Sebastian’s POV
Habang nag eedit ako ng mga picture na kinuhanan ko kaninang pababa na ang araw may isang makulit akong follower na hindi ako tinitigilan sa kaka D-DM.
Hindi ko siya matandaan dahil marami din naman akong nirereplyan na follower minsan kapag may oras ako at kapag feel ko makipag kwentuhan sa kanila, pero ang isang ‘to ang mas nakakuha ng atensyon ko.
Bakit?
Ireto ba naman sa akin ang ate niya at sana raw maging future bayaw niya ako. Natuwa at na aliw ako sa batang ito kaya madalas ko na siyang replyan at nakakapag usap kami ng mga random topics na maski ako nagugulat na lang.
@CedCor
Hi, future bayaw kamusta po?
@SDM_Gallery
Ikaw ha napapadalas ang tawag mo ng bayaw, nagiging interesado tuloy ako sa itsura ng ate mo.
@CedCor
Masuwerte ka kapag ang ate ko ang naging asawa mo. ?
@SDM_Gallery
Bakit naman? ?
@CedCor
Masipag, matalino at maganda pa! ?
@SDM_Gallery
Bakit ba gusto mo ng mag asawa yung ate mo? Ayaw mo na ba siyang kasama sa bahay?
@CedCor
Hindi ah, kasi na sa edad na siya kaya dapat lang na mahanap na niya yung future bayaw ko at feeling ko kasi natakot na si ate na mag jowa ulit after ng break-up nila nung kupal niyang ex.
@SDM_Gallery
Ah… so you mean sobra siyang na heart broken to the point na ayaw na niya ulit mag mahal?
@CedCor
Parang ganun na nga at saka madami kasing priorities si ate bukod sa career niya. Sinusuportahan niya yung pag-aaral at ang dialysis ko tapos tumutulong din siya sa mga gastusin sa bahay at ang pag babayad sa mga ilan naming utang kaya hindi na niya naasikaso ang sarili niya at gusto ko sanang may taong mag aalaga sa kanya tulad ng ginagawa niya sa amin.
@SDM_Gallery
Teka mukhang private na yung shineshare mo sa akin. Hindi mo naman ako kilala pero bakit kinukwento mo sa akin yung mga ganyang bagay?
@CedCor
Hindi naman kita kailangan makilala para pag katiwalaan. At saka na fe-feel ko kasi sa mga pictures na kuha mo na hindi ka naman chismosong tao at walang pakialam sa sasasbihin ng iba kaya alam kong safe yung kwento ng buhay ko sa’yo pati na rin ang ate ko!?
Speechless ako sa sinabi niya, kung mag salita ang batang ito para bang basang basa na niya kung sino ako at tamang tama ang pag kaka describe niya sa akin o dahil kaya niya lang bumasa ng mga pictures?
Ay ewan ko ba, hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng ganito, na kailangan ko siyang replyan sa mga chinachat niya sa akin.
May black magic yata ang batang 'to!
“Hoy Seb, sino ba yang ka chat mo at kanina ka pa nakatutok dyan sa cell phone mo? Pinapaalala ko lang na nandito tayo para mag saya kaya itago mo na yan at mamili ka na ng gusto mong ikama, I mean ma ka date ngayong gabi.” Tumayo pa si Marco, para sumipat ng mga babae sa paligid.
Ayaw ko sanang mag punta dito sa bar kaya lang sinundo ako ng tukmol na ‘to kaya wala akong choice kundi sumama sa kanila.
May usapan kaming mag pipinsan na mag bo-bonding ngayon pero dahil sa kalokohan ng mga ito hindi tuloy ako nakapunta, pero overnight naman 'yun kaya susubukan ko pa ring humabol lalo na kung wala naman akong mapapala dito, tapos ang nakakabwisit pa pala hindi ko dala yung kotse ko dahil baka raw hindi ako sumunod kaya sa kotse na ni Marco ako sumakay.
Bago kami mag simulang mag inuman tinext ko kay Kuya Jeks ang location ko para sunduin ako dito mamaya, kasi for sure hindi ako makakaalis dito kung ako lang ang mag papaalam sa kanila pero kapag may susundo sa akin sigurado akong wala silang palag at papayag sila.
Nag simula ng mag bukas ng mga bote ng san mig light si Marco at binigyan kami ng tig-iisa, dumating na rin ang mga pulutan namin kaya mas na enjoy na ang pag inom ng mga alak. Nag sisimula ng mag ingay ang mga tao ng mag palit ng DJ, puro kasi rock, alternative, hard rock at up beat music ang pinapatugtog nito kaya nadadala lalo ang mga tao sa paligid.
Tumayo si Marco, at nag simula ng mag ikot at mag hanap ng mga babae, “Panigurado may bitbit ng babae yun pag balik niya.” Sabi ni Dominic habang nag lalagay naman ng Vodka sa shot glass niya.
“Guys naaalala niyo ba nung welcome party ng mga transferee noong last year natin sa high school?” Tanong naman ni Erik, habang nakatingin sa sinasaling Vodka ni Dominic . Sumagot naman sila ng oo, habang ako tahimik lang at binabalikan na ng isip ko ang mga pangyayari noon.
“Hanep ka doon Seb, naka score ka agad kay Tin.” Tinapik pa ni Kevin ang braso ko pero wala pa rin akong imik habang sila pinag patuloy na ang kwentuhan.
“First time natin gawin yun pero masaya naman at saka last year na natin sa school kaya dapat lang na mga memorable moment ang iwan natin sa kanila. ‘Di ba Seb?” Tumingin sa akin si Erik, at na pa tango na lang ako.
“Pero bakit mo nga niligawan si Tin?” parang nabalik ako sa ulirat ng narinig ko ang tanong ni Dominic.
“Tinamaan ka sa kanya ‘no?”
“Huwag mo ng itanggi kasi halata naman na nabaliw ka sa kanya, nag pakatino ka dahil sa kanya tapos halos sa kanya na umiikot yung mundo mo noon at ito pa ang nakakagulat kasi tyinaga mo talaga siyang ligawan. Imagine isang taon yun bro, buti hindi ka nag sawa?”
Hindi ko na rin alam kung ano ang uunahin kong sagutin sa mga tanong ni Erik, yung dalawang tukmol naman nakatingin lang sa akin at nag aabang ng isasagot ko.
Tinignan ko sila na para bang nag tatanong, tinaasan ko pa nga ng dalawang kilay sabay tawa ng bahagya. “Talaga ba 'yan ang topic natin, dito sa bar?”
“Past is past nga ‘di ba kaya sagutin mo na lang. Wala naman si Tin dito kaya feel free para mag labas ng sama ng loob.” Sinang-ayunan naman ni Dominc at Kevin ang suhestyon ni Erik.
Hindi ko na rin pinigil pa ang sarili ko sa pag kukwento kasi alam ko naman na hindi sila titigil ng kakatanong about sa nangyari sa amin ni Tin. At isa pa past is past nga raw?!
“Oo na, na in love talaga ako sa kanya at first time ko naramdaman 'yun kaya alam kong pag mamahal nga 'yun. Kaya nga tyinaga ko siyang ligawan and FYI mahigit isang taon taon 'yun hanggang sa sagutin niya ako. Happy?”
Aba’t hindi pa nakuntento ang mga tukmol nag tanong pa ng nag tanong kahit pa mukha na silang mga babaeng chismosa, eh kasi naman mga mag kakadikit pa habang nakikinig sa akin, para silang babae kung umasta!
“Hindi ko naman siya gustong hiwalayan noon pero dahil nga doon sa sitwasyon ng pamilya ko kaya pinili ko na lang na makipag hiwalay sa kanya kesa naman madamay pa siya sa trouble namin, pero inunahan niya ako at nakipag landian na agad siya sa ibang lalaki habang kami pa! Kaya hindi na rin ako nagsisi na hiwalayan siya kasi niloko naman niya ako!’
“Teka nga paano bang niloko? At saka sa pag kakatanda ko pinsan ni Marco yung kausap ni Tin, nung nakita mo siyang may kayakap tapos ang kwento pa sa akin ng kapatid ko na si Mike daw ang bigla na lang humalik kay Tin, nabigla nga raw siya kaya sinampal niya 'to at pilit niyang tinutulak palayo.”
First time kong marinig ang kwentong ‘yun kaya naman hindi ko alam kung anong i-re-react ko. Natigilan ako sa pag galaw at para bang nanlamig ang mga kamay ko at pati ang isip ko para bang bigla na lang huminto at na blanko.
“Seb, are you okay?”
“Sebastian?”
“Teka bakit parang hindi man lang kayo nagulat?” tanong ko sa kanila. Kumunot ang mga noo nila na para bang nag tatakha, “Eh, kasi matagal na naming alam 'yun at akala ko alam mo na rin?” sagot ni Dominic.
“Paano ko naman malalaman?” medyo tumaas ang tono ng boses ko kaya pinakalma pa ako ni Kevin, “Bro, sabi ko kay Marco sabihin 'yun sa’yo kasi nga siya lang ang na sa Pilipinas that time, remember nag OJT kami sa abroad.” Paliwanag ni Dominic.
Hindi ko alam na pinsan pala ni Marco ang tarantadong lalaking humalik kay Tin. All this time may ganyang kwento pala tapos hindi ko man lang nalaman. Nakalimutan lang bang sabihin ni Marco o talagang hindi niya sinabi dahil alam niyang hindi ko papalagpasin yung ginawa nung pinsan niya!
Tumayo ako at nag paalam na mag papahangin lang sa labas, literal kasi na parang bigla na lang na hindi ako makahinga. Dahil yata sa galit na pinipigil ko ngayon!
Tatambay lang sana ako sa labas ng bar pero dumadami na ang taong nag sisidatingan kaya humanap ako ng ibang pwedeng puntahan.
Hindi ko napansin na sinundan oala ako ni Dominic. Inaya niya ako sa taas ng bar at doon sa balcony niya tinuloy ang na udlot niyang kwento kanina.
“May hindi ka pa pala alam. Si Marco may gusto kay Tin before.” Muli napalingon ako sa kanya na punong puno ng pag tatakha. Araw ba ng revelation ngayon? Ano pa kaya ang mga hindi ko alam na ibubunyag nitong si Dominic.
“Bakit ngayon mo lang sinasabi yan!” kunot noong sagot ko!
“Wala naman kasing sense kung sasabihin ko dati at baka mag-away pa kayo.” Malamang mag-aaway kami dahil minsan sa kanya ko binibilin si Tin, at kaya pala hindi man lang tumatanggi ang tukmol.
Yung kaibigan ko may gusto pala sa girlfriend ko!
“Pinag takpan ba ni Marco yung pinsan niya kaya hindi niya sinabi sa akin yung totoo?”
“Pwedeng oo or baka pwede ring hindi. Kilala ko si Marco at sa palagay ko sinadya niyang hindi ‘yun sabihin sa’yo.”
“Kung nalaman ko lang yun dati—“
“Baka hindi kayo nag hiwalay?”
“Nope, baka hindi ko ginawa yung nagawa ko, yung mag kunwaring may pinalit na ako sa kanya. Pero kahit ano naman yung nangyari noon sa hiwalayan din yung bagsak namin.”
“Oo nga pala na ayos na ba yung trouble mo doon sa Kenneth?”
“Oo, nakulong siya after two years noong nag break kami ni Tin.”
“Grabe yung taong ‘yun, nakuha ka talaga niyang kidnapin dahil lang doon sa nakita mo noong mga bata pa kayo, although mas matanda siya sa’yo ng tatlong taon, pero bata pa rin naman siya kung tutuusin kaso lang hindi pambata ang mga hilig niyang gawin.”
“Kung hindi dahil sa gago na ’yun malamang hindi ko hihiwalayan si Tin.”
“Mas okay na yung ginawa mo kesa sa nadamay si Tin, sa kabaliwaan ng taong 'yun. Imagine nakuha niyang i-hostage yung lolo’t lola mo at pati yung pinsan mo!”
“Ang sabi nila dala daw ng childhood niya kaya naging monster yung kupal na ‘yun. Inggit naman talaga ang malaking dahilan kung bakit siya naging ganun, at saka remember gold digger yung ate niya. Malamang wala na rin sa katinuan yung uncle ko dahil hanggang ngayon kinakasama pa rin niya yung manggagamit na babaeng ‘yun!”
"Pati siguro yung nagawa ko noong bata kami dumagdag sa kademonyahan niya!"
“Pag mamahal ba ang tawag doon? O napag tripan lang siyang panain ni kupido?"
“Baka kamo ginayuma niya or baka talagang lusaw lang ang utak ng uncle ko!”
“Pero maiba ako, what if mag kita kayo ni Tin, anong gagawin mo?”
“Ewan, baka nga ma speechless ako o baka umiwas na lang ako at hindi magpakita. Hindi ko rin kasi alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya at never kong na imagine na magkikita kami!”
“Kung hindi kaya ng isip mo, eh di gamitin mo yung puso mo. Corny pakinggan at nakakakilabot pero kasi hindi dapat kayo nag tapos ng ganun lang. Mis understading lang 'yun bro!”
“Alam ko. Bahala na, hindi naman sigurado kung mag kikita pa nga kami. Malabo na yun.”
“Eh, kung malabo na balik na tayo sa loob, enjoy na lang natin ang gabing ito bago ka mag baksyon grande sa Coron.”
Bumalik kami sa loob at nadatnan na namin si Marco na may mga kasamang babae sa table namin. Bumalik ako sa pwesto ko at ganun din si Dominic, gusto ko sanang komprontahin si Marco dahil sa nalaman ko kaso lang hindi maganda yung lugar para sa mga ganoong bagay kaya papalagpasin ko na lang muna siya ngayon!
Inabutan niya ako ng isang basong Vodka at isang basong Beer naman para kay Dominic. “Ubusin niyo 'yan at paniguradong mag eenjoy tayo after.” Hindi pa man din nakakarami ng nainom si Marco, eh mukhang lasing na ito.
Tinabihan ako ng isang babae habang iniinom ang binigay na alak ni Marco. “Hi, babe!” bumulong ito sa akin sabay halik sa tenga ko, medyo nakaramdam ako ng init doon sa ginawa niya.
“Bro si Tin, ba yun?” Bulyaw ni Erik sa akin. Agad akong napalayo sa babae kahit hindi naman dapat ako mag react ng ganun. Tumingin ako sa direksyong tinuro niya pero sa dami ng tao at sa pa ikot-ikot na mga ilaw hindi ko makita ang sinasabi niya,
“Bugok! Paanong mapupunta dito "yun, eh hindi naman hilig ni Tin ang mag bar!” May point si Kevin, kaya malabong si Tin nga yung nakita ni Erik.
Habang nag kakasayahan kami sa pag inom at sa pag enjoy ng music patuloy naman ang mga babae sa pag yakap at pag halik sa amin. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang energetic ko na para bang pakiramdam ko kaya ko pang lumipad, isang boteng san mig light at isang basong vodka pa lang ang na iinom ko kaya paniguradong hindi pa ako tinatamaan. Hindi kasi ako mabilis tablan ng alak kaya nag tatakha din ako kung bakit ganito yung pakiramdam ko!
Kaliwat kanan ang pag ikot ng ulo ko habang hawak ko naman ang batok ko. Kakaiba ang pakiramdam na ito dahil sa dalas ng pag inom ko ngayon ko lang naramdaman ang ganito.
Ang init ng pakiramdam ko at para bang may nag tatakbuhang kabayo sa dibdib ko! Pucha, ano ba 'to?!
Kinalabit ako ni Kevin, na halatang medyo natamaan na ng alak, “Seb, may mga dumadating pang ibang babae tignan mo dali.” Sinunod ko naman ang utos niya at lumingon ako sa direksyon ng mga babaeng sinasabi niya. Pinag masdan ko lang sila habang papasok ng bar, bigla akong natigilan ng may pamilyar na mukha akong nakita.
Si Tin, ba yun?
“Hala s**t si Tin, yata yung isa doon!” Napatayo pa si Kevin dahil sa gulat, lumingon naman ang lahat sa direksyon na tinuro niya.Pina-upo naman siya ni Marco, “Paano mapupunta dito 'yun, eh 'di ba nga na sa ibang bansa at saka hilig ba ni Tin mag bar, Seb?” Umiling lang ako.
Baka nga hindi siya ‘yun!
Nag-aya si Marco na mag punta sa dance floor at dahil may foam party ngayong gabi halos siksikan ang mga tao at gustong mag sayaw habang may mga bulang lumalabas galing sa itaas.