Chapter 12

2600 Words
Sebastian's POV Unang beses kong makikita ang pag labas ng araw dito sa Coron, at sana maging kasing ganda ng sunrise ang araw ko ngayon. Maaga ring nagigising sila mang Teban, dahil mamayang alas otso ng umaga mag sisimula na siyang mag trabaho bilang tour guide minsan naman nangingisda din siya kapag day off niya, si aling Ester naman suma-sideline naman sa pag titinda ng cashew nuts. Habang tinitignan silang dalawa bigla naman akong na pa isip kung paano kaya kapag msy sarili na akong pamilya, kaya ko kayang maging katulad nila, kaya ko kayang bigyan ng maganda at maginhawang buhay ang magiging asawa at anak ko? Pero kahit pala imagination lang nakakaiaba pa rin ang isipin ang magiging future mo. "Sir, Seb gusto mo na bang mag island hopping? Mamaya kasi may i-to-tour din kami baka gusto mong sumabay." Noong bata ako sanay akong pinag sisilbihan at tinatawag na Sir ng kahit sino man pero ngayon parang ang awkward ng tawagin akong "Sir" lalo na at para na nila akong pamilya kung ituring. "Seb, na lang po. Tanggalin niyo na yung Sir." Nakangiting sabi ko at nginitan din naman ako ni Mang Teban. Island Hopping at Town Tour ang pwede kong gawin dito sa loob ng isang buwan. Sa Island pa lang daw hindi na kakasya ang isang araw ko para libutin ang lahat ng magagandang lake, lagoon at beaches dito at except pa sa mga secret lake at mga shipwreck nila dito, ganoon din naman ang pag lilibot sa buong town proper. Ano kaya ang uunahin ko? After ng breakfast bumalik ako sa kwarto para mag isip kung anong gagawin ko ngayong araw. Nag paalam din ako kay Mang Teban na gusto ko sanang mag tour mag-isa pero nag offer pa rin siya na samahan ako at nag recommend pa siya ng pwedeng rentahang private boat, kilala niya raw ito at sabihin ko lang daw kung kailan ko gusto para ma schedule na nila. Hirap akong matulog sa gabi kaya naman madalas inaantok ako sa umaga at ayun na nga naka tulog ako kaya hindi rin ako natuloy sa pag lilibot. Sa kama tuloy ang bagsak ko. 2pm ng magising ako. Tinignan ko ang cell phone ko at una kong nakita ang message ng makulit na batang ito. @CedCor Kuya idol, marunong ka ba mag luto? Bakit ba mga random ang tinatanong ng batang ito, ano nanaman kaya ang pakulo niya ngayon. @SDM_Gallery Marunong pero hindi magaling. Bakit? @CedCor Mag papaturo sana ako sa'yo kasi ang ate nag baked ng banana bread, eh palpak naman mukhang nangangalawang na siya! @SDM_Gallery Bagsak na siya sa akin agad, mukhang malabo mo na akong maging future bayaw! @CedCor Hala grabe siya, wala man lang second chance. Busy kasi ang ate kaya hindi na siya madalas mag luto. Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit naisipang mag luto ngayon tapos alam mo ba kung hindi sunog kulang naman sa luto tapos ipapatikim pa niya sa akin. Ayaw ko lang na masaktan siya kaya sabi ko okay naman kahit hindi naman talaga. @SDM_Gallery Anong lasa? @CedCor Kahit yata ang aso at pusa namin hindi kakainin 'to. Lasang impakto! @SDM_Gallery Haha, nakatikim ka na ng impakto @SDM_Gallery Na sa tabi mo ba ang ate mo? @CedCor Hindi pa, first time sa luto ni ate. Oo, nakikitingin nga sa cellphone ko, eh. Medyo may pag ka chismosa din pala si ate! @SDM_Gallery Haha, gusto mo lang yata akong ma turn off sa ate mo? @CedCor Hindi ah, pasalamat ka na nga sa akin para pag nagkita kayo may idea kana kung anong klaseng babae siya. @SDM_Gallery Isang picture niya nga dyan. @CedCor Bawal! Hindi pa tamang panahon para mag kita kayo. @CedCor Turuan mo kami mag baked ng banana bread, gusto ko ng kumain ng matino si ate kasi wala yatang balak umalis dito sa kusina hanggat hindi na pe-perfect to. @SDM_Gallery Pre heat niyo muna yung oven for about 10 minutes, 180C tapos huwag masyadong puno yung bread pan or cake pan then baked niyo for 1hour, 180C. Masarap din kung lalagyan ng yougurt and instead of sugar try niyo ng honey, and pinch of cinnamon powder pero optional lang naman kung gusto niyo huwag niyo sosobrahan maamoy kasi yung cinnamon. Mas masarap din pala kung over riped yung banana na gagamitin niyo o kaya yung pabulok na then put some walnut and chocolate chips on the top. @CedCor Kapag daw success to, hug ka daw ng ate ko. @SDM_Gallery Haha sige tatandaan ko yan, sisingilin ko ate mo pag nakita ko na siya. @CedCor Kung makikita mo daw siya. Haha @SDM_Gallery Ang daya! **** Pag katapos kong maligo pumunta ako sa kusina para mag handa ng late lunch ko pero may nakahanda na pala at may nakalagay pang note. "Seb, masarap ang sikad sikad at inihaw na isda dito kaya sana magustuhan mo!" Kaya naman pala ganoon na lang kung mag sipag si Mang Teban kasi sobrang ma asikaso ng asawa niya. Kung ganito naman ang magiging asawa ko siguro naman may forever nga! Hindi ako masyadong kumakain ng mga seafoods lalo na kung hindi masyadong luto medyo maselan kasi ang sikmura ko pero nakakahiya naman kung hindi ko man lang titikaman itong sikad sikad ni Aling Ester. Pag katapos kumain nag bihis na ako, nag suot lang ako ng short para sa pang ibaba, t-shirt para sa top, nag suot na rin ako ng cap dahil medyo may kainitan na at yung favourite kong Nike offcourt naman para sa mga paa ko. Komportableng OOTD (Outfit Of The Day) lang para sa mahabang lakaran. Hindi sa nag titipid o walang pera, first time ko dito kaya mas maganda mag explore kung mag lalakad ako. Para din mas ma familiarize ako dito sa lugar. First destination, Café malapit dito sa Villa. Meryenda lang sana ang balak kong orderin pero natakam ako sa chicken nila kaya kanin din pala ang bagsak ko. Hindi kasi ako masyadong nag enjoy sa lunch kanina. Habang nag hihintay kinuhanan ko muna ng picture ang Café, vintage nga pala ang theme niya kaya feeling ko na sa unang panahon ako. Nag lakad lakad muna ako habang nakasabit pa rin ang camera sa leeg ko. Hindi naman siguro ako pag kakamalang weird kahit bawat corner ng madaanan ko ay kinukuhanan ko ng picture, ang ganda kasi dito kahit medyo may kainitan ang panahon at dikit dikit ang mga restaurants at café. Ang photogenic ng place! Celestine's POV "Cedrick, bakit ang galing ng idol mo ang sarap nitong banana bread parang kalasa nga nung kinain namin kanina ni Nicole." Infairness masarap talaga siya, buti na lang may silbi din pala yung kuya idol ni Cedrick, ang akala ko talaga hindi na ako maalis dito sa kusina. Marami-rami na rin kasi yung mga nasasayang ko. Natingin ako kay Cedrick, na abala sa pakikipag chat sa idol niya, tuwang tuwa yung kapatid ko akala mo talaga silang matalik na mag kaibigan, unti-unti na tuloy akong na cu-curious sa photographer na 'yan. Nilapitan ko Cedrick pag ka tapos kong mailabas ang isang pan ng banana bread galing sa oven. Aagawin ko sana ang cellphone nito kaya lang alerto siya, "Ate naman!" Reklamo niya. "Aba't nag lilihim ka na sa ate mo ngayon?!" Ngumiti ito na para bang may iniisip na kalokohan. "Eh, baka kasi mabasa mo yung pinag-uusapan namin." Sabi na nga may kalokohan 'to kaya ayaw ipahiram yung phone niya sa akin. "At bakit tungkol saan naman ba 'yan?" "Tungkol kasi sayo!" Muli kong inagaw ang cellphone niya pero tumakbo ito papunta sa sala. "Hoy, loko loko ka baka kung ano-ano sinasabi mo dyan!" sigaw ko. "Uy affected? Don't worry ate mukhang kahit sabihin ko ang bad side mo curious pa rin siya sa'yo!" Babatuhin ko sana ng unan si Cedrick pero biglang dumating si Mama, dumila pa ito saka nag tago sa likod ni Mama. Alas osto pasado na ng dumating si Mama at mukhang pagod na pagod ito kaya nag handa na kami agad ng pang hapunan. Ibig sabihin ang haba na rin pala ng oras na nilagi ko sa kusina, buti na lang talaga may silbi yung photographer na 'yun. Habang na sa hapag kainan tahimik lang si Mama at mukhang malalim ang iniisip. Nag titinginan naman kami ni Cedrick, at nag uusap lang sa isip namin hanggang sa ako na ang nag tanong kay Mama. "Ma, okay ka lang?" Nilingon ako ni Mama pero pilit lang ang ngiti niya, "Oo naman." Mukhang pilit din ang sagot niya. Si Cedrick biglang tumayo at niyakap si Mama, "I love you Mama, kung ano man yung iniisip mo nandito lang kami ni ate hindi ka namin iiwan." Hinalikan pa niya ang noo ni Mama saka bumalik ulit sa pag yakap. Hindi naman ako nakatayo agad dahil masyado akong naaaliw sa nakikita ko ngayon. Kahit malaki na si Cedrick hindi pa rin nag babago at malambing pa rin. Sana yung ipapakilala sa akin ni Lord ganito din kay Cedrick ka sweet at caring. "Ate kung manunuod ka lang din naman maganda siguro kung kuhanan mo na lang kami ni Mama ng picture!" Inirapan ko siya pagkatapos tumayo na ako papunta sabkanila at sabay yakap naman kay Mama. "Paano ako aalis niyan kung nalulungkot yung pinakamamahal kong Mama?" Ngumiti lang ulit si Mama habang hinahaplos haplos ang braso ko na nakayakap mula sa likuran niya, "Saan ka pupunta ate?" tanong naman ni Cedrick, "Pupunta ako ng Coron, kasalukuyan na kasi yung renovation sa transient." Tumango tango naman siya. Balik na kaming lahat sa pag kain ng biglang nagsalita si Mama, "Tin, anak wala ka bang boyfriend ngayon?" Hala saan galing yung tanong ni Mama. Napalunok ako at na pa isip kung may kinalaman ba ito sa pag uwi ko ng umaga last time. "Oo nga ate, dapat hanapin mo na ang future bayaw ko tapos bigyan mo na rin ako ng pamangkin!" Sabad ni Cedrick. "Out of the blue naman yata yung tanong mo Ma?" "Na sa edad ka na rin kasi at ayaw ko naman na humadlang sa happiness mo dahil lang sa mga priorities dito sa pamilya natin. Hindi mo kailangang problemahin ang lahat anak, 'di ba sabi ko naman sa'yo kaya ko na 'to." "Pero 'di ba nga ang sabi ko rin sa'yo pamilya tayo at tutulong ako hanggat kaya ko." "Ah, basta bago dapat matapos ang taon may maipakilala ka ng boyfriend sa amin." Nag ngitian pa sila ni Cedrick na para bang pinag kakaisahan ako. Bakit parang iba yung kinikilos ni Mama, kinakabahan tuloy ako. Totoong masaya ang walang iniisip kundi ang sarili pero parang sa part ko hindi ko yata ma eenjoy ang ganon, nasanay na kasi ako na priority ko sila at wala ng iba pero hindi naman masama yung suggestion ni Mama na mag boyfriend na ako pero ang masama, eh yung kailangan may ma ipakilala ako sa kanila this year. Mag boyfriend nga mahirap na ano pa kaya yung pressure nila sa akin. Shit, bakit biglang pumasok sa isip ko yung nangyari nung gabing 'yun! Stop Tin, Malabong siya yung ipapakilala ko sa kanila. Never! At pwede ba 'wag mo ng ipasok ulit sa isip mo ang bagay na 'yan! Pa akyat na ako sa taas para mag pahinga sa kwarto ko ng bigla namang humarang si Cedrick, "Ate, sabi pala ni SDM pa kiss daw!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sira ulo ba siya! "Sapak, kamo!" sagot ko. Lumakad na ulit ako ng bigla kong naalala yung Bakeshop kanina. Sweet Lips by SDM "Ced, tanong mo nga kung ano meaning ng SDM niya?" Si Cedrick naman ngayon ang kumunot ang noo. "At bakit ka interesado sa kanya ate?" "Kasi yung Bakeshop na pinuntahan namin kanina kung saan nag wo-work si Ate Nicole mo my SDM din sa name, tapos halos mag ka lasa yung recipe niya ng banana bread at yung kinain namin doon." Hindi ko alam pero parang feeling ko may connection sila. "Ate, ang daming may pangalang SDM sa IG at kung saan saan pa, malay mo nag kataon lang at FYI, halos mag kakapareho lang naman ang ingredients ng banana bread kaya hindi malabo na mag kakalasa din sila." Sabagay may point siya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko pag tapos naming mag-usap. Nag ayos ako ng ilang gamit na dadalin ko sa pag punta sa Coron, bukas na rin kasi yung flight ko kaya dapat maaga din akong makatulog para naman hindi ako haggard bukas. Naiimagine ko na ang magiging reaction nila Rizza at Rocco kapag nakita nila ako siguradong magugulat yung dalawa, ilang taon ko na rin kasi silang hindi nakikita pati na si Mang Teban at Aling Ester, sila ang pangalawang pamilya ko dito sa Pilipinas at dahil na rin sa Coron ako lumaki sila ang madalas kong nakakasama lalo na sa pagiging tour guide. Miss ko na rin maging tour guide, at yung ganda ng Island. Schocks! Excited na ako! Nakahiga na ako ng biglang pumasok na naman sa isip ko yung gabing may nangyari sa amin. Bakit ba hindi matanggal sa isip ko 'yun at lalo ko pa tuloy naisip dahil sa mga sinabi ni Mama at Cedrick kanina. Bakit ba kasi ang tanga tanga mo Tin, bakit ba kasi nag mamadali ka nung gabing 'yun kaya ayan tuloy naiwan mo yung contact lens mo, malabo tuloy lahat ng nakita mo kaya ayan nangyari ang hindi dapat at sa dinami-rami ng mga lalaki sa bar siya pa talaga yung naka one night stand mo. Ang dami naman kasi talagang lalaki sa mundo bakit si Seb pa, bakit yung ex ko pa? Bakit??? Nag uumpisa na namang lumalim ang gabi at ang balak ko sanang maagang matulog na uwi na naman sa puyatan. Bwisit kasing lalaki 'yun, siguro nag didiwang siya ngayon dahil na ka isa siya sa akin! Teka nga Tin, bakit ka ba ini-stress mo ang sarili mo dahil lang sa lalaking yun? Eh, for sure naman na wala lang sa kanya yung nangyari, isa lang ako sa mga babaeng dumadaan sa kanya at pagkatapos ibabaon na lang sa limot. Kaya dapat ganoon na lang din ang gawin mo sa nangyari sa inyo! Huwag mong kalimutan na siya si Sebastian Del Mundo, na kilalang playboy, badboy at fuckboy noong high school kayo at siguradong babalik at babalik siya sa dati niyang kinaugalian kasi alam ko naman na pinipigil niya lang ang sarili niya noong kami pa, pero alam ko deep inside gusto niyang gawin sa akin yung mga ginagawa niya sa mga nagiging mga babae niya! Pero kahit ganoon ang image niya sa akin hindi ko pa rin pwedeng ikaila na naging kami, hinayaan kong mahulog ako sa katulad niya. Ewan ko ba kung bakit, siguro kasi bata pa ako kaya marupok at impulsive pa, kaya sa konting pag papa cute niya at panunuyo sa akin kaya ito akong si tanga nahulog na lang ng hindi ko namamalayan. Higit isang taon niya rin akong tyinagang ligawan... Pero hindi ibig sabihin nun totoo lahat ng pinakita niya. Yung kasal nga niloloko pa ng asawa niya, ano pa kaya ang mag boyfriend at girlfriend lang na walang pinirmahang papel at hindi nanumpa sa harap ng maraming tao at sa harap ng Diyos. At ito na yata ang major na katangahang nagawa ko sa buhay ko, kung kailan naman hindi na kami at wala ng namamagitan sa amin saka ko naman binigay ang sarili ko sa kanya. Bakit ba sobra naman yata mag biro ang tadhana, tagos sa buto!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD