Chapter 19

2384 Words
Sebastian's POV Nag aalala ba siya sa akin o dahil lang sa susi kaya siya nag hintay? Bakit kaya sa twing titignan ko si Tin, parang may kakaiba sa kanya pakiramdam ko parang may gusto siyang sabihin na parang wala naman? Ano ba 'to, nababaliw na ba ako? Hindi, kulang lang siguro sa tulog. Gabi na naman at ito na naman yung time na makikipag labanan ako sa pag tulog. Naisip kong ibalik yung mga dati kong ginagawa para mabilis akong dalawin ng antok at sana this time umepekto pa rin. Nag hanap ako sa playlist ko ng mga relaxing music at habang nag bibihis sinimulan ko ng i-play ang mga ito. Dapat maaga akong makatulog ngayon dahil bukas ng umaga mag sisimula na akong mag island hopping. Mabuti na lang at si Mang Teban na nag tumawag sa akin kanina kaya na pa alala ko na sa kanya ang tungkol sa pag rerent ko ng private boay. Hinanda ko na rin ang DSLR, Go Pro, at Drone pati na rin ang ibang gamit na gagamitin ko bukas para kuhanan ang mga island at beach na pupuntahan ko, paniguradong mabubusog ang mata ko sa mga tanawing makikita ko bukas kaya mas mabuting makapag handa ng maaga para wala akong makalimutan para bukas. Tinanong pa ako ni Mang Teban kung gusto ko ng kasama dahil baka raw mainip ako kung ako lang ang mag to-tour mag isa, nag prisinta pa nga siya na sasamahan ako pero tumanggi ako dahil kailangan ko talagang mag isang mag tour dahil minsan nakaka distract ang may kasama at baka mamaya imbis na kumuha ng picture ang gagawin ko, eh baka mag kwentuhan lang kaming dalawa. Naisip ko pa nga na biriun siya, itatanong ko sana kung pwedeng si Tin, na lang ang sumama sa akin kaya lang baka pag isipan pa niya ako ng masama, mahirap na baka imbis na si Tin, lang ang gustong mag paalis sa akin dito baka pati si Mang Teban pumanig na rin sa kanya. Pero gagawa ako ng paraan para makasama ko si Tin, sa tour. Hindi pwedeng matapos ang buong buwan ko dito na hindi ko siya na so-solo. Ewan ko ba pinag halong excitement at pag aalala yung nararamdaman ko sa twing titignan ko siya. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na pwede niya pa rin akong sabihan ng mga nararamdaman niya tulad ng dati malamang alam ko na kung bakit parang kakaiba siya. Pero malabong mangyari 'yun dahil wala na kami at wala na siyang dahilan para mag sabi sa akin ng mga inaalala niya. Wala naman kasing mag Ex na nag sasabihan pa ng mga problema sa buhay! Nakakamiss din pala yung may taong lagi pwedeng kausapin kahit pa anong oras at yung tipong wala kang ipag-aalala kahit pa walang kwentang bagay yung ikwento mo sa kanya. Naiisip niya rin kaya ang bagay na 'yun? Teka nga bakit nakakaraamdam ako ng ganito? Mali! Tumigil ka nga Seb, mas lalo lang hindi magiging komportable sa harap mo si Tin, kapag umarte ka na parang wala kang ginawang kalokohan noon. Pero hindi ko naman ginustong gawin 'yun, wala lang akong ibang choice para makipag hiwalay sa kanya kundi ang palabasin na pinag palit ko na siya sa iba. Na niloko ko siya, kahit hindi naman talaga. Naligo muna ako para ma refresh ang utak at katawan ko at para na rin matigil ang pag iisip ko tungkol kay Tin. Pag tapos maligo lumabas ako para mag hanap ng malakas na signal. May mga video kasing sinend sa akin si Kuya Jeks regarding sa pinag usapan namin nung nakaraan. About ito sa ECT na gusto kong gawin sa ibang bansa. Saglit lang ang mga video at puro negative ang result sa ibang taong nag undergo na nito, malamang dini-discourage ako ni Kuya Jeks na gawin ito pero kapag talaga hindi pa bumuti yung pakiramdam ko susubukan ko na talaga ito kahit pa tutol silang lahat. Pabalik na ako sa loob ng makita ko si Tin na nasa kusina umiinom yata ito ng tubig. Lumapit ako at nag kunwaring may kukunin sa ref kahit na wala naman talaga. Nalingon siya sa akin at sinamaan na naman ako ng tingin. Babalik na sana siya sa kwarto pero pinigilan ko siya. "Okay ka lang ba?" May napansin kasi ako sa kanya na kakaiba kaya kahit ayaw niya akong kausapin pinigilan ko pa rin siya. "Oo." Oo ang sagot niya pero halata naman na hindi siya okay. Para siyang namumutla at pinag papawisan din, nakita ko pang unti-unting tumutulo yung pawis niya mula sa noo pababa sa pisngi ng mukha niya hanggang sa makarating sa leeg niya. Bahagya tuloy akong napabuntong hininga at napalunok, pupunasan ko sana pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko at baka mamaya iba pa ang magawa ko sa kanya. Hinila ko siya papunta sa sala at habang nag lalakad kami nag tatakha ako dahil hindi man lang siya nanlalaban dahil siguro nanghihina siya dala ng pag ka putla nito. "Umupo ka nga muna." Hindi na siya nag salita pero inirapan na naman ako tapos sumandal siya at pinikit ang mata. "Tin, hindi ka okay 'no? Ano bang nararamdaman mo? May masakit ba?" Hindi siya sumagot at hindi rin siya gumalaw sa kinasasandalan niya. Kilala ko si Tin, at kapag nanahimik siya ng ganyan ibig sabihin may nararamdaman nga ito. "Tin, sumagot ka naman." Kung pwede ko lang siyang yakapin, kanina ko pa ginawa pero baka mas lalo siyang hindi maging okay kapag ginawa ko 'yun. Pero habang hindi naman niya ako sinasagot parang ako naman yata ang hindi mapapanatag. Mula sa dulo ng upuan lumapit ako sa kanya ng bahagya, pinag masdan ko siyang mabuti at ang tanging tumatakbo sa isip ko ay gusto ko siyang yakapin. Para i-comfort lang Seb, at wala ng iba! Hanggang ngayon apektado pa rin ako kapag nakikita siyang ganito. Kahit ang tagal na naming hindi nag kikita at nag uusap nag aalala pa rin ako sa kanya. Natural lang naman siguro ang ganoon dahil may pinag samahan din naman kami. Bumuntong hininga ito saka nag mulat ng mata at umangat sa kinasasandalan niya, "Okay lang ako! Bumalik ka na sa kwarto mo." Kahit mukhang nanghihina na siya kaya pa rin niyang mag sungit! Talent yata ito ni Tin! "Eh, paano ka?" "Dito muna ako." Bumalik siya sa pag kakasandal habang naka pikit ang mga mata. "Dito lang din muna ako sasamahan kita." Sagot ko sabay sandal rin sa upuan. "Ayaw kitang kasama!" Iritadong sagot naman niya. Dahil sa sinabi niya kaya napa angat ako agad sa sinasandalan ko saka lumingon sa kanya, "Paano kita iiwan kung ganyan yung itsura mo?" "Nagawa mo na nga akong iwan noon 'di ba? Kaya huwag kang mag kunwaring nag aalala sa akin, 'di mo bagay Seb!" Na pa taas na lang ang dalawang kilay ko at hindi ko malaman kung matatawa o ma ooffend ba ako sa sinabi niya. Nahihilo na pero kaya pa rin akong sumbatan ano pa kaya kung na sa tamang kondisyon ang katawan nito, malamang baka na sampal na niya ako. "Alam ko, pero kahit ayaw mo I'll stay here pa rin." Ngumiti na lang ako kahit pa hindi niya nakikita. "Bahala ka sa buhay mo!" Padabog na sagot niya saka bahagyang lumayo sa akin. "Hindi ka nga okay?" "Paki mo ba!" "Malaki ang pakialam ko dahil na sa iisang bahay lang tayo, baka mamaya may mangyari sa'yo tapos pag bintangan pa ako!" "Di inamin mo rin na nag aalala ka sa sarili mo at hindi sa akin." Saan ba nakukuha ni Tin yung mga sinasagot niya sa akin ngayon? Nahihilo na pero matalas pa rin ang utak sa pag sagot ng pabalang. "Eh, ayaw mo naman kasing maniwala na nag aalala ako sa'yo." "Iwan mo na nga ako, gusto kong mag pahinga." Ginawa ko na dati 'yun at sobrang hirap kaya hindi ko na uulitin ngayon. "Kung mag papahing ka, doon ka sa kwarto mo at huwag dito, baka lamukin ka pa." "Huwag ka ngang pakialamero!" Kapag kaya binuhat ko 'to papunta sa kwarto niya makakapalag pa rin kaya siya? Pero 'wag na lang dahil baka mag ka injury pa ako at ma cancel yung lakad ko bukas. "Na miss ko yung ganyang pag susungit mo." "Wala akong namiss sa'yo!" "Hindi naman ako umaasa." "Paano ako mag papahinga kung napaka daldal mo!" May point naman pero nag eenjoy kasi akong kausapin siya kahit pa lagi akong supalpal sa kanya. "Eh, bakit kasi sumasagot ka?" Mali yata ako ng sagot. Hindi na siya nag salita after ko sabihin 'yun, hindi ko alam kung nakatulog ba siya o ayaw niya lang talaga akong kausapin. Pero kahit ganon yung situation namin natutuwa ako kasi napagmamasdan ko siya ng matagal ng hindi niya ako iniirapan. "Masakit ba ulo mo o tyan o kaya naman nahihilo?" "Sabi ko nga ayaw mo akong kausap." "Pwede ba tayong kumilos ng normal, baka kasi mahalata nila Mang Teban at baka kung ano pa ang isipin nila." "Pero kung ayaw mo ayos lang naman at kung patuloy kang mag susungit sa akin okay lang din. Malaki nga pala yung kasalanan ko sa'yo." "Tin." "Tin." "Celestine, tulog ka na ba?" "Oo nga pala maaga akong aalis mamaya, mag i-island hopping kasi ako kaya baka magabihan ulit akong maka uwi kaya huwag mo na akong hintayin dahil may susi naman akong dala." "Nag prisinta si Mang Teban kanina na samahan ako mag tour pero tumanggi ako. Alam kong malabo at hindi ka papayag pero sana ikaw yung maging tour guide ko next time. Gusto pa kitang makasama ng mas matagal, alam ko awkward pero kahit sandali lang gusto kong makabawi sa'yo." Pinag masdan ko siya ulit bago ako bumalik sa kwarto ko. Bakit kaya sa twing tititigan ko siya parang nag kukusang kumirot ang dibdib ko, nakakaramdam ba ako ng awa dahil sa ginawa ko sa kanya noon o pang hihinayang dahil hindi na siya sa akin ngayon, hindi naman kaya dahil nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya noon? Ang gulo. Hindi ko kayang ipaliwanag yung nararamdaman ko. Lalo yata akong hindi makakatulog nito. Hindi na naman siya maalis sa isip ko lalo na't iniwan ko lang siya sa sala. Kumuha ako ng unan at kumot saka dinala ito sa sala. Ala una ng gabi ng tignan ko ang orasan at may dalawang oras na ring nakatulog si Tin, kaya hindi naman na siguro siya magigising kung ipapahiga ko siya sa couch at lalagyan ng unan ang ulo niya. Dahan dahan ko siyang hinawakan at buti na lang hindi siya nagising kahit na nagagalaw ko ang ulo at kamay niya. Parang sa tansya ko gumaan yata si Tin, mas mabigat kasi siya dati noong kami pa. Nanatili ang kamay ko sa ulo niya. Never kong na imagine na after ten years mag kikita ulit kami at mahahawakan ko ulit siya ng ganito kalapit sa akin. Kung pwede ko lang siyang yakapin ng hindi siya nagigising baka sa kwarto ko na siya dinala. Ewan ko ba parang gusto ko siyang yakapin magdamag, pero without malice alam ko naman kasi na iba si Tin, sa lahat ng nakakasama kong babae at hindi niya ibibigay yung sarili niya sa isang tao ng ganon ganon lang. Pag tapos ko siyang mapahiga kinumutan ko naman siya. Umupo ako saglit sa katabing upuan at automatic na yata na sa twing malilingon ako sa kanya ay pag mamasdan ko muna siya bago ako gumalaw. Dahil sa hindi ko malamang dahilan kung bakit gustong gusto ng mga mata ko ang titigan siya, eh dito na rin pala ako sa sala nakatulog. Alas sais na ng umaga ng nagising ako. Bago mag bihis tinignan ko muna siya at inayos ang kumot niya. Pag labas ko ng kwarto nakita ko namang na sa sala sila Mang Teban at Aling Ester, pinag mamasdan din nila si Tin. Nakita ko na nag bubulingan sila habang nakatuon ang tingin kay Tin. Nakita naman nila akong nakatingin sa kanila kaya inaya ako ng mga ito sa kusina. "Seb, bakit nandyaan natulog si Tin?" Nag tatakhang tanong ni Aling Ester. "Pag labas ko po kasi ng kwarto kagabi mukhang hindi na siya okay kaya tinanong ko siya pero ayaw naman niya akong kausapin. Sumandal lang siya para mag pahinga pero nakatulog na po siya. Hindi ko na po ginising at baka mahirapan pa siyang makatulog ulit." Tatango tango naman sila habang pabalik balik ang tingin kay Tin, at sa akin. Parang nagdududa yata sila sa paliwanag ko. "Oo nga pala ngayon ka mag I-island Hopping, sigurado ka bang ayaw mo ng kasama kasi pwede naman kitang samahan." Ngumiti ako saka umiling, "Ayos lang po Mang Teban. Oo nga pala sa Pass island po ang punta ko at mag shi-shipwreck diving din po ako kaya ma una na po ako sa inyo at baka ma late pa ako." Kailangan 7am naka sakay na ako ng bangka dahil ang first destination namin ay ang Pass Island, 2hours away ito from Coron Town Proper. Gusto kong maagang makapunta doon para hindi ko maka sabay ang ibang mga turista, mas madali kasing makakuha ng magandang anggulo kung walang mga sagabal. Bago dumiretso sa pier kung saan nag hihintay ang private boat na sasakyan ko dumaan muna ako sa palengke para mamili ng kakainin ko sa buong araw. Gulay, prutas, manok, karne at ilang bote ng beer ang binili ko. Diretso na agad ako sa pier at agad naman nila akong sinalubong at kinuha ang mga dala ko. Lima kami sa Bangka kasama na ang driver ang tour guide at ang dalawa namang assistant nila. Tinanong pa nila ako kung mag-isa lang talaga ako. Nanghihinayang daw kasi sila dahil mas masaya raw sana kung may kasama akong mga kaibigan o kapamilya o di kaya naman daw ay nobya. Nilapitan ako ng tour guide na si Kuya Efren, "Sir, dalawang oras din po ang byahe natin kaya pahinga po muna kayo." Habang nag babyahe na isipan ko munang matulog. Kailangan bumawi ako sa puyat ko kanina at dapat fully charged ang energy ko pagdating namin doon para naman mas ma enjoy ko ang ganda ng lugar. Gising na kaya si Tin, okay na kaya yung pakiramdam niya? Kamusta na kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD