Chapter 9

2016 Words
Celestine’s POV Hindi ako palapunta ng bar dahil alam ko naman na ingay at inuman ang dadatnaan ko doon pero dahil doon ang gusto ng mga kaibigan ko hindi naman ako pwedeng tumanggi. Anong laban ko sa pito na ‘to. Hawak ni France, yung kamay ko habang nag lalakad kami papasok sa loob. Nakalimutan ko kasing isuot yung contact lense ko kanina dahil sa kadaldalan ni Cedrick, kaya medyo malabo ang nakikita ko tapos idagdag pa yung itsura ng bar sa loob, kaya para akong bulag na nakahawak sa kaibigan ko. “Don’t worry Tin, mag eenjoy ka din dito. Mag eenjoy tayo dito!” Sabi ni France ng maka upo na kami. Mukhang madalas na sila dito dahil pati mga waiter at ibang customer ay kilala rin nila. Na pa isip tuloy ako kung mag kakasing edad nga ba talaga kami or mas matanda ako sa kanila? O baka dahil mas less ang priority nila sa buhay kaya nagagawa nila ang mga gusto nilang gawin at nakakasabay sila sa mga tao sa paligid nila. Old Fashion na ba ako? “Tin, just enjoy the mood. Kahit ngayong gabi lang kalimutan mo ang trabaho o kahit anong worries dyaan sa utak mo. Let's enjoy this night. Walwal kung walwal!” Sumang ayon naman ang lahat kay Vin at hinawakan pa ako ng iba na para bang kino-comfort. “Yes Tin, enjoy lang tayo.” “Kami bahala sa’yo Tin.” “Hahanap tayo ng jowa mo for this night!” What jowa? Ang akala ko mag eenjoy at mag wawalwal lang bakit may pa jowa pang nalalaman ang mga ‘to, “Wait, jowa? Okay lang sa akin na uminom, huwag niyo na akong isali sa jowa jowa na 'yan!” “Ay ang KJ naman, jowa for tonight lang at saka don’t worry kasama mo kami kaya harmless ang pipiliin namin!” Hindi naman ako nasabihan na ganito na pala ang mga trip ng mga’to, kaya kahit napipilitan nginitian ko na lang sila. Nag simula ng ilagay ng waiter ang mga order namin. Puro iba't ibang alak ang nakikita ko, hindi ako mahilig uminom pero alam ko naman ang mga alak na nasa harapan ko ngayon at lahat sila puro hard. Nag bubutas ba sila ng sikmura at talagang matatapang na alak ang mga inorder nila. Nag sisisi na yata ako kung bakit sumama pa ako sa mga ‘to. “Huy, chill ka lang hindi naman kita pababayaan dito lang me!” Paano naman ako maniniwala kay France kung patawa tawa pa ito habang kinakausap ako. Sa pag lipas ng oras marami na rin kaming napagkwentuhan at marami na rin akong na itawa, infairnes sa mga ‘to nakaka enjoy talaga kasama yun nga lang hindi pwedeng maiwan ang alak kapag sila ang kasama ko. Napag usapan namin ang tungkol sa mga career namin ngayon, ang iba kasi sa amin government employee at karamihan naman na sa private company at ako lang yata sa grupo namin ang na sa ibang bansa at dahil doon hindi nila ako nakakasama ng madalas kaya naman ako ang naka hot seat ngayon. “Kamusta ang buhay OFW?” tanong ni Lea, na isang Branch manager ng isang sikat na fast food chain. “Okay naman, mahirap sa una pero habang tumatagal nahahaluan na ng saya yung hirap.” “Naks naman bakit may saya dahil ba may nag papakilig na ulit sa’yo ngayon?” Tinusok pa ni Gizelle ang bewang ko habang kinikilig siya, eh wala naman dapat ika-kilig kasi wala naman talagang nag papakilig. Si Gizelle nga pala ay isang Radtech sa isang private hospital kaya sanay ito sa mga ganitong puyatan. “Wala akong jowa at bahala na kung mag kakaroon pa ba, alam niyo naman kung saan ang focus ko ngayon ‘di ba?” “Oo nga pala nakita ko si Cedrick last week, mukhang okay naman yung bata kasi sa twing makikita ko siya sa hospital lagi lang siyang nakangiti. Fighter talaga yung kapatid mo ‘no, mana sa ate niya.” sagot ni Gizelle. “Okay naman siya, makulit pa rin.” “Naku sinabi mo pa alam mo ba kasama ni Tita 'yan sa banko last month yata, nag papatulong nga sa akin na mag hanap ng future bayaw niya.” Nagulat ako sa sinabi ni Raymond, loko talaga ang Cedrick na ‘yun. “Speaking of future bayaw niya. Kamusta pala kayo si Seb?” biglang tanong ni France. Of all the people talaga na andito sa table namin siya pa talaga ang nag banggit ng about sa lalaking ‘yun, as if naman na hindi niya alam ang nangyri. Nilakihan ko siya ng mata pero tinawanan lang ako nito at doon na nag simula ang iba na mag tanong about sa kanya. “Oo, nga pala ex mo si Seb, ang alam ko na sa pinas siya ngayon.” Oo nga pala kinakapatid ni Irene si Seb, kaya malamang may alam siya sa buhay nito kahit papaano. “Ah, talaga ba?” patay malisyang sagot ko. “Uy, kunwari hindi affected. Okay lang naman na pag usapan dahil tapos na at saka hello, na sa bar tayo at maraming tao kaya walang makakarinig na iba.” Feeling ko talaga kaya ako inaya ni France na sumama sa kanila dahil gusto lang nito na pulutanin ako ngayon! “Oo nga, kwento ka naman. Alam mo naman na sa lahat ng kaibigan namin sa’yo kami na eexcite na mag ka love life kasi nga alam namin na dalagang pilipina ka at saludo ako sayo dahil doon kaya ingatan mo ang bukang liwayliway at ibigay mo lang sa taong papakasalan mo, huwag mo kaming gayahin.” Imbis na ma touch mas natawa pa ako sa sinabi ni Karen, eh kasi naman hindi mo alam kung nalulungkot ba siya dahil nabigay niya ng maaga yung bukang liwayway niya sa naging boyfriend niya o masaya ito dahil naka experienced siya. “Niligawan niya ako for almost 1 year yata or more tapos naging kami for two years at doon na nag tatapos ang kwento.” Dismayado ang mga ito kaya naman nag tanong pa sila ng nag tanong. “Hoy, hindi biro ang one year, mahal ka talaga nun girl!” sabi ni Gizelle na mahahalatang nanghihinayang sa sinabi ko. Actually lahat naman sila seryosong nakikinig at lahat din sila para bang nararamdaman lahat ng sinasabi ko. “Sinabi ko na ito before kay France na boyfriend material talaga si Seb, pero may mga bagay talaga tayong hindi kontrolado kaya ayun ending agad.” “Wait, sabi ni France before, correct me if I’m wrong ha. Nahuli mo raw na may ibang ka date si Seb?” tanong ni Vin. “Oo.” “Then you confront him naman ba?” “Oo,” “Anong reaction niya, yung detalyado ha, ayon sa pag kakatanda mo?” Pinapairal na naman ni Vin ang pagiging Detective niya. “Umamin siya na parang wala lang, I mean walang reaction tapos tinanong niya kung gusto ko siyang hiwalayan, then sabi ko oo tapos ayun na, okay daw.” “See, hindi ka ba nag tatakha sa reaction niya, bakit ang cold niya tapos parang limitado yung galaw niya.” Lahat tuloy kami napapaisip sa sinabi ni Vin. Pero kahit mag isip pa kami o ako, hindi ko na mababalikan yung pangyayaring ‘yun at hindi na rin kami babalik sa dati kaya, It doesn’t make sense pa. “Eh, syempre huli siya sa ginawa niyang kagaguhan!” madiin na sabi ni Raymond. “Oo nga at saka kaya hindi na nag salita pa kasi ayaw niyang ikwento yung detalye kung paano niya niloko si Tin, at halata naman na ayaw na niya kay Tin kasi ni hindi man lang siya nag effort na mag paliwanag. In short gusto na rin talaga niyang makipag hiwalay at tapusin yung relasyon nila.” Paliwanag ni Lea na halatang nanggigil habang nag papaliwanag. “Mali. Kaya siya cold at limit ang sinasabi o galaw niya kasi ayaw niyang mag labas ng kahit anong reaction or should I say emosyon. Look at the other side guys. Paano kung may pinag dadanaan yung tao at what if, what if lang naman na involve yung relationship niya kay Tin. Baka kaya hindi na siya nag salita kasi pinipigil nito ang totoo niyang emosyon.” Tatango tango ang iba sa paliwanang ni Vin pwera kay Lea, na halatang ayaw din sa mga cheater! “Lintik na emosyon yan! Ang point doon niloko niya si Tin!” “Well, guys kung na saan man si Seb, ngayon hayaan na natin siya at mag enjoy na lang tayo! Kita niyo dahil nalibang tayo sa kanila ni Tin, naubos na pala natin ang dalawang bucket ng red horse at isang bote ng Vodka!” Tinaas pa ni Irene ang baso niya at nag ayang makipag cheers sa kanya. Sinunod naman namin siya kaya nag tuloy na ulit kami sa pag inom. Nadala rin ako sa usapan namin at hindi ko napansin na ilang bote na rin ng alak ang nauubos ko. Nalaman ko lang talaga na lasing na ako ng biglang mag aya si Vin, na pumunta ng dance floor. Muntik na akong ma pa upo ulit ng subukan kong tumayo para lumakad pero buti na lang naka alalay si France at nahawan niya ako agad. Habang na sa dance floor inabutan kami ni Vin ng tig-iisang bote ng san mig light. Hindi ko na pinigil ang sarili ko at nag padala na rin ako sa tugtog. Sumayaw kami na para bang wala ng bukas, hindi ko na inisip kung sino man yung na sa paligid ko dahil una nandito ako para mag saya sayang naman kung uupo lang ako sa isang tabi at panunuorin sila, pangalawa literal na hindi ko sila makita dahil na iwan ko nga yung contact lense ko sa bahay. Hindi ko na makita kung sino yung na sa tabi ko at hindi ko na rin inalam pa dahil lahat naman ng tao sa dance floor ngayon nag eenjoy lang sa pag sayaw lalo na’t na taon na may foam party ngayong gabi. Hindi ko na rin alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko ng biglang may lalaki akong nabangga pero after nun patay malisya lang siya at tuloy pa rin sa pag sasayaw at ganoon din naman ako. Pero habang tumatagal lumalapit siya lalo sa akin at nararamdaman kong nag didikit na ang mga braso namin, hanggang sa may isang grupo ng mga lalaki na bigla na lang sumingit kaya naman mas lalo kaming nag kadikit. Bigla siyang humarap sa akin at kahit na pilit kong tinititigan ang pag mumukha niya hindi ko naman makita ito dahil sa dilim at gulo ng ilaw, hinawakan niya ako sa bewang at humawak naman ako sa balikat niya. Patuloy pa rin kami sa pag sayaw kahit pa maliit na lang ang espayong ginagalawan naming dalawa. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at bigla na lang niya akong hinalikan sa leeg, nagulat ako kaya naitulak ko siya pero ako naman yung na out of balance kaya bumangga ako sa likod ng isang lalaki, hinawakan niya ako at nilapit muli sa kanya. “Lets enjoy this night baby!” Mahina pero malinaw ang pag kakadinig ko, hindi ko malaman ang dahilan pero parang natuwa ako sa sinabi niya. Nag patuloy lang kami sa pag sasayaw at ng tumagal hinalikan na niya ako sa labi, dahan dahan at madiin, ramdam ko rin ang bawat pag hinga niya. Nadala ako sa pag halik niya kaya tinugunan ko rin ito. Alam kong parehas na kaming lasing dahil ng bigla niya akong hilahin para sumama sa kanya pa gewang-gewang na rin ang pag lakad nito. Umakyat pa kami sa isa pang hagdan at doon bigla niya ulit akong sinandal sa pader saka siniil ng halik. Aaminin kong nadadala na ako sa ginagawa namin kaya sinabayan ko na rin ang pag halik niya. Iba rin talaga ang nadudulot na lakas ng loob ng alak. Pinasok niya ako sa isang kwarto kaya naman nag pumilit na akong lumabas dahil alam ko na ang kasunod nito pero masyado siyang malakas kaya hindi ako maka alis sa mga bisig niya. Nahihilo na rin ako at parang hindi ko na kayang mag lakad kaya hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. At ng muli siyang lumakad para lumapit sa kama doon ulit ako nag pumilit na umalis pero sinunggaban niya ako ng halik hanggang sa bumagsak kami sa kama!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD