Celestine’s POV
From:
0917XXXXXXX
Kuya may nalaman ako tungkol sa’yo
Pero hindi ko sasabihin
At kapag ako’y pinilit
Hindi ko pa rin sasabihin. ?
0915XXXXXXX
Akala ko ba magkakampi tayo?☹️
0917XXXXXXX
Oo nga pero kasi…
0915XXXXXXX
Ano yung nalaman mo?
Naguguluhan at nagtatakha pa ako nung una kong mabasa ang conversation na ito pero natigilan ako sa pag scroll ng mabasa ko ang pangalan ko.
0917XXXXXXX
Na dati kayong mag jowa ni ate Tin.
Ang bilis ng pintig ng puso ko at pakiramda ko namawis bigla ang buong katawan ko!
Hindi na ako nakatiis at binasa ko na yung buong conversation at dito ko napagtanto kung sino ang dalawang taong nag uusap gamit ang number ko.
Kaya pala maya’t maya ang hiram ni Rocco ng phone ko kanina habang na sa tour kami kasi ito pala yung inaatupag niya.
0917XXXXXXX
Mag lulunch na kami mamaya na lang
Wala naman pero pumayag siya. Pero ‘wag kang mag alala kasi binabantayan ko naman siya habang nag papapicture sila kaya hindi sila makakaporma kay ate Tin.
0915XXXXXXX
Ano pa lang sabi ni Tin nung inutusan siya?
Kakatapos ko lang mag dive, on the way na rin kami para mag lunch
0917XXXXXXX
Mag reply ka na dali at baka kunin na ni ate Tin yung cellphone niya!
Kuya Seb balak yata nilang agawin sa’yo si ate Tin
Kuya Seb mag lulunch na kami, na saan ka na po?
Kuya Seb mag dadive ka na ba? Ibabalik ko na ulit yung cellphone ni ate Tin kaya mamaya na lang ulit
Kuya Seb yung mga lalaking turista inuutusan pa si ate Tin na picturan sila.
Ingat mamaya na lang ulit mukhang hinahanap na ako ni ate Tin
0915XXXXXXX
Oo
0917XXXXXXX
Mag dadive ka kuya?
0915XXXXXXX
Dito sa Irako Shipwreck
0917XXXXXXX
Na saan ka na po ba ngayon?
0915XXXXXXX
Bantayan mo si Tin, update mo ako kung na saan na kayo.
0917XXXXXXX
Opo panay ang papansin nila. Nasaan ka na ba kasi, hindi ka na ba talaga susunod sa amin?
0915XXXXXXX
Pinopormahan siya?
0917XXXXXXX
Dapat kasi nandito ka para hindi makaporma ang mga panget na ‘yun kay ate Tin.
Hindi po, pero palagay ko medyo naiinis lang siya kasi may mga turistang lalaki na lapit ng lapit sa kanya.
0915XXXXXXX
Okay ba yung ate Tin mo? Hindi naman ba nahihilo o sumasama yung pakiramdam niya?
0917XXXXXXX
Tiwala lang kuya Seb! ;)
0915XXXXXXX
Baka mahuli ka niyan
0917XXXXXXX
Hiniram ko yung cellphone ni ate Tin
Kuya Seb!
***
Mag papahinga na sana ang gagawin ko pero dahil sa mga nabasa kong conversation kaya ito ako ngayon nag mamadaling puntahan si Seb sa kwarto niya!
Paano nalaman ni Rocco ang tungkol sa amin ni Seb, sinabi niya kaya sa bata? Pero wala naman akong nabasa sa convo nila na sinabi niyang naging kami dati kaya paano nalaman ng bata yung past namin?
Hindi kaya nakahalata sila kaninang umaga dahil sa nadatnan nilang eksena sa kusina? Hindi naman siguro sa social media nila nakita dahil sa pagkakatanda ko wala ni isang picture ni Seb ang naiwan sa profile ko, naka block pa nga siya sa akin kaya malabong doon niya nalaman.
