Chapter 20

3871 Words
Celestine's POV Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nag kusa na lang itong lumaki ng bumungad sa akin ang kisame na may nakasabit na chandelier. Mabilis akong napabangon agad pero agad din natigilan dahil sa biglaang pag kakabangon ko nakaramdam na naman ako ng pag ka hilo. Bumalik ako sa pag kakahiga at pinikit ko muna ang mga mata ko. Nang bigla namang pumasok ulit sa isip ko na dito pala ako naka tulog sa sala nag kusa na lang ang dalawa kong kamay na napahawak sa noo ko. Nakakahiya baka magdamag akong pinag tatawanan ng lalaking 'yun! Grabe kasi yung pakiramdam ko kagabi hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla ko na lang naramdaman 'yun. Narinig kong may kumalansing na plato kaya muli na akong bumangon. Ang huli kong naaalala kinakausap ako ni Seb kagabi at pa ulit-ulit pa niya akong tinatanong kung okay lang ako. Ang huli kong narinig tinatawag niya ang pangalan ko ng pa ulit-ulit pa rin. Bakit kaya, may sasabihin na naman kaya siyang walang kwentang bagay?! Bago tumayo tinanggal ko muna ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Siguro nilagyan ako nila Aling Ester ng kumot ng makita nila ako kanina, pero bakit parang pamilyar yung amoy ng kumot at unan. Parang may ka amoy? Hindi kaya kay Seb ang mga 'to? Ano ka ba Tin, 'wag kang mag assume dahil ang alam lang naman niya ay pag tripan at inisin ka at wala siyang dahilan para mag malasakit sa'yo! "Tin, anak kain na." Nakangiting sabi ni Aling Ester. Tatlo lang kaming kumakain ngayon dahil hindi pa gising sila Rocco at Rizza, napuyat daw sa pag rereview last exam day kasi nila ngayon kaya siguradong mga mahihirap na subject ang naka schedule. Habang nag papahinga sa labas nakatanggap naman ako ng message mula sa classmate ko noong elementary. Si Chari, ang isa sa mga maituturing kong best friend noong nag aaral ako dito, bukod kasi sa mag kapit bahay kami siya rin ang sabihan ko ng mga sikreto ko lalo na pagdating sa mga crush at syempre ganoon din naman siya sa akin. @ChariCorpuz Tintin!!!!!! Kung hindi ko pa nakita si Aling Ester hindi ko pa malalaman na nandito ka pala sa Coron! Ang daya! Hmp! @CortezTin Uy, kamusta? Pasensya ka na medyo busy lang at saka ilang araw pa lang naman ako dito kaya huwag kang mag-alala dahil bibisitahin kita! @ChariCorpuz Dapat lang 'no, kundi mag tatampo talaga ako sa'yo. So, kailan ka pwede? @CortezTin Pwede naman ngayon pero after lunch na lang kasi pupunta pa ako sa transient. @ChariCorpuz Good, punta ka dito? @CortezTin Sige, after ko sa transient. Mga 5pm pwede? @ChariCorpuz Oo naman kahit 6 or 9pm pa 'yan. Excited to see you na. Ang dami ko ng naipon na kwento sa'yo! @CortezTin Haha, ako rin sobrang dami na! Sige see you later. @ChariCortez Dito mo ako sa Bbq house puntahan kasi 12mn pa naman yung closing namin dito. @CortezTin Sosyal naman ng friend ko may sarili ng negosyo. Buti ka pa. @ChariCorpuz Naku alam mo naman ang hirap ng pag tatayo ng negosyo kaya medyo stress din ako ngayon kaya kailangan talaga nating mag kita! @CortezTin Sige, chat kita mamaya pag on the way na ako. ***** Pag dating ko sa transient agad akong pumunta sa nire-renovate na building, ngayon kasi nila bibilihin yung mga pintura at iba ang materyales para sa mga kwarto. Hindi ako interior designer pero na sa linya ako ng pag dedesign kaya hindi naman siguro ma di-disappoint si Mama sa pipiliin kong mga kulay. Cream, Brown at Gray ang napili kong combination at hindi naman tumanggi ang foreman sa sinabi ko dahil isa rin daw yung combination na 'yun sa pinag pipilian ng Architect nitong building. Si Mama ang nag design nito dati pero dahil gagawin na itong hotel kaya mas maganda kung pang hotel din ang kulay na gagamitin para kahit two star hotel lang siya ma fi-feel ng mga guess na para silang na sa five star hotel but at the lowest price! Mahaba ang oras na nilagi ko dito dahil sa pag titimpla pa lang ng pintura medyo natagalan na kami, hindi kasi nila makuha yung gusto kong kulay kaya para mapabilis nangialam na ako at ako na mismo ang nag timpla at nag sukat ng mga pintura. Pinipigilan pa nga nila ako dahil baka madumihan lang daw ang damit ko pero mas importante sa akin ang oras kaysa sa damit ko kaya wala rin silang nagawa kundi panuorin at pakinggan ang mga sinasabi ko! Mahilig akong mangialam sa mga bagay bagay kaya pati ang pag pipintura dati ng kwarto ko at kwarto ni Cedrick, eh ako na ang gumawa. That time kasi kaka break pa lang namin ni Seb, at na isip kong libangin yung sarili ko para hindi ko na rin isipin yung masakit na nangyari sa amin. Siya kaya ano ang ginawa niya para maka move on? O nag move on nga ba siya? Baka hindi? Pero baka oo? Kagabi kasi kahit hindi maganda yung pakiramdam ko nakita ko pa rin yung reaction ng mukha niya ng makita niya ako. Oo nag aalala siya pero hindi ko alam kung totoo ba or dahil nakikisama lang siya kasi mag kasama kami sa bahay? Hindi ko alam kung may natitira pang konting malasakit si Seb para sa akin at hindi ko rin alam kung bakit ba tinatanong ko pa sa sarili ko ang bagay na 'to! Bakit ba pumasok sa isip ko 'yun, eh dapat nga wala akong pakialam sa kanya! Mag focus ka nga sa ginagawa mo Tin at huwag mo na siyang isipin pa! Pababa na ang araw ng matapos ako sa lahat ng ginagawa ko. Buti na lang at nasaktuhan kong nandito ang driver ng transient kaya imbis na mag commute nag pahatid na lang ako sa BBQ House ni Chari. Matagal na akong hindi napupunta dito sa Coron kaya hindi familiar sa akin ang mga bagong tayong restaurant at café, lalo na ang lugar kung saan nakatayo ang negosyo ni Chari. Maluwang ang nakuhang lote ni Chari, may mga kubo rin sa gilid kung ayaw ng customer na makihalo sa ibang tao sa loob at hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob amoy na ng pag kain ang bumungad sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng gutom! Sinalubong ako ni Chari na nakasuot pa ng apron. Niyakap ako nito ng mahigpit saka ako hinawakan sa kamay para ayaing pumasok sa loob. Umupo kami sa mga stool chair na nakalagay sa harap ng counter kasabay nun ang paglabas ng mga pinahanda niyang pag kain para sa aming dalawa. "Handa na 'yan kanina pa at ikaw na lang ang hinihintay." Sabi nito habang punong puno ng galak at ngiti ang mga labi. Ramdam ko na talagang na miss ako ni Chari pati na rin yung mga dati naming ginagawa. Chicken Kebab at Bbq Spare Ribs para sa main course at coleslaw para naman sa side dish. Sa pag kakakilala ko kay Chari, hindi siya mahilig sa pag luluto at lalo na ang mag business pero hindi mo talaga masasabi kung ano ang nag aabang sa'yo sa future, kaya ito siya sa harap ko ngayon ibang Chari na sa kilala ko noon. "Alam mo hindi ko rin talaga maisip kung bakit ka nag tayo ng business, eh samantalang wala sa plano mo ito noon?" Tatango tango naman ito, "Kaya nga, ewan ko ba bakit ako napunta sa ganitong linya, eh Computer Science naman sana yung tinapos ko pero ito ako ngayon kawali at mga lutuan ang kaharap imbis na computer." Sa bagay ako nga HRM ang tinapos pero na sa linya ako ng clothing design. Dapat talaga laging handa ang isip, katawan, puso at kaluluwa mo sa kahit anong pwedeng mangyari sa future mo. Oo, pati kaluluwa dahil minsan may mga bagay tayong nagagawa na talaga namang maski ang sarili mo magugulat na langp! "Eh, ikaw kamusta ka naman? Last time na nag usap tayo nung sinagot mo yung suitor mo for almost 1 year something?" Oo nga pala nasabi ko rin sa kanya dati ang about kay Seb, at sa pag kakatanda ko mas kinikilig pa nga siya kaysa sa akin. "Wala na kami, matagal na." "Sayang naman, alam mo bang naniniwala na ako sa forever noon lalo na sa mga kwento mo about sa kanya tapos mag hihiwalay din pala kayo." Kahit ako naman naniwala sa forever noon pero kung tatanungin ako ngayon, hindi ko alam ang sagot. "Ganoon talaga may mga bagay na hindi para sa atin kaya dapat i-let go na lang." "Eh, bakit parang may pinag halong lungkot at hinanakit sa salita mo?" Naku, feeling ko nag-aala Cedrick, 'tong si Chari at gusto lang chikahin ang past love life ko. "Gagi, wala 'no. Moved on na ako, at saka ang tagal na nun. Eh ikaw kamusta ang love life?" Sabi nila kung gusto mong mawala sa'yo ang topic kailangan ibalik mo sa kanila ang tanong at mukhang effective naman. "Naku, wala sakit sa ulo ang mga lalaking 'yan at saka sa sobrang busy ko dito hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng oras para jumowa pero kung may ma re-recommend ka why not 'di ba?" Hindi pa rin talaga nag babago 'tong si Chari, may pag ka maharot pa rin. "Ako nga wala tapos recommendation pa?" "Oo nga pala nabanggit ni Aling Ester na may guess kayo sa Villa, akala ko ba hindi open 'yun for tourist? O dahil under renovation yung transient niyo?" Kinabahan ako bigla kaya napainom tuloy ako ng tubig at pansin ko naman na pinag mamasdan ako ni Chari. Bakit ba pati yuon na sama sa usapan namin. Bakit ba kahit sino ang kausap ko lagi na lang kasama si Seb, sa usapan? Talaga bang nakadikit na ang pangalan niya sa akin?! "Guess ni Kuya Carlo 'yun." Sagot ko. "Friend ng Kuya mo? Paano 'yun hindi ba awkward na may kasama kang ibang tao sa bahay?" "Yung business mo mukhang maganda ang tinatakbo, ang daming customer at saka infairness ang sarap ng mga luto niyo?" "Ikaw ba nag luluto ng mga 'to?" "Sariling recipe mo rin, o may Chef kayo dito?" "Or Cook?" Ginawa ko na ang lahat para mawala sa isip ni Chari ang about sa guess namin sa Villa pero mukhang mas na trigger pa ang babaeng ito para mag tanong ng mag tanong. Mali ka ng strategy Tin, nakalimutan kong para nga palang si Vin mag isip ito at malakas ang pakiramdam niya sa mga bagay bagay. "Ang sabi ko hindi ba awkward na may kasama kang ibang tao sa bahay? 'Wag mo akong iwala sa usapan natin Tin." Napabuntong hininga na lang ako saka tumingin sa paligid at baka mamaya nandyaan lang pala si Seb, at marinig niya pa yung sasabihin ko. "Anong hindi, sobrang awkward kamo para nga akong na so-suffocate sa twing makikita ko yung lalaking 'yun —" Napa takip na lang ako ng bibig ng ma realised ko na may mali yata sa sinabi ko. "Teka, lalaki? Tapos kayo lang sa bahay? Naku Tin, hindi ba delikado 'yan?" Ito na nga yung iniiwasan kong mga tanong niya. Ang shunga mo naman kasi Tin, pwede naman sanang siya o yung taong 'yun ang sinabi mo bakit kasi kailangan mo pang i-reveal yung gender niya. "Kilala ko naman siya... I mean, hindi naman siguro siya gagawa ng kalokohan at kilala na rin siya nila Mang Teban." "Wait tama ba ako ng pag kakarinig, kilala mo siya?" "Hi-hindi, ang ibig kong sabihin kilala ko na siya kasi nga ilang araw na rin ako dito kaya nakilala ko na siya." Pag lilinaw ko. Jusko po para kong nilagay ang sarili ko sa hot seat, pakiramdam ko pati kili-kili ko basa na ng pawis dahil sa tensyon at kaba. "Naku tigil tigilan mo ako Celestine, halatang nag iisip ka ng isasagot. Kilala mo nga siya 'no? Naku baka mamaya Ex mo 'yun ha?" Nag jo-joke ba siya or seryoso? Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa pag kain at buti na lang hindi na siya nangulit at nag kwento na lang ng iba. "Next time aayain ko ang TG friends para makumpleto tayo before ikasal si Marie." Oo nga pala may apat pa akong kaibigang hindi pa nakikita. Kamusta na kaya sila? Nakakatuwa naman at may ikakasal na sa amin. "Nga pala nabanggit ko kay Marie na nandito ka na sa Coron kaya mag expect kana na one of these days mag me-message sa'yo 'yun." Tumango tango lang ako at nag patuloy sa pag kain. "Uhaw ka girl?" Napatigil tuloy ako sa pag sipsip ng tignan niya pa ako. Nahiya ako ng slight! "Hoy, hindi naman kita binabawal sige lang uminom ka pa. Natutuwa lang kasi ako na nagustuhan mo 'yan kasi sa pag kakaalam ko hindi mo naman hilig ang ube." Oo nga nag takha rin ako kasi mas gusto ko pa ang buko compare sa ube pero ewan ko ba may something yata sa ube shake nila at parang na a-adik ako "Walang halong ka plastikan, masarap nga yung food niyo. Walang tapon besh!" "Naku, salamat naman. Parang nawala ang pagod ko sa sinabi mo. Pero kilala mo nga yung guess niyo?" Kung pwede lang mag walk out ginawa ko na kanina pa hindi ko lang rin talaga maiwan yung masarap niyang hinanda at kung hindi ko lang rin siya namiss malamang kanina pa ako umexit. Bakit ba kasi hindi ma-alis sa isip niya yung guess sa Villa? Concern ba siya or chismosa lang talaga? "Ang kulit mo talaga! Yung negosyo mo ang pag usapan natin at huwag yung guess namin sa Villa." "He must be special 'no? Kasi hindi naman siya patutuluyin doon kung ordinary guess lang siya. Baka naman BFF ni my loves este Kuya mo pala." Kinabahan na naman ako doon sa "special" na word niya akala ko kung ano na naman yung babanggitin niya. Oo nga pala nakalimutan kong naging crush ni Chari si Kuya Carlo noong elementary kami at ang tawag niya pa dati ay my loves! Ang baduy talaga ni Chari! "Ewan, siguro. Pero hindi sila BFF at doon sigurado ako." Sagot ko. "Eh, di kilala mo nga! Hay naku, Celestine gaano ba tayo katagal mag uungguyan dito bago ka mag spill ng tea! Sige na spluk mo na 'yan!" Grabe talaga ang babaeng 'to talagang hahanap at hahanap ng paraan para lang sabihin ko sa kanya yung tinatago ko! Pero kilala ko si Chari at hanggang sa text at social media account ko alam kong hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya nalalaman yung buong kwento. "Oo na kilala ko siya!" Padabog na sagot ko. Bigla naman nag bago ang aura nito at para bang sabik na sabik na may malaman. Hindi kaya alam na niyang si Seb ang guess sa Villa o kaya naman pinakilala sa kanya nila Aling Ester? Pero bakit naman dadalin pa nila si Seb dito para lang ipakilala kay Chari, eh sa pag kakaalam ko may sariling mundo yung lalaking 'yun simula nung dumating dito kaya malabo ang bagay na 'yun. "Anong itsura? Gwapo ba? Pwedeng jowain." "Loka loka mag focus ka na lang sa negosyo mo. Akala ko ba sakit sa ulo ang mga lalaki tapos ngayon interesado ka kay—sa guest namin!" "Damot naman! Bet mo siguro 'no?" Tumawa pa ito saka ako tinusok tusok sa bewang gamit ang