Celestine's POV
Pasado alas siyete na pala kaya madilim na ang paligid pati na ang buong bahay kaya in-on ko muna ang flashlight ng phone ko. Hindi sa takot ako sa dilim kundi mabilis lang kasi ang imagination ko at automatic na yatang pumapasok sa isip ko yung mga napapanuod kong horror movies kaya nauunahan ako ng takot. Pero hindi naman ako makatulog kapag sobrang dilim, ewan ko ba feeling ko kasi hindi ako makahinga at bigla na lang akong nag papalpitate so it means takot pa rin talaga ako sa dilim.
Takot ako sa multo pero mas nangingibabaw ang takot ko sa dilim. Ang weird ko yata ngayon?
Nang makapasok na ako sa loob agad kong pinundot ang switch ng ilaw. Parang naka hinga ako ng maluwag doon. Bago pumunta sa kwarto dumiretso muna ako sa sa kusina para uminom ng tubig at pag ka tapos umupo muna ako sa sala para ibaba yung mga files na pinapakuha ni Mama sa akin.
Habang nag aayos hindi ko na pansin na isang oras na pala ang naubos ko dahil lang sa pag so-sort ng mga files na 'to. Hindi ko dapat iniisip 'to pero dahil mag kasama kami sa bahay natural lang naman siguro na mag taka ako kung bakit wala pa siya hanggang ngayon.
Hindi ako nag aalala para sa kanya, mas nag aalala ako para sa sarili ko. Paano ako matutulog kung wala pa siya? Alangan naman na mag lock na ako habang na sa labas pa siya at pakalat kalat doon hindi naman niya ako kasing sama para pabayaan nablang siyang matulog sa labas.
Anong oras ba siya uuwi?
Mang Teban:
8:15 pm
Tin, na ka uwi ka na ba? Huwag kang mag papagabi sa daan at may nabalita kasing na hold-up sa gawi ng transient kagabi
Tin:
8:17 pm
Naka uwi na po ako, pero yung bisita ni Kuya wala pa po dito.
Mang Teban:
8:18 pm
Sige, tatawagan ko si Seb at papa uwiin ko na.
Na saan na kaya yung impakto na 'yun, teka Tin, bakit ba iniisip mo pa siya matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya kaya hayaan mo na lang siya!
Maliligo na lang muna ako feeling ko kasi sobrang dumi ko na, maalikabok at madumi kasi doon sa isang building kaya parang na absorb ng katawan ko yung amoy at mga dumi.
Alas dies na ng gabi ng matapos lahat ng ginagawa ko at ready na sana ako para matulog pero paano, kung hanggang ngayon hindi pa dumadating si Seb, na saan na ba kasi siya? Nananadya ba siyang puyatin ako kakahintay sa kanya, nangbubwisit na naman ba siya?
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa main door, bubuksan ko sana ito para sumilip kung na sa gate na ba siya o baka na sa daan na pa uwi dito pero bigla namang may kumatok sa pinto. Hindi ko muna ito binuksan dahil baka mamaya hindi naman pala siya ang kumakatok at ibang tao pala at baka yung mga nang hold-up kahapon.
"Opo, Mang Teban nandito na po ako. Okay po, salamat!" Yung impakto na nga. Kundi pa siya tinawagan ni Mang Teban wala pa yata siyang balak umuwi!
Binuksan ko ang pinto saka siya tinignan ng masama. Ganito ba ang lagi niyang ginagawa dito? O baka may kinitang babae 'to kaya nagabihan. Teka baka naman nag dadala ng babae ang impakto na 'to dito at dito nila ginagawa yung ka manyakan nilang dalawa!
"Bakit ngayon ka lang?" Pinangliitan lang ako ng mata nito saka pangiti ngiti. May nakakatawa ba sa tanong ko?
"Parang tono ng asawang matagl nag hihintay ah. 'Di joke lang."
"Huwag ka ngang feeling! Alam mo bang alas dies na ng gabi tapos pakalat kalat ka pa dyan sa kalsada!" Feeling yata nakikipag biruan ako sa kanya!
"Pasensya na po madam malakas kasi yung internet doon sa restaurant kaya sinamantala ko na po. Pwede na po ba akong pumasok?" Hindi ko napansin na nakaharang pa rin pala ako sa pintuan habang kinakausap siya! Nakakabwisit kasi ang lalaking 'to, kung kumilos sa harap ko parang hindi niya natatandaan yung nangyari sa amin. Buti pa siya komportable samantalang ako hindi ko na alam kung paano ako kikilos sa harap niya!
Pina pasok ko na siya at ni-lock ko na rin ang pinto, mahirap na baka mamaya may ibang tao pang makapasok. Makasama nga ang impaktong 'to sa bahay ang hirap na, ano pa kaya kung yung mga holdaper naman baka bigla na lang akong mag collapse dito.