Kailan niya ba ako pagbubuksan nangangawit na yung kamay ko sa kakatok sa pinto niya. Kung kailan talaga kailangan ko siyang kausapin doon naman siya laging late, ano na bang nangyayari sa loob, buhay pa ba siya?
Sinubukan kong pihitin ang door knob pero naka lock naman ito, so ano yung sinabi niya kaninang umaga na hindi siya nag lolock ng pinto? Palabas lang ba ‘yun para lusutan yung mga tanong ko.
“Bakit ba ang ingay mo?”
Garalgal na boses at gulogulong buhok at damit ang bumungad sa akin. Sa tagal kong kumakatol sa pinto niya ngayon lang siya nagising. Buti pa siya mahimbing ang tulog habang ako ni hindi magawang makapag pahinga nang dahil sa nabasa ko.
“Anong gagawin mo?” tanong ko.
Kinunutan lang ako ng noo nito sabay pasok sa loob at saka na upo at sumandal sa head board ng kama. Alam kong pagod siya at ganoon rin naman ako pero bakit parang hindi man lang siya nag aalala sa nangyayari?
“Hindi ba obvious natutulog ako.”
“Huwag ka ngang mamilosopo! Paano nalaman ni Rocco?”
“Anong nalaman?” sagot nito habang nakapikit.
Kung umasta ang lalaking ‘to para bang wala talaga siyang alam. Nakakainis!
Nilapit ko ang cellphone ko sa mukha niya pero wala itong reaksyon kaya ako na mismo ang nag mulat sa mga mata niya.
“Tin naman. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos tapos puputulin mo pa!”
“Kung sinasagot mo kasi ako ng maayos, eh di sana kanina pa tayo tapos mag usap!”
Pilit niyang inangat ang ulo niya saka tumingin sa akin, “Hindi ko alam kung paano niya nalaman kita mo naman sa conversation namin dyan. At saka bakit ba inaalala mo ang bagay na ‘yun, eh nakaraan naman na ‘yun!”
Alam ko namang nakaraan pero dyaan nag uumpisa yung mga problema sa lintik na mga nakaraan na ‘yan!
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago mag salita at baka sa sobrang tension iba pa ang masabi ko. “Baka mag kwento ‘to. Anong gagawin natin?”
“Sa akin okay lang kasi nga gusto kong maging honest kaya ikaw na lang ang umayos dyan!”
Akmang mag tatakip pa sana ito ng unan pero pinigilan ko siya saka binato ito sa kanya, “Siraulo ka talaga. Kapag hindi mo ako tinulungan uunahan ko nang sabihin sa kanila yung panlolokong ginawa mo sa akin tignan ko lang kung magustuhan ka pa nila!”
“Oo na, nanakot ka pa eh!”
Hindi ko alam kung ano yung pumasok sa isip ko at nanatili akong nakatayo sa harap ng kama niya habang siya naman bumalik na sa paghiga para matulog ulit.
Ano bang ginagawa mo Tin? Umalis ka na bago pa siya magising ulit!
“Tabihan mo na lang ako dito kaysa naman mangawit kang nakatayo dyan.” Bulong niya habang nakapikit ang mata at yakap yakap yung unan.
“Aso na lang ang tatabihan ko kaysa naman ikaw!”
***
“Seb, gumising ka nga!”
“Hoy Sebastian ano ba gumising ka na! Hindi magandang biro ‘yan!!!”
“Seb, please ‘wag mo akong iiwan. Hindi ka pwedeng mamatay kasi pahihirapan pa kita kaya please lang tumayo ka na dyan!!!”
Namalayan ko na lang ang sarili ko na sumisigaw habang binabanggit ang pangalan niya. Bumangon agad ako mula sa pagkakahiga at na pa sandal habang tumutulo na pala ang mga luha.
Akala ko totoo na pero mabuti na lang at isang masamang panaginip lang pala!
Napahinga ako ng mlalim para subukang pakalmahin ang sarili ko habang pinupunasan ang mga luhang tumulo na sa dibdib at braso ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa side table at sinubukan na lang munang libangin ang sarili ko para makalimutan ang panaginip na ‘yun!
Nang makita ko ang picture ng kamay ko bigla kong namiss ang bracelet ko!
Alas otso na pala ng umaga!
“Ate, gising ka na po ba? Labas ka na po at kakain na tayo!”
“Sige, Rizza susunod na ako!”
Tumingin ako sa salamin at napagtantong parang hindi naman ako natulog at ang dating ng itsura ko ngayon ay para akong nakipag habulan magdamag!
Hindi pwede ‘to! Ang haggard mo Tin!
Pagkatapos mag hilamos at mag toothbrush naglagay naman ako ng kaunting cream sa mukha ko para naman kahit kaunti ay magkaroon ng buhay yung mukha ko, nakakahiya naman kasing humarap kung mukhang pagod na mukha ang makikita nila at baka masira ko pa yung umaga nila.
“Good morning!”
Unang bumati sa akin si Seb, na as usual may kasamang ngiti pa pero bakit parang masaya pa siya after ng pag uusap namin kagabi? Hindi kaya naayos na niya yung kay Rocco, pero napansin ko naman na naka kalumbaba si Rocco habang sinusundan ako ng tingin hanggang sa maka upo na ako kaya baka hindi dahil doon. Sadyang baliw lang talaga si Seb, na puro ngiti lang ang alam gawin!
Jusko, ‘wag naman ho sanang umiral ang kadaldalan ng batang ito kung hindi lagot na…
Akala ko ako lang ang nakapansin sa kakaibang awra ng lalaking ‘to pero pati pala silang lahat kita ‘yun. Sa higit tatlong lingo naming magkasama ngayon ko lang din nakitang nakingiti siya the whole time na kumakain kami at nakuha pa nga niyang abutan kami ng mga kainin at ulam.
Nabaliw na talaga siya?
“Mukhang maganda ang bangon ni Seb, ngayon ah!” nakangiting sabi ni Mang Teban.
“Maganda po kasi yung tulog ko, parang palagay ko nga ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing simula ng dumating ako dito—“
“Sabi sa’yo kuya mas masarap sa pakiramdam kapag marami kang kasama sa tour kaysa sa nag sosolo ka. ‘Di ba ate Tin?”
“Ha? Ah, o-oo naman tama si Rocco.”
Ano na naman kaya ang sinuhol ni Seb at bakit parang imbis na ayusin, eh parang nanunukso pa ang dating ni Rocco ngayon. Halatang may alam at tinatago siya!
“May town tour po ako mamaya kaya hindi na po ako dito manananghalian.”
“Ganoon ba, saang agency ka pala kumuha ng town tour mo?” tanong ni Aling Ester.
“Gumawa lang po ako ng itinerary ko kasi hindi ko gusto yung mga package nila at isa pa sanay naman na po akong mag tour mag isa.”
“Tsk, tsk!” iiling iling na reaksyon ni Rocco,
“Kakasabi ko lang na mas masaya kapag may kasama tapos mag sosolo ka na naman ngayon. Kuya Seb talaga pasaway!” sermon niya pa.
Binawal naman siya ni Mang Teban, pero natawa kasi si Seb sa sinabi niya kaya hindi na siya pinagalitan pa ng Tatay niya na mag salita ulit.
“Kung wala lang kaming gagawin sa school ngayon sasamahan ka namin ni ate Rizza,” sa pagkindat ni Rocco ngiti naman ang sagot ni Rizza. Naloko na talaga, malamang alam na rin Rizza.
“Ikaw Tin may pupuntahan ka rin ba ngayon?” tanong naman ni Aling Ester, pero hindi pa man din ako nakakasagot sumingit na ulit ang dalawang bata at pareho pa sila ng sinabi.
“Samahan mo na lang po si kuya Seb!” pilit na ngiti naman ang binalik ko sa kanila.
“Okay lang naman akong mag isa pero kung gusto akong samahan ni Tin, mas okay ‘yun!”
Sa sobrang ganda yata ng tulog niya marami siyang naisip na idea kung paano ako bubwistin ngayon, kung alam ko lang sana pala ginulo ko siya kagabi hanggang sa mawala yung antok niya at tuluyan siyang hindi makatulog!
Nakakainis!
Ayaw ko naman talaga siyang samahan pero sa twing titignan ko siya bigla na lang nag fa-flashback sa utak ko yung masamang panaginip ko kanina.
***
“Sesermonan mo ba ako ulit kaya ka sumama?”
Pasalamat ka na sa public place tayo kasi hindi lang sermon ang aabutin mo sa akin at baka masabunutan kita ulit at this time sisigururaduhin ko ng may malalagas sa buhok mo!
“Hindi, kasi kahit ano namang sabihin ko hindi mo naman sinusunod kaya useless lang din!”
“Sabihin mo ano bang gusto mong gawin ko?”
Gusto kong lumayas ka na, pero alam ko namang
hindi mo gagawin!
“Na ‘wag na sanang kumalat kung ano yung past natin noon habang nakatira ka sa Villa.”
“So kapag lumipat ako ng ibang tirahan pwede ng malantad kung ano yung mayroon tayo sa past?
Sabi na nga at hindi ko talaga makakausap ng matino ang bwisit na ‘to!
“Mag hanap ka ng kausap mo!”
“Ikaw lang yung kasama ko kaya sino pa ang kakausapin ko? Teka gusto mo honest mode ulit ako?”
Okay sa akin na maging honest ka pero minsan kasi nasosobrahan na to the point na yung mga ayaw kong marinig at malaman, eh sinasabi mo pa!
Nag focus na lang ako sa paglalakad at tinuon ang tingin sa mga nadadaanan naming souveneir shop.
“Ang bilis naman uminit ng ulo, pangit siguro yung panaginip mo kagabi kaya ka bad mood today?”
Nakakabasa na ba siya ng isip ngayon?!
“Chill ka lang, parang may lalabas na namang mga kutsilyo dahil sa talas ng mga mata mo. Mahimbing yung tulog ko kagabi baka dahil sa dinalaw mo ako sa kwarto… Joke lang ‘yun.”
“Gusto mo ba ng knock-knock—“
Talagang sinasagad na naman niya yung pasensya ko! Kahit inapakan ko na yung paa niya wala pa ring epekto sa kanya at tuloy pa rin sa pagdaldal.
“Walang imik pero may pamimisikal ha. Nanaginip rin ako kagabi at ang natatandaan ko lang hindi mo raw ako sinungitan nung island hopping tapos ang saya lang ng buong byahe natin. Pero alam ko naman na kabaligtaran ang ibig sabihn ng panaginip. Doon pa lang sa hindi mo pag susungit sa akin imposible na ‘yun, ‘di ba?”
“Daig ko pa yata yung tour guide sa sobrang kadaldalan. Kausapin mo naman ako, magsalita ka naman?”
Magtitiis na lang muna ako sa kadaldalan mo kasi Ikaw rin naman ang susuko sa ginagawa mo!
“Tin.”
“Celestine.”
“Celestine Cortez.”
Wala pa rin talagang pinagbago at para pa ring bata kung umakto!
“C-E-L-E-S-T-I-N-E.”
Biglang tumahimik kaya akala ko sumuko na siya at napagod pero ‘yun pala wala na siya sa tabi ko at may iba na namang inaatupag.
Nakakita ng aso kaya tumigil.
Mapayat at may sugat ang aso at talaga namang nakakaawa kung titignan ito kaya yung mukha ni Seb ngayon halatang alalang alala sa kalagayan ng aso at halos hindi niya ‘to maiwanan kaya bumalik ulit ako at nilapitan siya.
“Gusto mo ba siya?” tanong ko.
“Mas gusto kita, este gusto ko sanang ma secure na safe siya bago iwan.”
“Ha? Eh anong gagawin natin?”
Hindi naman siguro niya balak ampunin yung aso, dahil una sa lahat wala siya sa bahay nila at pangalawa baka mayroong nag mama-ari sa kanya at pangatlo tanda niya pa rin siguro na hindi ako mahilig sa hayop.
“Sa itsura pa lang niya mukha namang walang may ari sa kanya—“
“Teka anong binabalak mo? Baka mamaya kagatin ka niyan—“
“Andyan ka naman kaya alagaan mo na lang ako.”
Siraulo talaga!
“Manigas ka!” gusto ko na siyang iwan pero naalala ko biglang yung panaginip ko at yung purpose kaya ko siya kasama ngayon. Bakit ba kasi pumayag pa akong maging tour guide nito?!
“Hintayin mo ako dito.”
Kahit na tarantado at gago ang tingin ko kay Seb noong high school kami, nabago naman lahat ng ‘yun ng makilala ko siya ng husto. Hilig niya ang mga hayop kaya walang duda kung bibilan niya ng pagkain ‘to.
“Stay ka lang dyan at hintayin natin yung hero mo!” Bulong ko sa aso, nagulat naman ako ng biglang bumuntong hininga ito, naiintindihan niya yata ako.
Ilang minuto lang at bumalik na siya and as expected may mga bitbit na siyang pag kain.
Nilabas niya muna ang dalawang bowl ng kainan at saka nilagayan ng tubig at pagkain. Parang bata siya kung kausapin yung aso. Yung totoo si Rocco ba ang kasama ko ngayon?
“Drink water na.”
“Taga saan ka kaya?”
“May tinitirahan ka ba o asong kalye ka talaga?”
“Kawawa ka naman, gusto mo akin ka na lang?”
Tumingin siya sa akin habang nakangiti at yung ngiti niya parang alam ko na ang ibig sabihin, pero hindi pwede dahil ayaw ko!
“Huwag mo kayang kausapin baka mabulunan yung aso!”
“Nag-aalala ka sa kanya kaya baka naman pwede nating…”
“Hindi!”
Sabi ko na nga at yuon ang na sa isip ng lalaking ‘to! Sumibangot siya at binalik na yung tingin sa aso
“Don’t worry hihingi tayo ng tulong para maging safe ka, kasi hindi naman tayo tutulungan nung magandang babae na nakatayo sa gilid. Maganda lang talaga siya pero hindi siya mabait lalo na sa
hayop.”
Bumulong pa talaga as if naman na hindi ko siya
naririnig.
From:
0915XXXXXXX
Help daw sabi nung aso.
11:03 pm
0915XXXXXXX
May kapalit daw na swerte kapag tumulong ka. ;)
11:04 pm
0917XXXXXXX
Hindi totoo ‘yun!!!
11:05 pm
0915XXXXXXX
Totoo ‘yun, promise.
11:06 pm
0917XXXXXXX
At ano naman?
11:07 pm
0915XXXXXXX
Hindi ka na raw kukulitin ng gwapong kasama mo at susundin ka na niya palagi!
11:08 pm
“Tumayo ka na dyan!” utos ko.
“Tutulungan mo na ba ako at siya?” tinuro pa nito ang aso at parang may isip naman talaga yung aso at nakuha pa akong tignan na parang nag mamakaawa.
Hindi ako mahilig sa hayop noon pero nang dahil sa kanya kaya natutunan ko na rin silang magustuhan. Pasalamat siya at nandito ako sa teritoryo namin kung hindi wala rin naman akong ma ooffer na tulong sa kawawang aso na ‘to.
“Tinawagan ko yung staff sa transient at sila na muna ang bahala sa aso kaya ‘wag ka ng mag alala.”
Abot tenga naman yung saya niya ng marinig ang sinabi ko, gusto pa nga akong yakapin nito sa sobrang saya pero pinandilatan ko siya ng mata kaya napigil ang gusto niya bagkus binaling na lang nito ang atensyon sa aso.
“Narinig mo ba ‘yun? Sabi ko sa’yo hindi lang siya maganda kasi mabait rin siya.”
Baliw na talaga ‘to!
Pag kakuha sa aso bumalik na ulit kami sa pag lalakad pero dahil tanghalian na rin kaya nag decide na lang muna kaming kumain bago ituloy yung pag lilibot.