Sebastian's POV
Habang nag lalakad lakad at hindi ko alam kung saan ako dadalin ng mga paa ko sakto namang nakasalubong ko ang magkapatid na Rizza at Rocco, naka school uniform pa sila at mukhang pa uwi na.
Hinarang ko sila at tila ba nagulat ang dalawa.
"Bakit parang byernes santo ang mukha niyo?" tanong ko. Lumingon sila sa akin at pilit na ngumingiti, "Si Rocco po kasi winala yung payong namin kaya ayan tuloy para kaming dinaing sa sobrang init!" Inirapan ni Rizza si Rocco at ganun din naman ito sa kanya.
"Tara samahan niyo muna ako." Na pa nganga ang dalawa saka nag tinginan.
"Mag palamig muna tayo para naman mawala na yung init ng ulo niyo!" Nginitian ko sila at na una ng nag lakad, wala akong idea kung susunod ba sila sa akin dahil ilang araw pa lang naman nila akong kilala.
"Saan tayo pupunta kuya?" tanong ni Rizza na hinihingal pa.
Huminto ako at nilingon silang dalawa, "Saan ba may masarap na ice cream shop dito?" Nanlaki ang mata ni Rocco na parang natatakam na agad sa sinabi ko.
"Kuya may alam po ako na masarap na ice cream, sa Pedro's Gelato po." Tumango na ako at inaya na ulit sila pero tumanggi naman si Rizza.
"Huwag na doon kuya, okay lang po sa mga ice cream sa tabi tabi." Sasabad sana si Rocco pero nilakihan siya ng mata ng ate niya kaya yumuko na lamang ito.
"Hindi kayo mag eenjoy doon at saka mas masarap kapag maganda yung ambiance mas ma eenjoy niyo yung ice cream." Lumakad na pabalik si Rizza habang naiwan naman si Rocco kasama ko. Tinawag ko siya at lumingon naman ito, "Mahal po kasi doon kuya wala po kaming malaking pera." Yumuko ito na parang nahihiya.
Inaya ko si Rocco na lapitan siya, "Bakit sino ba nag sabi na pag babayarin ko kayo?"
"Pero nakakahiya po. Ang sabi ni Tatay at Nanay hindi maganda ang nag papalibre sa ibang tao dahil pinag hihirapan din nila ang pera nila." The moment na nakita ko kung paano sila mahirapan sa pag lalakad habang nakatirik ang araw alam ko ng maganda ang pag papalaki nila mang Teban sa kanila, hindi dahil kaya nilang mag lakad sa kalagitnaan ng mainit na panahon pero dahil nakita ko kung paano sila mag tiis at mahiya.
"Eh, hindi naman kayo mag papalibre, gusto ko kayong ilibre kasi magagalng kayong bata. Honestly naaalala ko ang mga pamangkin ko sa inyo." Dahil sa paliwanag ko unti-unting ngumingiti si Rizza at sa huli napilit din siya ni Rocco na sumama kaya lumakad na kami papunta sa Pedro's Gelato.
Nang makapasok kami sa loob ramdam ko pa rin ang hiya nila sa akin kaya para mawala 'yun nag feeling bata muna ako at bumalik sa pagiging high school. Biniro biro ko sila hanggang sa makuha ko ang loob nila.
"Mamili na kayo ng gusto niyo."
Habang hinihintay ang inorder namin naisipan kong kuhanan ng picture ang lugar. At habang ginagawa ko pala 'yun pinag mamasdan na pala nila ako, nag kunwari lang silang may tinitignang iba ng mapunta ang atensyon ko sa kanila. Halata sa reaction nila na na-cu-curious sila sa akin at sa ginagawa ko.
Buti na lang curious at hindi weirdo!
"You can ask me any question if you want to." Muli silang nag tinginan at para bang nag-uusap kung sino ang mauunang mag sasalita sa kanila. Paligsahan ng mga mata at nanalo ang makulit na bunso kaya ang ate ang na una.
"Kuya mayaman po siguro kayo kasi mahal ang ganyang camera."
"Honestly, lumaki ako sa mas nakakaginhawang pamilya but that doesn't mean na maselan or maarte ako or some kind of spoiled brat kaya huwag kayong mahihiya sa akin, ituring niyo na lang ako na parang matagal niyo ng kilala." Kinindatan ko pa silang dalawa sabay subo ng ice cream.
Si Rocco naman ang sunod na nag tanong, "Eh, bakit po kayo nandito?"
"Vacation. Hindi naman talaga dapat dito ang destination ko nag kataon lang na may taong bullshit. No, I mean hindi magandang kausap, pero binigyan naman niya ako ng maganda offer kaya tinaggap ko na. Eh, kayo bakit iisa lang ang gamit niyong payong?"
"Eh kasi po si Rocco madalas nakakalimutan yung sa kanya kaya isa na lang lagi ang dinadala namin kasi sabay naman ang pasok at uwian namin at para tipid na rin."
"Kuya bakit po ang bait niyo sa amin ni ate Rizza, eh hindi pa naman po tayo matagal na magkakilala?"
"Minsan hindi mo kailangang makilala ng lubos ang isang tao para maging mabait ka sa kanila. Enough na yung magalang kayo at you treat me right."
"Lahat po ba ng mabait sa inyo nililibre niyo ng Ice Cream?" Siniko ni Rizza ang kapatid niya. Habang tumatagal nag eenjoy na akong kasama ang dalawang 'to kahit medyo mababaw lang ang pinag uusapan namin nakaka enjoy naman dahil sa pagiging curious nila.
"Hindi lahat. Kapag tanda niyo at na sa edad ko na kayo malalaman niyo kung bakit."
Pag katapos ng kwentuhan hinayaan ko na lang muna silang kumain mukha kasing kanina pa sila excited sa ice cream. Kinuhanan ko sila ng litrato at ang akala ko magagalit sila pero nag request pa ang dalawa ng isa pa at hindi raw sila nakapag pose ng maganda.
Ilang litrato din ang nakuha ko sa kanila iba't ibang pose at reaction, mag kakaiba man pero iisa lang ang resulta. Masaya sila. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa Ice Cream o sa pag kuha ko ng mga picture nila.
Nag lakad lakad kami pag tapos kumain, "Parang ang lamig na kuya," nag tinginan kami ni Rizza sabay tawa, "Bakit totoo namang malamig." Giit ni Rocco, naka dalawang order kasi siya ng Ice Cream kaya talagang lalamigin siya.
"Kuya gusto mo bang pumunta sa Mt. Tapyas?" tanong ni Rizza.
"Oo nga kuya bayad na namin sa'yo 'yun kasi nilibre mo kami."
"Sige, tara!" Sagot ko.
Nag lakad kami hanggang sa marating namin ang Mt. Tapyas, masasabi kong kahit na sa ibaba palang kami at hindi pa nag sisimulang umakyat sobrang ganda na ng lugar what more pa kapag na sa itaas na kami. After the 721 steps for sure worth it ang pagod kapag na sa taas ka na.
Bago ako mag punta dito sinubukan ko ng i-searched sa internet ang lugar na ito, sa picture pa lang maganda na pero mas lalo pa lang maganda kapag mismong mata mo na ang makakakita pero kahit nag research na ako hindi pa rin ako nakakagawa ng Itinenary for the whole month ang hirap kasing mamili ng uunahing puntahan dahil sa ganda ng mga lugar dito.
"Ano kuya akyat tayo?" Aya ni Rocco, tinignan ko sila at nakita kong medyo alangan si Rizza na tumuloy. Napatingin naman ako sa relo ko at 3:47 pm na pala. Hindi ito malayo sa kinainan namin kanina pero dahil puro kalokohan si Rocco, kaya tumagal ang pag lalakad namin. Every corner kasi ng nadaanan namin at every restaurant na may magandang design ay nag papakuha ito ng litrato, siya pa ang nag-aaya sa akin sa mga magagandang spot para kuhanan ko ng picture.
"Next time na lang natin akyatin 'yan at mananghalian muna tayo." Sumunod naman agaf ang dalawa dahil for sure gutom na rin sila.
Kumain kami sa malapit na restaurant dito sa Mt. Tapyas at doon nag kwentuhan ulit. Ngayon masasabi kong komportable na sila sa akin kasi bigla bigla na lang silang nag tatanong at halata sa galaw nila na hindi na sila na a-awkward kasama ako.
"Kuya , mahirap bang tumanda, yung ganyan sa edad mo ha?" Totoo kayang na sa Grade 6 pa lang itong si Rocco, para kasing matanda na kung mag tanong. Akala ko tuloy puro mabababaw na tanong lang ang sasagutin ko ngayon mali pala ako.
"Depende sa'yo kung paano mo ihahandle."
"Naku, Rocco mahirap talaga kapag lumaki ka nga pero mas malaki pa yung bilbil mo!" Tumawa ng malakas si Rizza na ikinagulat ko naman at mas na shock pa ako ng biglang hilain ni Rocco ang ponytale ng ate niya.
Parang taga awat ang magiging papel ko ngayong araw na ‘to pero ayos lang dahil sanay na ako sa mga away bata katulad ng ginagawa nilang dalawa.
"Kesa naman sa'yo para kang poste ang payat mo!" Dumila pa si Rocco at umirap naman si Rizza sa kanya. Binawal ko na sila bago pa sila mag pisikalan at may umiyak dito.
"Ano bang pangarap niyong maging?" Tanong ko.
"Ako Doctor, pero mahirap lang kami at hindi kaya nila Tatay at Nanay ang ganoong gastusin. Ikaw ate?"
"Ako naman Chef. Pero magastos din yun kaya baka iba na lang. Ikaw kuya ano ba ang pangarap mo noon?"
Ano nga ba ang pangarap ko noon? Parang wala yata, parang hindi ko natatandaan na nabuhay ako ng normal pagkatapos ng insidenteng 'yun. Parang laging may takot at hesitate ako sa mga gusto kong gawin pero isa lang naman yung nag papagaan ng loob ko ‘yun ay ang pag kuha ng mga litrato.
Pero noong dumating sa point na nasubukan kong ma heart broken parang after ng suffering gusto kong bumangon at gumawa ng panibagong ako. Bagong buhay, start from the scratch sabi nga ng iba hanggang sa hindi ko namamalayan na ito na ako ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang gusto ko dati dahil siguro maraming gumugulo sa isip ko pero habang tumatanda ako na fi-figure out ko na sa sarili ko na gusto ko pala ang kumuha ng mga litrato na dati ang akala ko ay libangan ko lang pero hindi basta picture lang kundi mga picture na mag rerepresent kung ano ang nararamdaman ko.
"Ako? Pa iba-iba yung gusto ko noon but when the time comes and I need to decide wether I continue being an employee or pursue my passion—"
"Ano po ang pinili niyo?" sabay na tanong nila.
"Pinili ko kung saan ako sasaya. Tumaya ako sa pangarap ko."
Nag re-reminisce na ako ng mga mabibigat na pinag daanan ko ng bigla namang nag tanong si Rocco, hindi ko alam kung biro ba 'to o hindi niya naiintindihan yung sinasabi ko.
"Magkano po ang tinaya niyo? Nag susugal ka kuya?" Natawa na lang ako sa tanong niya.
"Sira, ibig sabihin ni kuya nag risk siya sa hindi sigurado." Tumango tango naman si Rocco na para bang naiitindihan niya talaga, "Ano ba yung risk?" Napakamot na lang ng ulo si Rizza.
"Alam niyo kumain na lang muna tayo, baka gutom lang 'yan Rocco."
Bago umuwi dumaan muna kami sa isang tindahan. Binilan ko sila ng tig-isang payong para hindi na nila kailangan mag share sa isa. "Kuya huwag na kasi may isa pa naman po kami sa bahay." Pilit na binabalik ni Rizza ang payong sa akin pero si Rocco naman ang kumuha ng binalik ng ate niya, "Thank you kuya Seb, the best ka talaga." Nag thumbs up pa ito saka ngumiti na halos hindi na makita ang mata niya.
"Kuya nakakahiya na po ang dami niyo ng nilibre sa amin." Nakayuko si Rizza, at pilit pa ring binabalik ang payong sa akin, "Eh, pano 'yan nabayaran ko na kaya wala ng balikan." Na una na akong nag lakad kasi alam kong ipipilit pa rin niyang ibalik ang payong sa akin, nakita ko namang nakasunod sa akin si Rocco kaya binagalan ko ang lakad ko.
"The best ka talaga kuya Seb," sabay apir sa akin.