daliri niya. Kumunot naman ang noo ko, "Hoy, syempre charot lang 'yun. Ano bang name niya at saka jowable ba?" Kapag talaga lalaki ang usapan nag kaka extra energy 'tong si Chari, smantalang sabi pa niya kanina sakit lang daw sa ulo ang mga lalaki but look at her now hindi pa man din niya nakikita si Seb, eh kinikilig na! "Harot mo talaga!" "I know right! Uso na kasi ngayon yung babae na ang nag fi-first move lalo na kung torpe yung lalaki." Talaga ba parang hindi ako aware sa ganoon. "Parang nag lo-loading pa yung utak mo dahil sa sinabi ko ah. Huwag mo nga seryosohin 'yun niloloko lang kita alam ko naman kasi na dalagang pilipina ka kaya hindi ubra ang ganoon sa'yo!" "Marriage before s*x 'di ba nga." Phabol pa nito. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Kung mag salita ang babaeng 'to akala mo talaga may alam sa buhay ko. Feeling ko pinariringgan niya ako o praning lang ako dahil guilty ako sa sinabi niya! Paano na ang motto ko sa buhay kung naibigay ko na kay Seb yung hindi naman dapat! Napasapo ako sa noo ko ng tanggapin na ng utak ko ang sinabi ni Chari, bumalik lahat ang memories na ayaw ko na sanang malala pa! Habang kausap ko si Chari feeling ko kahit na sa New York sila Wax at Vicki parang kasama ko na rin sila, halos hindi kasi sila nag kakalayo ng mga ugali. Sarkastiko, maharot, malaswa at pranka pero masayang kasama. Natahimik kami parehas at para bang naubusan ng pag uusapan kaya mabilis akong nag isip ng pwedeng ma pag usapan at baka mamaya isingit na naman niya yung about sa guess sa Villa. "Akala ko ba marami ka ng kwento sa akin? Ano-ano na ba yung mga na miss ko sa buhay mo?" Tanong ko habang ngumunguya ng vegetable salad. "Oo nga pala sinabi ko 'yun 'no. Nawala na sa isip ko, alam mo yung feeling na kapag emotional ka tapos may gusto kang pag sabihan ng lahat ng nararamdaman mo pero wala kang masabihan kaya siguro nakalimutan ko, baka kailangan ko lang i-feel ulit yung emotion na 'yun ulit para makpag kwento ako sa'yo." Gets ko si Chari, madalas kasi akong ganyan noong nag sisimula pa lang ako sa trabaho tapos ang layo ko pa kila Mama kaya ang ending sinasarili ko na lang yung mga problema ko pero buti na lang nakilala ko sila Wax at Vicki kaya kahit papaano nawawala yung stress ko! "Pero alam mo ba —" "Ano?" Masyado yata akong kinabahan sa sasabihn niya kaya ayan nag mukha akong na e-excite at naputol ko agad ang karugtong ng sasabihin niya. "Alam mo bang mukha kang tense kanina pa simula nung napasok sa usapan natin yung guess niyo sa Villa. Ikaw ha may sinisikreto ka na sa akin. Sabihin mo na hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko." Magkahalong pag babanta at tuwa ang tono nito, baliw na yata si Chari. Pigilan? So alam na nga niya o may alam siya? Hayst! Mas lalo akong na tetense sa mga sinasabi ni Chari. "Bakit anong gagawin mo?" "Baka magulat ka na lang pag gising mo bukas na nandoon na ako sa loob ng bahay niyo at ka chikahan yung mystery guess niyo!" Lalo nga akong kinabahan sa sinabi niya, alam ko kasi na kayang gawin ni Chari ang bagay na 'yun. Yung pag takas nga gamit ang motor ng Papa niya at mag libot dito nagawa na niya noon, ano pa kaya ang pag pasok sa bahay namin ng hindi ko alam. "Ano bang gusto mong malaman?" "Kung ano itsura at saka kung jowable ba?" Pinataas baba pa nito ang dalawa niyang kilay na para bang excited sa sasabihin ko. "May dalawang mata, isang ilong kumpleto naman yung kamay at paa niya—" "Oo alam kong tao siya Tin, ang tinatanong ko kung gwapo ba o hindi?" "O-okay lang?" Sagot ko habang nakatuon ang atensyon sa coleslaw na nasa harapan ko. "Ah, so gwapo nga. Pakilala mo sa akin." "Mamaya kung ano pa isipin nun at saka babaero 'yun kaya masasaktan ka lang sa kanya!" "Porke gwapo babaero na? Hindi ba pwedeng marunong lang silang mag alaga ng sarili nila. Teka nga sabi mo babaero, so kilala mo nga? May hindi ka pa sinasabi sa akin Celestine!" Sasagutin ko sana si Chari pero nag vibrate yung phone ko at nakita kong may message si Kuya kaya binasa ko muna ito at siya naman nag punta muna ng restroom, "Babalik ako ha, sasabihin mo pa sa akin yung secret mo!" Sabay tapik sa balikat ko. Kuya Carlo: 8:10 PM Tin, alagaan mo yung bisita ko dyan at sana kahit naiinis ka 'wag mo ibaling sa kanya wala naman siyang alam, ipapaliwanag ko na lang sa'yo kung bakit siya nandyan pag-uwi mo dito. So please treat him right! Alam kong kaya mong gawin kaya set aside mo muna yung inis mo! Alagaan? Feeling ba ni Kuya batang paslit ang pinatira niya sa Villa. At talagang yung guess niya pa yung una niyang inalala kaysa sa akin na kapatid niya! Kahit yata anong gawin kong palusot at dahilan hindi ko mapapaniwala si Chari. Hindi ba ako ganoon kagaling mag tago ng sikreto, kung oo, eh di napansin din kaya ni Seb yung reaction ko nung nakita ko siya? Pansin kaya niya na hindi ako komportable dahil sa nangyari sa amin! "Dito na me! Kwento na you!" Ano 'to akala niya ba ganoon lang kadaling ikwento ang lalaking 'yun. Pero wala nga pala siyang alam kaya parang wala lang sa kanya ang tanungin ako. "Sige, sisimulan ko sa tanong para makapag kwento ka na! Paano mo siya nakilala?" "Ex ko siya!" Natulala siya at nanlaki ang mata, halos hindi na nga siya gumagalaw at nakatingin lang sa akin habang papikit pikit pa ang mata. "Wait, lang girl hihinga lang ako!" Dinaig pa yata niya yung reaction ko nung nakita ko si Seb sa Villa. "Kung ex mo siya ibig sabihin siya yung kinukwento mo sa akin before... malamang siya nga, kasi isa lang naman ang ex mo. Dalagang pilipina ka nga pala." "Oo siya nga!" Nagulat ako sa reaction ng babaeng 'to at siguradong hindi lang ako dahil nagsitinginan din ang mga kumakain na customer sa amin pati ang mga foreigner pinag bubulungan na kami. "Hoy, kumalma ka nga baka mamaya isipin ng mga customer mo may tililing yung owner nito, ikaw din baka mawalan ng income 'tong negosyo mo." Na pa knock on wood naman siya. Yuon lang pala ang kailangan kong sabihin para umayos si Chari, sana pala yuon ang pinangtakot ko sa kanya kanina at baka sakaling hindi ako napilitang sabihin ang about kay Seb. "Eh, kasi naman deserve naman ng revelation mo ang tili ko! Paano siya napunta sa Villa niyo at friend sila ni Baby Carlo ko!" "Yuck kadiri ka, baby Carlo ka dyan!" "Naku, iniiba mo na naman yung usapan! So paano nga?" "Ewan, nagulat na lang ako na pag dating ko sa bahay may bisita na at wala akong idea na siya pala ang makakasama ko sa bahay!" Siguro nga may dahilan si God kung bakit kami nag kita at magkasama ngayon pero ang mag balikan hindi siguro. Baka to fix things that we haven't talk before, yung mga tanong na nasa isip ko noon baka sakaling magkaroon na ng sagot ngayon! Hopefully! Closure siguro para sa peace of mind ko pero tapos na 'yun kaya siguro mas maganda na hindi na namin baguhin ang ending ng love story namin noon. Shit, ito ka na naman Tin, you sound like an ex-girlfriend that still haven't moved on from her past relationship!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD