Chapter 11

3573 Words
Sebastian's POV Almost fourty five minutes ang naging byahe bago lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa Busuanga Airport. Pag labas ko ng airport may sumalubong agad sa akin na lalaki at tinanong kung ako si Sebastian na kaibigan ni Sir Carlo nila. Tumango naman ako kaya tinulungan na niya akong bitbitin ang mga gamit ko, pero tumanggi ako dahil kaya ko namang dalin lahat ng 'to at bukod pa doon ayaw kong may ibang taong humahawak ng gamit ko lalo na kapag hindi ko naman kakilala. Another thirty minutes ang byahe papunta naman sa Coron Town Proper, kung saan matatagpuan ang mga mga hotel, transient, resort at villa para sa mga turista o bakasyonista. Mukhang may kadaldalan si manong kaya pinili ko na lang na isuot ang earphones ko para hindi na niya ako kausapin pa. Hindi naman sa nag susungit pero hanggang ngayon kasi parang may hangover pa rin ako sa nangyari kagabi! Masakit pa rin ang ulo ko! @CedCor Kuya Idol ☹️ @SDM_Gallery Kuya na, hindi na future bayaw? @CedCor Uy napansin niya pa yun? Alam mo ba pakiramdam ko nakilala na ng Ate ang future bayaw ko. @SDM_Gallery Ah kaya pala may pa sad face pa sa dulo. Paano naman nakilala ng ate mo at saan? @CedCor Eh, kasi hindi siya umuwi kagabi tapos nag dahilan pa doon siya natulog sa bahay ng friend niya pero hindi naman totoo kasi tinext ko yung friend niya at ang sabi bigla na lang daw nawala si Ate kagabi. @SDM_Gallery So it means kasama niya yung future bayaw mo? @CedCor Feeling ko oo, kasi iba yung kinikilos ni Ate kaninang kaharap ko siya. @SDM_Gallery Teka may boyfriend ba yung ate mo dito sa Pilipinas? @CedCor Wala, pero malakas ang pakiramdam ko na si future bayaw yung kasama niya kagabi. Kaya hindi na kita irereto kay Ate kasi mukhang magiging busy na siya. @SDM_Gallery Grabe hindi mo man lang ako ipag tatanggol, doon ka agad sa kasama ng ate mo kagabi. Akala ko ba gusto mo akong maging bayaw! Excited pa naman akong makilala ang ate mo ??‍♂️ @CedCor Haha, napag hahalata na interesado ka na sa Ate ko ah! @SDM_Gallery Haha joke lang. Wala sa plano ko ang pumasok sa relasyon ngayon. @CedCor Eh, bakit? Sabi nila masarap daw ang ma in love. @SDM_Gallery Naku puro ka love, aral ka muna at saka sino nag sabing masarap ma in love? @SDM_Gallery I-ki-kiss ko! @CedCor Ang Ate, bakit? @CedCor Sige punta ka sa bahay tapos kiss mo siya. Haha, pero naranasan mo na bang ma in love? Hindi ako nainip sa byahe dahil sa makulit na follower ko. Hindi ko rin alam kung anong nakita niya sa profile ko at ganoon na lang siya kung mag kwento sa akin, para bang ang tagal na naming mag kakilala kahit hindi naman talaga at hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nirereplyan ko 'to. Baka siguro naaaliw ako sa pag tawag niya sa akin ng future bayaw at sa pagiging curious ko sa Ate niya? Sinalubong ako ng isang lalaki na palagay ko na sa edad singkwenta pataas at isang babae naman na mukhang na sa forty's pa lang. Nag pakilala silang mag asawa at sila raw ang care taker ng Villa, malapit lang din daw ang bahay nila kaya kung may kailangan ako pwedeng pwede ko daw silang puntahan agad. Mukha namang mabait ang mag asawang 'to kasi una pa lang nila akong makita nakangiti na sila agad, pero baka kasi nasanay na sila dahil trabaho nila ang asikasuhin at salubungin ang mga bisita. Nilibot nila ako sa buong bahay, humingi pa sila ng pasensya dahil nirerenovate ang katabi ng Villa kaya medyo may kaingayan mag hapon. Pero ayos lang naman sa akin dahil panigurado wala naman ako dito kapag umaga. Pero huwag lang sana maingay sa gabi dahil hirap akong matulog. "Pasensya na po kayo Sir Seb, yaan lang po ang nailuto namin dahil ang akala namin bukas pa ang dating niyo." Sabi ni Mang Teban. Isang basket ng prutas, vegetable salad, inihaw na isda, bulalo at ang paborito kong chicken. Sigurado kaya silang hindi pa sila nakapag handa sa lagay na 'to? "Naku ayos lang po 'yun at saka sobrang dami pa nga po nito kaya baka po pwedeng saluhan niyo na rin ako sa pag kain kasi lunch time na rin naman." Nakangiti ang dalawa na tila ba nag papasalamat sa sinabi ko. Habang kumakain kami kinukwentuhan naman nila ako tungkol sa mga magagandang lugar dito, mga island na sikat at pati na rin ang mga pagkain at bilihan ng mga murang souvenir. Magaan ang pakiramdam ko sa mag asawang ito, yung tipong mapagkakatiwalaan ko na kahit na unang kita ko pa lang sa kanila at kahit hindi pa nakikilala ng lubos. Hindi ako mabilis mag tiwala sa tao, siguro dahil na rin sa experienced ko habang lumalaki ako. Yung nakita ng dalawang mata mo ang isang pangyayari pero hindi ka naman pinaniniwalaan at pipilitin ka pang mag sinungaling para lang pag takpan ang walang kwentang tao. Kaya siguro lumaki akong ganito hindi pa kilala ang tao pero pinag dududahan ko na agad. "Sir pag pasenyahan niyo na po ang Villa kung medyo makalat at magulo pa, hindi pa po kasi tapos ang pag gawa dito medyo marami pa ang kailangang idagdag para maging ganap na Villa ito." Parang nag kukwentong tatay lang si Mang Teban kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya. Bukod kasi sa Villa marami pa siyang kinukwentong iba para bang komportable na agad siya sa akin kahit turista lang ako dito. Medyo malaki nga ang lupain kung saan nakatayo itong Villa at mukhang marami pa ngang kailangang ayusin pero ayos lang naman kasi kahit hindi pa tapos ang pag gawa photogenic naman ang lugar kaya pabor na rin ito sa akin. Magandang view kaya nakaka relax! After kumain balik na ako sa kwarto ko. Inayos ang mga gamit at damit na gagamitin ko sa loob ng isang buwan, nilagay ko rin ang mga personal hygiene ko sa isang table na may salamin, mukha mang pambabae ang kwartong ito ayos na rin kasi malaki at malinis lalo na ang banyo kaya baka dito na lang muna ako mag hapon. Gusto ko kasing ipahinga yung utak at katawan ko, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari at kung bakit ang bilis kong nalasing at kung bakit wala akong maalala sa ginawa ko nung araw na 'yun. Nalalasing ako pero kinabukasan na rerecall ko sa isip ko kung ano-ano ang ginawa ko nung mga oras na yun pero ngayon parang iba, wala akong maalala bukod sa nag sasasayaw kami nila Dominic sa dance floor ng bar dahil may foam party pa nung gabing 'yun. Habang sinusubukan kong alalahanin ang mga nangyari noong gabing 'yun bigla na lang pumasok sa isip ko yung bracelet na nakita ko sa kama. Kinuha ko ito mula sa secret pocket ng bag pack ko. Humiga ako habang hawak ko ang braclet at masusing tinitignan ang kabuoan nito. Kung isasangla siguro ito na sa ten thousand din. Manipis ang ginamit na gold para sa bracelet na ito at may mga nakasabit na hindi ko alam kung letra ba o sign ito? Kung bibilangin na sa siyam na piraso ang nakasabit sa paligin ng bracelet. Tinabi ko na lang muna ulit ito sa maliit kong wallet, ewan ko ba kung bakit parang ayaw kong bitawan ang bagay na ito, samantalang hindi ko naman sigurado kung pag mamay-ari nga ba ng babaeng 'yun ang bracelet na ito. Sa lahat kasi ng nakasama ko sa kama siya lang ang nag iwan ng bakas. Hindi ko alam kung may pag ka tanga siya o baka sinadya niyang iwan ang gamit niya para mag kita ulit kami? Kung yuon man ang motibo niya, eh hindi siya mag tatagumpay dahil never pa akong nakipag kita ulit o nakipag seeping ulit sa mga babaeng naikama ko na. Ayaw kong umaasa sila at isiping pwedeng ma uwi sa romantic relationship ang nangyaring one night stand sa pagitan namin! Hindi pa ako baliw para pumasok ulit sa isang relasyon. Masaya kaya yung single ka lang at nagagawa ang lahat ng gusto mo, yung tipong wala kang aalalahaning iba! @CedCor Kuya Idol hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Na in love ka na ba? Bakit ba sa twing nakakaramdam ako ng inip bigla na lang sumusulpot ang batang ito. Tapos ang hindi ko lalong maintindihan bakit parang naging hobby ko na ang replyan siya at makipag kwentuhan sa kanya. Naisip ko lang din, wala naman sigurong mawawala sa akin kung makikipag utuan ako sa batang ito at saka hindi naman niya ako kilala kaya ayos lang na makipag usap sa kanya. Baka nga makatulong pa siya sa pag promote ng next exhibit ko, nakita ko kasing na sa libo din ang followers niya kahit wala rin siyang mukha kagaya ko. @SDM_Gallery Hoy, Kid wala ka bang pasok, at ang dami mo yatang oras makipag chat sa akin? @CedCor Vacant ko kasi kaya marami akong oras para tanungin ang love life mo! Pero teka, meron ka nga bang ganun? ✌? @SDM_Gallery Aba! Minamaliit mo yata ako?! Hindi sa pag mamayabang pero hindi ko kailangang manligaw ng babae para magkaroon ng girlfriend! @CedCor Wow ?? Pero minahal mo naman ba sila? Tingin ko may future ang batang ito maging news reporter. Iba rin ang bilis ng utak sa pag tatanong! @SDM_Gallery Hindi. @CedCor Kahit isa sa kanila? @SDM_Gallery Wala sa kanila, kasi yung babaeng minahal ko niligawan ko ng matagal almost 1 and half year yata, basta higit one year din yun. @CedCor Wow! Anong sikreto? @SDM_Gallery Sikreto ng? @CedCor Tyaga mo sa panliligaw sa kanya? @SDM_Gallery Love at first... kissed? Ewan, ginayuma yata ako. @CedCor First kiss mo siya? @SDM_Gallery Nope! She kissed me before nung hindi pa kami at wala pa akong gusto sa kanya. @CedCor Eh, baka kaya na in love ka dahil sa kamandag ng laway niya, este kiss niya! ? @SDM_Gallery Haha, I guess! @CedCor Now I know. @SDM_Gallery You know what? @CedCor Kung bakit sinabi mo dati na dapat good kisser ang ate ko. @SDM_Gallery Haha, grabe talas ng memory. Naisip mo pa yun! @CedCor Tatanungin ko ang ate kung good kisser siya. If oo meant to be kayo. @SDM_Gallery Aakala ko ba may future bayaw ka na dyan? @CedCor Hanggat hindi ko nakikilala at nakikita ikaw pa rin ang manok ko kaya ako bahala sa'yo!? **** Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kaya ng pag bangon ko sakto naman na pababa na ang araw, mabilis akong tumayo at kinuha ang cell phone ko. Ang ganda ng view dahil sa sunset at sa mga punong nakaharang dito kaya naman nag mistulan siyang isang painting.  Lumabas ako ng kwarto para sana kuhanan ito sa ibang anggulo kaso lang hindi na ako natuloy dahil na sa sala ang pamilya ni Mang Teban. Pinakilala niya sa akin ang mga anak niya at kahit hindi pa ako nag sasalita nakangiti na ang dalawa sa akin parang katulad lang nila kanina. Si Rizza ang panganay na anak nila na nasa High school pa lang at si Rocco na Grade 6 naman. Inaya ako ng mga batang ito na lumabas at samahan silang kunin ang Barbecue na inorder ng Tatay nila na dagdag ng hapunang niluluto naman ng Nanay nila "Kuya, saan po kayo nakatira?" tanong ni Rocco. "Sa ibang bansa ako nakatira, nag babakasyon lang ako dito." Sagot ko habang abala ang mata ko sa pag tingin sa kaliwa't kanan ko, dahil nga nakatulog ako kanina ngayon ko lang makikita ang lugar. Maganda pala siya sa gabi. "Ano po ang trabaho niyo? May asawa na po kayo?" Sunod sunod naman ang tanong ni Rizza, pero si Rocco biglang sumabad, "Ate kung may asawa si Kuya Seb, eh di dapat kasama niyang nag babakasyon dito!" Para bang dismayadong sumagot si Rocco, inirapan naman siya ni Rizza, "Bakit hindi ba pwedeng cool off muna sila o kaya naman hindi lang naka uwi yung asawa niya!" Nakikinig lang ako sa dalawa habang nag lalakad kami papunta sa restaurant. "Ngek, labo ni Ate. Sa ganda ng Coron papayag ba naman si Kuya Seb na hindi kasama ang asawa niya dito. Kung meron man?" Mukhang nag kakainisan na ang dalawa kaya naman palagay ko oras na para itigil ang pakikinig at makisali na sa usapan nila, baka kasi mamaya bigla na lang mag sakitan ang dalawang ito ma ipit pa ako sa gitna. "Wala pa akong asawa. Photographer naman ang trabaho ko." "Kitams! Tama ako!" Dumila pa si Rocco para inisin ang Ate niya. Nakakatuwa din talaga minsan ang makasama ang mga bata dahil sa maliit na bagay lang bigla na lang silang nag aaway and I find it cute. Ano ba'to mukhang namimiss ko lang ang mga pamangkin ko. Isang Korean restaurant pala ang inorderan nila kaya mukhang mapapalaban ang abs ko nito. Pag ka kuha namin sa Barbecue nag aya ang dalawa na lumibot ng konti para daw hindi sayang ang nilakad namin, pumayag naman ako dahil naka pag recharged naman ako kanina kaya okay lang na mag lakad lakad pa kami. "Kuya dyaan po kami tumatambay para sunduin ang mga turistang gustong mag island hopping." Sabi ni Rizza. Kahit medyo may kadiliman na makikita pa rin ang ganda ng tanawin pati na rin ang maliliit na isda. "Hindi ba masyado pa kayong bata para maging tour guide?" tanong ko habang kinukuhanan ng picture ang lugar gamit ang cell phone ko, sayang at hindi ko nadala ang camera ko mas maganda sana ang kuha doon. "Bata pa po pero pag kasama namin si Tatay at iba pa niyang kasama ayos lang po 'yun." Nangatwiran pa ang batang 'to, eh mali pa rin naman dahil minor sila. "Tama po si Ate Rizza, kasi si Ate Celestine bata pa rin naman dati nung sumasama sama siya sa pag to-tour guide." Tama ba ako ng nadinig, Celestine, daw? "Tara na po Kuya baka hinahanap na tayo nila Tatay." Tumango lang ako at sumunod na mag lakad sa kanila. ******* Celestine's POV Buti na lang isang picture lang ang pinost ni France at thank God talaga dahil yung matino ang pinili niya, ito yung kuha namin before the inuman session. Pinag masdan ko ng maigi ang picture pero wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa madilim at parang pusang nakailaw ang mga mata namin. @NicoleDG Tin, na sa Pinas ka na pala? Uy, si Nicole nabuhay yata. Naku po marami na kasi akong utang sa inaanak ko. @CortezTin Oo, ilang days pa lang ako dito sa pinas. @NicoleDG Busy ka ba today? Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya, ganyan din kasi si France kahapon. @CortezTin Hindi naman. Why? @NicoleDG Kita naman tayo, namiss kitang ka chikahan. Okay lang naman kung chikahan lang basta walang alcohol na involve, game ako dyan! @CortezTin Sige ba, miss you too. Hindi na nakatiis si Nicole at bigla na lang nag video call, puro ngiti at tili ang ginagawa naming dalawa, ngayon lang kasi talaga kami nag kita after six years. Sa Coron talaga sila nakatira pero dito na siya sa NCR nag aral at nakapangasawa kaya napag desisyonan nilanh dito na rin tumira. Kababata ko siya at sabay kaming sumasama sa pag to-tour guide dati lalo na pag summer kasi mas maraming turista kaya mas maraming kita. Sinabi niya sa akin ang address ng meeting place namin at buti na lang medyo may kalapitan lang sa amin kaya hindi na ako mahihirapan pang hanapin ito hindi tulad nung bar kagabi. Eh, bakit ba napunta na naman ako sa bar na 'yun?! Naligo at nagbihis na ako at dahil wala si Cedrick, walang makulit na tanong ng tanong kung saan ako pupunta. Sweet Lips by SDM Hindi ko alam kung anong meron sa pangalan pero parang pamilyar? Habang nakatitig naman ako sa pangalan bigla namang dumating si Nicole, at agad akong niyakap, pagkatapos inaya na ako sa loob. Yung amoy sa loob mahahalata mo agad na bakeshop. Ang bango! "Dito nga pala ako nag wo-work at kaya dito kita inaya kasi 'di ba pangarap mo magkaroon ng bakeshop before." Tama naman si Nicole, kung nakapag patuloy lang ako ng Culinary malamang may sarili na rin akong bakeshop. "Matagal ka na ba dito?" "Three years na. Order na tayo?" Paano, eh hindi ko alam kung ano masarap dito. Ngumiti na lang ako bilang sagot. "Sige ako na oorder." Kilala pa rin talaga ako ni Nicole, yung simpleng ngiti ko lang basang basa na niya agad. "Alam mo masarap lahat ng pag kain dito, hindi dahil dito ako nag tatrabaho pero yuon kasi ang sabi ng mga customer namin." Sa pag lilibot ng mata ko nahagip naman nito ang isang babaeng naka suot ng pormal at mukhang siya yata ang nag mamay-ari nito. "Siya ba yung owner?" Lumingon si Nicole at umiling, "Kapatid siya nung owner, bali siya yung nag mamanaged ng bakeshop turned café." Ah, mukha kasing mayaman! "Na meet mo na yung owner?" "Sabi na at yaan ang sunod mong itatanong pero unfortunately hindi pa kasi kapag nandito siya natataon naman na day off ko tapos may picture nga siya pero lagi naman siyang na ka mask at cap kaya hindi mo rin makikilala ang mukha." Huh? Pa mysterious! Lumapit ang manager ng bakeshop at masaya kaming binati, nagulat nga ako na kilala na pala niya ako kahit ngayon lang kami nag kita. "Ma'am siya po yung sinasabi ko na kaibigan kong designer." "Ah, you must be Tin, right?" "Yes po." Umupo sa tabi ni Nicole ang manager at masayang nakipag kwentuhan sa amin. "Alam mo ba nung pinakita ni Nicole, yung mga design mo ng dress at gown nagustuhan ko talaga at pinakita ko rin sa mga friends and cousins ko at gusto nila yung design mo." Kung makipag kwentuhan siya para bang matagal na kaming mag kakilala at hindi siya nakakaramdam ng pag ka ilang. Approachable at sophisticated kung titignan ang babaeng ito, halatang galing sa mayamang pamilya. Tutal naman mukhang hindi ako mahihirapang makipag usap sa kanya nilubos ko na ang pag kakataong iyon para mag tanog kung paano tinayo ang negosyong ito. "Matagal na po ba itong bakeshop?" "Almost five years na rin and still going strong naman." "Paano po kayo nag simula, pasensya na po sa tanong, before kasi pangarap ko talagang mag tayo ng ganitong negosyo." "No, It's okay. Actually hindi sa akin ito, sa bunsong kapatid ko 'to ako lang ang nag mamanaged dahil sa ibang bansa siya nag wowork." Nag order pa siya ng mga best seller nila, kasi napansin niyang kaunti lang ang inorder ni Nicole, ang sabi pa niya treat niya raw yun sa akin dahil favourite niya daw talaga yung mga design ko. Iba't ibang cakes, cupcake, bread pati na ang pasta at chicken nila pinadala niya rin sa lamesa namin. Nahihiya ako kaya sabi ko sobra yata yung mga pag kain para hindi na siya mag padala pa ng iba pero ang sabi niya para daw hindi mukhang libre ang lahat mag sulat na lang daw ako ng suggestions or any comments sa lahat ng titikman kong pag kain nila. Wala akong nagawa kundi sundin siya, nakakahiya naman kasing tanggihan ang grasya at lalo na siya. Opportunity ko na rin ito para makapag tanong about sa pag tatayo ng ganitong negosyo. "Bakit po Sweet Lips yung name?" "Siguro dahil puro pastries ang i-no-offer dito kaya siguro Sweet Lips, pero kapatid ko lang talaga ang nakakaalam kung bakit yuon ang pinangalan niya." "Saan po nag-aral ng Culinary yung brother niyo?" "Actually wala siyang background ng Culinary or any cooking course. Business Ad. Siya graduate. Kaya nag tatakha din kami, pero alam mo ito yata ang pinaka unexpected na gagawin ng kapatid ko sa buhay niya kasi hindi naman siya marunong mag luto before at ang alam niya lang ay mag paluto, kumain o kaya mag pa deliver–" "Eh, paano po siya napunta sa ganitong business?" "I think dahil sa girlfriend niya, pero nag break din sila." "Ay, sayang naman po. Kaya siguro hindi siya ang nag mamanaged nito?" "Palagay ko nga nakabuti yung break-up nila, kasi kung hindi sila nag hiwalay baka wala ang Sweet Lips na dinadayo ng mga tao at buti na lang din hindi niya naibigay yung baking set na ireregalo niya dapat noong anniversary nila." "Ang swerte naman nung girl. Eh, na saan na po yung baking set?" "Yuon ang ginamit niya para matutong mag baked at mag luto kesa naman daw itapon niya sayang naman daw. Papasok ako sa trabaho sa umaga hanggang sa pag-uwi ko ng gabi na sa kusina siya, pinag aaralan kung paano niya ma peperfect yung banana bread. Yuon kasi yung first bread na sinubukan niyang i-baked." "Tama nga yung sabi nila na, Everything happens for a reason. Nawalan siya ng love life pero nag ka negosyo naman siya." "Pinaglaban niya kina Dad at Kuya yung pag tatayo nitong Sweet Lips kaya alam ko kung gaano kahalaga sa kanya itong negosyong 'to." "Pero tanong ko lang po bakit may chicken sa menu list? Akala ko puro pastry lang ang binebenta dito?" "Favorite niya kasi yung chicken at ang tagal niyang na perfect lahat ng flavour na 'yan bago pa ilagay sa list, worth it naman kasi dinadayo ang chicken namin dito at laging nauubos."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD