Chapter 10

2108 Words
Sebastian's POV Nang halikan ko ang babaeng ito parang may bigla akong naalala, para bang pamilyar ang nangyayari ngayon, para bang may katulad ang halik niya. Pilit siyang kumakawala sa akin pero hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko kaya lalo pang lumalim ang mga halik ko sa kanya hanggang sa mapahiga kaming dalawa sa kama. Pinag mamasdan ko siyang mabuti pero kahit anong tingin pa ang gawin ko malabo pa rin ang nakikita ko, alam kong konti pa lang ang naiinom ko pero bakit nahihilo ako at the same time bakit pakiramdam ko ang lakas lakas ko. Para akong nasaniban ng demonyo! Hinalikan ko siyang muli ngunit hindi siya tumutugon nung una, pero habang tumatagal nararamdaman kong sumusunod na siya sa mga labi ko. Pag katapos nilipat ko ang labi ko sa leeg niya. Pamilyar ang amoy niya. Unti-unti kong binababa ang manggas ng suot niyang dress at hindi na rin ako nahirapan dahil hindi na niua ako pinipigilan tulad kanina. Mukhang marami na ring na inom ang babaeng ito. Nang matanggal ko na damit niya, tumambad sa akin ang malulusog niyang hinaharap, hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong hinalikan, tinaggal ko ang strap ng bra niya at nag patuloy sa pag halik sa kanya. Mula sa mga labi niyang malalambot hanggang sa leeg at malulusog niyang hinaharap para bang hindi siya nakakasawang halikan. Ramdam ko na nag iinit na rin ang katawan niya katulad ko. Tinanggal ko na ang huli at nag iisang saplot na nakatabing sa katawan niya at para bang nang aakit ito kaya hindi ko na pinatagal pa at sinunggaban ko na rin ng halik ang p********e niya. Dinig ko ang bawat ungol niya at para bang sinasabi nito na dapat mapaligaya ko siya ng husto ngayong gabi. Ramdam na rin ng balat ko ang bawat daliring bumabaon sa likod ko sa twing hihimasin ko ang pagka babae niya. *** "Seb, gisng na!" "Seb!" "Sebastian!" "Seb, bumangon ka na dyan!" "Hoy Seb, wala ka sa bahay mo tumayo ka na dyan!" Medyo nahihilo pa ako at hirap na imulat ang mata pero dahil sa ingay na naririnig ko kaya pilit akong bumangon para tignan kung kaninong boses nanggagaling ang ingay na naririnig ko. Teka na saan nga ba ako? Inikot ko ng tingin ang buong kwarto na para bang sinusuri ang bawat sulok nito laking gulat ko ng makita ang kabuoan nito. Wala ako sa kwarto ko! "Bakit nandito ako?" tanong ko kay Kuya Jeks, na kasalukuyang nakapamewang sa tapat ko. "Aba malay ko sa'yo. Umaga ko na nakita yung text message mo kasi nasira yung phone ko." Bago ako tuluyang bumangon muli kong tinignan ang kamang hinihigaan ko at may nakita akong bracelet sa ilalim ng kumot, kinuha ko ito at mabilis na nag bihis. Tulala ako habang nakatingin sa bintana, kasalukuyan kaming bumabyahe papunta sa bahay nila Kuya Jeks, gusto kasi nila akong makita bago ako pumunta ng Coron para mag bakasyon, medyo matagal din kasi ako doon at pag balik ko naman dito ilang araw lang ang ilalagi ko at balik Italy na rin ako. "Ilang case ba ng alak ang nilaklak mo kagabi?" "Apat na bote lang!" Mahinang sagot ko. Natawa naman si Kuya Jeks sa akin. "Apat lang pero lasing na lasing ka! Eh samantalang kaya mo nga kaming pataubin sa inuman. Anyare?" Sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin at kung bakit para bang pagod na pagod ako ngayon. Jusko po may gulo ba akong ginawa kagabi? Napayuko na lang ako bigla ng maisip ko 'yun! Shit nakakahiya, anong ginawa mo Seb? "Ayos lang naman na mag enjoy sa pagiging binata dahil minsan lang dadaan sa buhay natin 'yan. Pero huwag mo masyadong abusuhin, baka mamaya maging instant Daddy ka na lang bigla, ikaw din baka maputol kaligayahan mo niyan!" "Based on experience ba 'yan?" tumawa naman si Kuya Jeks sabay palo sa balikat ko, "Masyadong seryoso. Basta gumamit ka ng protection kung gagawa ka ng kababalaghan. Iwas sakit na iwas instant Daddy pa!" Kuha ko naman yung punto niya at lagi naman akong gumagamit ng sinasabi niyang protection pero kagabi parang hindi dahil pakiramdam ko ang bilis ng mga nangyari kaya wala na akong oras para mag suot pa ng sinasabi niyang protection! Gabi na ng maka uwi ako sa condo, gusto sana nilang kumain ako ng hapunan doon pero hindi ko yata kayang kumain, ang tindi ng hang over ko. Ngayon ko lang naranasan yung ganitong pakiramdam. Parang... Naka drugs ako? Marami kaming napag usapan at naging kwentuhan pero parang wala yatang na absorb yung utak ko at para bang wala akong maalala sa mga sinabi nila. Pati nga ang mga pasalubong ko sa kanila at sa mga pamangkin ko nawala sa isip kong dalin. Ngayon lang yata ako nawala sa sarili ulit? Anong klaseng alak ba yung nainom ko kagabi? Agad akong nag shower pag dating ko sa condo at pag katapos tulalang naka upo sa sofa habang nakasabit pa ang towel sa leeg ko, iniisip ko pa rin kasi kung ano yung nangyari kagabi! Kung ano-ano ang mga nangyari kagabi? Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko bigla namang tumawag si Carlo, yung tukmol na natalo sa laro namin! Kinlaro niya ang magiging set up ko bukas. Alas onse ang flight ko papunta ng Busuanga Airport sa Coron Palawan at may sasalubong sa aking driver ng Van na mag dadala sa tutuluyan ko for one month. Walang bakante sa Transient nila kaya doon na lang daw ako sa Villa nila titira. Solo ko raw ang buong bahay kaya mas pabor sa akin yuon, may makakasama akong isang pamilya na care taker ng Villa pero sa umaga lang yuon dahil sa gabi umuuwi sila sa bahay nila na malapit lang din sa Villa. Nag empake na ako pagkatapos kong kausapin si Carlo. Isang maleta at isang bag pack lang ang balak kong dalin. Karamihan sa mga dadalin ko ay short pang labas, sando, t-shirt, at polo. Gusto ko yung komportable ako at mag mukha talagang turista sa lugar na 'yun. Ayoko na may makakilala sa akin doon, para mas komportable ang bawat galaw ko. Celestine's POV Habang naka sakay ako sa taxi hindi ko mapigilang mapayuko at umiling na lang, pati tuloy yung driver napansin ang balisang kilos ko, tinanong pa ako nito kung ayos lang ako kahit na nag aalangan sumagot na lang ako ng oo. Hindi ko alam ang idadahilan ko kina mama kung bakit ako hindi naka uwi at kung saan ako natulog kagabi kaya naman ang tagal kong naka tayo sa labas ng bahay namin, nag iisip kung ano ang sasabihin ko sa oras na mag tanong sila sa akin. Pumasok lang ako ng mapansing may palabas na ng bahay. Pag labas ni Kuya Carlo agad naman akong pumasok sa loob ng bahay. Si Cedrick ang bumungad sa akin at mas grabe pa ang reaction nito kaysa kay Mama, actually daig na daig na niya si Mama. "Ate saan ka galing at inumaga ka na?" "Bakit hindi ka umuwi kagabi?" "Saan ka natulog?" "Anong ginawa niyo mag damag at ngayon ka lang naka uwi?" "Kumain ka na ba? Nag handa si Mama ng breakfast kumain ka muna." "Teka ate bakit ganyan istura mo para kang nangabayo, gulo gulo pa yang buhok at damit mo?" Jusko po sa dami ng tanong ni Cedrick lalong huminto ang utak ko sa pag-iisip, nag mistulang bata ako sa harap niya na pinapagalitan ng magulang dahil may nagawang kalokohan. Napansin ni Mama ang pangungulit ni Cedrick sa akin kaya naman tinawag na niya ito sa kusina para kumain. Kumaway naman ako kay Mama bilang pag bati, tumango ito at inaya rin akong kumain. "Mamaya na Ma busog pa po ako!" Aakyat na sana ako para mag pahinga pero bigla namang hinawakan ni Cedrick ang kamay ko, "Teka ate saan ka ba natulog kagabi?" napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya sinungitan ko na lang si Cedrick, para tigilan na niya ang kakatanong sa akin, "Ced, wag ngayon pagod ako!" Mabilis akong nag lakad paakyat kahit pa medyo sumasakit ang ari ko. Shit, ito ba yung pakiramdam ng na virgin? Akala ko uubra na ang pag susungit ko sa kanya pero wala na yatang mas kukulit pa sa kapatid ko at hanggang sa taas sinundan ako, "Ate saan ka nga natulog kagabi?" hawak pa nito ang kamay ko na para bang batang nangungulit, "Sa bahay ni Ate France mo ako natuog kagabi. Okay na ba, happy?" tinanggal ko ang kamay niya at pumasok na sa loob ng kwarto ko pero ng isasara ko na ang pinto muli na naman siyang humirit ng tanong. "Weh, 'di nga Ate?" Habang seryoso akong nakatitig sa kanya siya naman parang natatawatawa pa. Pinag titripan ba ako ng batang 'to? "Katext ko si Ate France kagabi hindi ka naman daw sa kanila natulog, bigla ka nga raw nawala ng parang bula!" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya, kaya pala ngingisi-ngisi ito alam pala niyang nag sisinungaling ako. Kaysa mahuli at mabuking sa nangyari sinara ko na lang ang pinto at nilock ito. "Ate, kasama mo ba si future bayaw kagabi? Okay lang naman kung siya kasama mo at least hindi na ako mag aalala kung tatanda ka bang dalaga o makakapag asawa pa!" Walang hiyang batang 'to sinadya niya pa talagang isigaw ang sagot niya na sigurado akong narinig ni Mama at ng buong bahay. Kung alam lang ni Cedrick kung sino yung kasama ko kagabi panigurado ako na siya ang unang tututol at magagalit sa nangyari sa amin kagabi. Tss, future bayaw mo dati! Pero ngayon hindi na! Para akong nag training ng track and field mag hapon. Nanghihina yung mga tuhod ko, nanlalambot yung buong katawan ko at sobrang ubos yung energy ko na para bang gusto ng sumuko ng utak ko at matulog na lang. Pero paano ako matutulog kung yung mukha niya sa kama yung naiisip ko. Shit ka Tin, para kang tanga! Bakit ba kasi sumama pa ako sa kanila, bakit ba kasi uminom ako ng alak at bakit ba kasi naisipan pa naming mag sasayaw sa dance floor na 'yan, at bakit din kasi sa dinami-rami ng bar sa Pilipinas bakit ba kasi doon pa siya nag punta. Bakit ba kasi nag kita pa kami, at sa ganoong paraan pa! Jusko mababaliw na yata ako! Nag shower na ako after mag ayos ng ilang gamit. Sa tanan ng buhay ko first time ko yatang abutin ng dalawang oras sa banyo na ang tanging ginagawa lang ay tumapat sa shower at pumikit habang dinadama ang tubig na dumadaloy sa katawan ko. Ang akala ko after ng nangyari kagabi hindi na ako makakatulog, maganda pala ang mag shower ng matagal dahil ang bilis kong antukin siguro dahil sobra yung pagod ko kagabi. After ng inom, sayaw naman tapos... Never mind. Huwag mo ng alalahanin yung nangyari kagabi Tin, sigurado akong mag aaway-away lang ang mga brain cells mo! Habang nakaharap sa salamin at nag susuklay napatingin ako sa cellphone ko at nakitang marami ng missed calls si France. 23 missed calls and 18 messages! Napakakagat labi na lang ako sa mga nabasa ko, tulad niya si Cedrick na nag tatanong kung anong nangyrai sa akin kagabi at bigla akong nawala. Sasabihin ko ba sa kanya or mag dadahilan na lang ako pero baka tulad siya ni Cedrick na alam naman ang sagot pero tatanungin ka pa rin dahil gusto kang mahuli sa sarili mong bibig. Hindi ko sasabihin. Walang ibang makakaalam! Magiging malaking sikreto lang ito! Nakita ko yung contact lens na naiwan ko kagabi dahil sa kakamadali at kadaldalan ni Cedrick! Hinawakan ko ito na para bang pinagagalitan! Kasalanan mo 'to kung hindi ka nag paiwan kagabi eh, di sana walang ganun na nangyari sa akin, sa amin. Sana nakita ko ng malinaw yung mukha ng lalaking 'yun! Jusko, nahihibang na yata ako! Kasalanan mo talaga 'to kung hindi ka naiwan kagabi, eh di sana walang nangyaring something sa amin, sana nakita ko kung sino yung lalaking bigla na lang humawak sa bewang ko, sana nakita ko yung mukha niya habang dinadala ako sa isang kwarto at sana napigilan kong mangyari ang hindi dapat mangyari sa aming dalawa! Hindi man malinaw lahat ng detalye pero isa lang ang natatandaan ko at sigurado ako doon. Yung nangyari sa amin habang na sa kwarto kami... habang na sa kama kaming dalawa! Sana napigilan ko ang sarili kong madala sa ginagawa namin, at sana hindi ako nag padala sa impluwensya ng alak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD