin:
Wala naman. Why?
3:11 pm
France:
Sama ka sa akin pupunta ako sa bar nung friend ko nung college, doon natin ituloy ang naputol na chikahan kagabi.
3:12 pm
Teka bakit parang kinabahan ako, kung doon kami mag kukwentuhan mag kakarinigan naman ba kaya kami, eh ang ingay kaya sa bar tapos ang dilim pa. Mukhang hindi yata kwentuhan ang gusto nito.
France:
Oi di na nag reply. Shot lang tayo ng konti, aayain ko na rin iba nating friends para mas masaya.
3:30 pm
Tin:
Sige basta isang shot lang ako!
3:33 pm
France:
Yes po madam!
3:33 pm
Wala naman sigurong masama kung pupunta ako total bakasyon ko naman kaya dapat lang siguro na mag tanggal ako ng stress at mag saya naman.
After ko ma iayos ang mga kalat ko naligo at nag bihis na rin ako. Nag suot lang ako ng Plain short sleeve dress at 3 inch na high heels, nag lagay din ako ng konting accessories na necklace at ang paborito kong bracelet, sa make up naman light lang at ang paborito kong red lipstick. Hindi ko na kailangan pang mag effort ng sobra dahil wala naman kasi akong pina-iimpresan na tao doon.
"Bihis na bihis ang ate ko, saan ang punta mo?"
Nang dahil sa gulat ko muntik na tuloy lumagpas ang lipstick sa labo ko. Bigla na lang kasing sumulpot sa pintuan si Cedrick.
"Makikipag kita ako sa mga high school friends ko." Sagot ko habang abalang nakatingin sa salamin.
Lumapit naman si Cedrick sa akin na kasalukuyan pang naka suot ng school uniform niya. "Ganda talaga ng ate ko. Baka doon mo na mahanap ang future bayaw ko." Nilapit pa nito ang mukha niya sa akin para tignan ang ginagawa ko.
"Naku, ikaw talaga puro ka future bayaw! Hindi ba pwedeng future boyfriend muna?" Tumayo na ako at kinuha ang high heels ko. "Oh ayan mag kasing tangkad na tayo 'di ba?" sabi ko sa kanya sabay patong ng kaliwang braso sa balikat niya.
"Ate natatandaan mo yung kinuwento ko sa'yo yung idol kong photographer?"
"Oh anong meron sa kanya?" sagot ko habang sinusuot ang mga accessories sa katawan ko.
"Alam mo ba kung bakit niya ako nireplyan—"
"Eh, kasi nga di ba kinukulit mo siya?"
"Ate, patapusin mo muna kasi ako. Kaya niya ako nireplyan kasi sabi ko baka pwede ko siyang maging future bayaw?" Natigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya, "Seryoso? Loko loko ka talaga!" Tumango tango lang naman ito habang pigil ang pag tawa niya.
"Kung loko loko ako mas loko loko siya kasi nireplyan niya ako." Dahil sa kakulitan ni Cedrick hindi ko na natuloy ang pag aayos ko at tuluyan na kaming nag kwentuhan habang nakatayo sa harap ng salamin.
"Anong sabi niya?" medyo nag mukha akong interesado kaya naman lalo niya akong nililink sa idol niya. "Ayie, pakunwari pa ang ate kinilig din naman."
"Ang sabi niya okay daw basta good kisser daw dapat." Napakunot ang noo ko dahil doon. Good kisser talaga.
"Ang manyak niya!" Tumalikod na ako kay Cedrick at na upo sa kama habang inaayos ang bag na gagamitin ko. Ang lokong bata naman umupo din sa tapat ko at hindi tumigil sa pag kukwento.
"Joke lang naman ate huwag mo masyado seryosohin. Pero maiba ako nag kiss na ba kayo ni kupal noon?"
"Kupal?"
Hindi ko na rin alam kung saan papunta ang usapan namin at kung sino-sino ang binabanggit ng kapatid ko pero dahil namiss ko ang kadaldalan niya hinayaan ko na lang siyang mag kwento pa.
"Oo yung ex mong manloloko. Alam mo pag nakita ko yun bubugbugin ko talaga siya." Pinakita pa sa akin nito ang kamao niya na ready ng sumuntok anytime na makita niya si Seb.
"Naku huwag na nga nating pag usapan ‘yun!"
"Siguro hindi ka pa na ka kiss kaya ayaw mo pag usapan?" Abat nakuha pa akong asarin nito.
"Ikaw talaga kabata mo pa puro kiss na agad yung na sa isip mo!"
Tumabi siya sa akin at habang nag sasalita hinahagod pa nito ang likuran ko na para bang pinapatahan ako sa pag iyak, "Inaalala lang kita baka kasi tumanda kang dalaga niyan, kaya ate madaliin mo ng hanapin ang future bayaw ko kundi pipilitin kong ipaligaw ka kay SDM." Inalis ko naman ang kamay niya saka ako tumayo.
"Hoy tigilan mo nga ang pag rereto sa akin kung kani kanino at baka isipin nila desperada na akong mag ka boyfriend." Niyakap ako nito saka humalik sa pisngi ko, "Hindi ba ate?" sabay tawa at takbo palabas ng kwarto ko hahabulin ko sana ito pero nakasuot na ako ng high heels kaya hindi ko na tinuloy at baka matapilok pa ako at hindi pa makapunta sa mini get together namin.
Dahil sa kakulitan ni Cedrick napatagal ako sa pag aayos at napatagal din ang oras ng byahe ko papunta sa meeting place namin.