"Next time mag papaalam ka kung magagabihan ka, wala ka sa resort o hotel na kung kailan mo gustong umuwi doon mo lang gagawin. FYI may kasama ka sa bahay kaya please lang matuto kang makisama!"
"Opo, sorry na." Ngumiti pa ito at kumindat bago buksan ang pinto ng kwarto niya.
Babalik na rin sana ako sa kwarto ko ng bigla naman siyang mag salita ulit. "Oo nga pala Tin, may duplicate ako ng susi pero thank na rin sa pag hihintay at pag aalala. Sobrang na appreciate ko!" Tumawa na naman siya ng nakakainis sabay mabilis na pumasok sa kwarto. So nag mukha talaga akong tanga sa ginawa kong pag hihintay sa kanya! Talaga yatang gustong makipag bwisitan ng lalaking 'to!
Bwisit na 'yan kaya pala ganoon na lang siya makangisi kanina nung sinita ko siya!
@CedCor
Kamusta ang ate ko?
@CortezTin
Hindi okay! May kalokohang ginawa yang magaling mong Kuya! ??????
@CedCor
FYI, Kuya natin. Bakit anong ginawa ni Kuya Carlo at halos lahat na yata ng angry na emoji ginamit mo na.
Sasabihin ko ba kay Cedrick? Pero baka mas grabe pa magalit 'yun kapag nalaman niyang mag kasama kami ni Seb, dito sa Villa. Baka awayin niya pa si Kuya, ayaw ko naman na mag kagulo sila sa bahay!
@CortezTin
Ikukwento ko na lang sa'yo pag uwi ko. Kamusta kayo ni Mama dyan?
@CedCor
Para namang na sa New York ka ulit kung maka kamusta sa amin ni Mama. Okay kami dito Ate, patuloy kaminh nag dadasal na sana mahanap mo dyan yung ipapakikilala mong boyfriend sa amin.
Boyfriend na naman? Saan naman ako hahanap ng lalaking ipakikilala ko sa kanila?
@CortezTin
Pressure ha! Huwag nating pag usapan 'yun. Kamusta exam mo?
@CedCor
Nakakatuwa para kang si SDM kung mag tanong. Kinamusta niya rin yung exam ko at isa lang din ang sagot ko sa inyo. Nakakapiga ng utak lalo na ang Physics at Math. Ikaw ate enjoy ka ba dyan?
@CortezTin
SDM na naman! Hindi sa ngayon pero gagawa ako ng paraan para mag enjoy!
@CedCor
Sana bago bumalik ng ibang bansa si SDM at bago ka rin bumalik sa New York, mag kita kayo.
@CortezTin
Alam mo kulang na lang ibenta mo ako dyaan sa SDM na 'yan!
@CedCor
Alam mo ba ate nag kita sila ng ex girlfriend niya!
Talaga ba, nag kita rin kasi kami ng ex boyfriend kong manyak!
@CortezTin
Pati about doon updated ka?
@CedCor
Nag post kasi siya sa Twitter kaya nakita ko.
@CortezTin
Oh, anong sabi?
@CedCor
Uy, interesado! Haha. Ang sabi niya "How would you react when you see your ex girlfriend for the longest time?"
@CedCor
Ikaw Ate anong mararamdaman mo kapag nakita mo si kupal?!!!!
Ire-recall ko ba yung nangyari kagabi at pasasakitin ko ba yung ulo ko. Kung paano ako kinabahan, kung paano ako natulala ng makita ko siya at kung paano ako unti-unting na hihibang sa twing babanggitin nila ang pangalan niya. Na hindi ko alam kung ibang tao ba ang tinutukoy nila o yung taong na sa isip ko ba? Yung parang nakasakay ako sa rollercoaster, ganoon yung pakiramdam na para bang hinuhugot ang kaluluwa ko!
@CortezTin
Ewan!
@CedCor
Ah, kasi hindi pa kayo nag kikita. Kapag sana nag kita kayo kasama mo ako para makatusan ko man lang yung kupal na 'yun!
Nagkita na kami at kasama ko pa nga siya dito sa bahay! Sana nga kasama kita para nakatusan mo 'tong bwisit na 'to!
@CortezTin
Dati uupakan mo, ngayon kakatusan mo na lang?
@CedCor
Haha, baka kasi manlaban kapag inupakan ko at saka baka magalit ka sa akin.
@CortezTin
Ako magagalit? Bakit?
@CedCor
Mukha kasing hindi ka pa nakakapag move on sa kanya.
@CortezTin
Tigilan mo ako sa strategy mo, kilala kita!
@CedCor
Okay lang naman ate kung may nararamdaman ka pa rin sa kanya, alam ko naman kasi kung gaano mo minahal si kupal at saka halata rin naman dati na mahal ka ni kupal. Gago lang talaga siya at niloko ka niya!
@CortezTin
Naku Cedrick parang alam ko na kung saan papunta 'to. Kunwari kino-comfort mo ako then after that tatanungin mo na ako ng kung ano-ano para makuha yung sagot sa mga tanong mo. Don't me bro! haha
@CedCor
Talino talaga ng ate ko! Date mo kami ni Mama pag uwi mo ha!
@CortezTin
Oo naman, isang buong buwan ko gagawin nating month of Cedrick and Mama.
@CedCor
Pero move on ka na ba?
@CortezTin
Oo nga, ang kulit!
@CedCor
Sige ate good night na, may session ako bukas. Pag pray mo ako. Love you ate!
PS. 'Wag mo na isipin si kupal at baka mapanaginipan mo pa!
Paano ko naman iiwasang isipin 'yun, eh mag kasama kami sa bahay at ilang hakbang lang ang pagitan namin sa isa’t isa.
Bakit ba kasi kailangang isama pa ni Cedrick sa usapan namin yung lalaking 'yun ayan tuloy nag kukusa na 'yung utak ko na balikan yung nakaraan!
Mahiga at matulog ka na at huwag mong hayaang bumalik sa isip mo yung nakaraan. Pigilan mo yung utak mo Tin, please stop!
Oo na alam ko naman na sincere siya before pero may malaking tanong pa rin sa isip ko kung bakit niya na gawa sa akin 'yun, ang ipag palit ako sa iba na para bang walang kahirap hirap sa kanya. Totoo kayang minahal niya ako o baka part pa rin 'yun ng mga laro nila noong na sa high school kami.
Bakit ba kasi kailangan mo pang gawin 'yun, kung ayaw mo na sa akin at sawa ka na pwede mo naman sabihin ng harapan hindi yung kailangan mo pa akong saktan para lang makipag hiwalay ako sa'yo.
Bakit ba kasi nag fe-fade ang relationship ng dalawang tao?
Dahil ba nag sawa na siya sa akin, dahil ba may iba na siyang gusto, o baka isang umaga pag gising niya bigla na lang niyang naramdaman na hindi niya pala talaga ako mahal, na hindi na niya nararamdaman yung katulad ng dati kung paano siya na in love sa akin noon.
Gulong gulo na ako sana pala pinag explain ko muna siya bago ako pumayag na makipag hiwalay sa kanya at baka sakaling hindi ako nag tatanong sa sarili ko ngayon.
Nakaka inis wala na siyang ginagawa pero na iinis pa rin ako, the fact na nandyaan lang siya sa kabilang kwarto, pa chill chill lang, pa libot libot lang at mang iinis kung kailan niya gusto mas lalo lang nag ti-trigger sa isip ko ang mga tanong ko sa kanya. Ano bang sikreto mo Seb, at parang ang bilis mo yatang makalimot!
Kahit yung nangyari sa atin parang wala lang sa'yo pero alam mo sobrang big deal nun sa akin kasi wala ng tayo tapos saka naman natin ginawa ang dapat hindi natin ginagawa, dapat hindi ako pumayag dapat lumaban ako sa nararamdaman ko that night!
Kung ginawa ko 'yun sana hindi ako nakakaramdam ng ganito ngayon at sana hindi ko naibigay ang sarili ko sa’yo ng ganoon lang kadali.
Dati kapag may hindi magandang nangyari sa school o sa bahay man lagi akong nag kukwento sa'yo, ikaw kasi sinanay mo ako ng ganoon. "Always remember this, everytime that something or someone is bothering you, you can always talk to me. Pag usapan natin hanggang sa gumaan yung pakiramdam mo!" Paano ko gagawin 'yun ngayon kung ikaw mismo yung tao sa kwento ko!
Perfect na sana tayo kaso lang bigla kang naiba ng daan tapos habang nag lalakad ka hindi mo man lang hinawakan yung kamay ko para sana kahit papano nakasabay ako sa'yo, hindi mo man lang ako sinabihan, eh di sana nahabol kita at nag abot tayo sa dulo.
Ano ka ba Tin, tigilan mo ngang mag-isip ng nakaraan at enough na 'yung mga what ifs sa isip mo, wala na rin naman magagawa kasi wala ng kayo! Siguradong ibang bagay ang na sa isip niya or should I say ibang babae.
Hindi ako umaasang babalik kami sa dati dahil alam kong malabo na 'yun kaya huwag ka ng mag pa apekto sa presensya niya at kumilos ng normal na parang bagong kilala mo lang siya tulad ng ginagawa niya ngayon.
Pamilya at career. Yaan ang priority ko! Nothing more nothing less!