Chapter 17

2585 Words
Celestine's POV Mag aalas otso na ng umaga ng magising ako mukhang napasarap yung tulog ko dahil sa pagod. Pagtapos mag hilamos at mag toothbrush lumabas na ako ng kwarto para sana mag luto ng agahan pero naka handa na sila Aling Ester, kasama niya sila Rizza at Rocco pero si Mang Teban maagang pumasok sa trabaho. Ngayong araw ko balak dalawin yung renovation ng transient at mag inspection na rin, si Papa sana ang may gawain nito pero dahil may iba siyang inaatupag at parang nag mumurang kamias kaya naman imbis na nag babakasyon at nag papaka saya ako ngayon, ako pa ang nag aasikaso ng mga 'to. "Good morning Ate Tin," Masayang bati sa akin ng dalawang bata. "Good morning din. Oo nga pala pinapakamusta kayo ni Cedrick sa akin." Sagot ko naman. "Malaki na po siguro si Kuya Cedrick?" tanong ni Rocco, sumabad naman si Rizza. "Malamang mag ka edad kaya kami ni Cedrick. Ikaw din naman malaki na pati ang bilbil mo!" Wala pa ring pag babago ang dalawa kung mag asaran, parang kami lang rin ni Cedrick. "Anak mag kape ka muna." Alok naman ni Aling Ester. Tumingin ako sa orasan at 8:30 na pero bakit hindi yata bumabangon yung impakto na 'yun. Ngayon ko pa naman sana siya gagantihan. Lumingon lingon ako sa paligid at baka mamaya nag tatago lang pala ang impakto tapos kanina pa pala niya ako pinag mamasdan na wala man lang akong ka alam-alam. "Naku, kung hinahanap mo si Seb, malamang tulog pa 'yun. Iniiwanan na lang namin siya ng pag kain dito." Siya agad, hindi ba pwedeng may iba akong hinahanap si Aling Ester talaga! "Alam mo Ate Tin, ang bait po ni Kuya Seb, kasi nilibre niya kami ni Ate Rizza ng Ice Cream doon sa Pedro's Gelato tapos binilan pa niya kami ng tig isang payong ni Ate... Tapos meron pa pala kumain kami sa restaurant malapit sa Mt. Tapyas." Kaya naman pala siya gustong gusto ng mga tao dito, nag papa impress pala! "Pero dapat hindi pa rin kayo sumasama sa hindi niyo kilala baka mamaya kunwari lang pala na mabait yung tao pero may balak palang masama sa inyo." Umiling iling si Rocco, halatang hindi sang-ayon sa mga sinabi ko. "Ang sabi po ni Kuya Seb, hindi naman daw kailangan kilala mo ng lubos yung tao para maging mabait ka sa kanya enough na yung magalang kayo at you treat me right. Tama ba Ate." Tumango naman si Rizza, saka nakipag apir si Rocco sa kanya. Sandali pa lang na nandito si Seb mukhang nakuha na niya yung loob ng mga bata, ano kayang binabalak ng lalaking ‘to, "Buti pa 'yun natandaan mo pero yung paliwanang ni Kuya Seb kahapon hindi mo na gets!" Bigla namang sinamaan ng tingin ni Rocco ang Ate niya. Natatawa na lang ako sa dalawang batang 'to, mamaya mag kasundo tapos bigla na lang mag-aaway. "Ate Tin, huwag kang mag-alala dahil kahit hindi mo kilala si Kuya Seb, mabait naman po siyang tao. Hindi ka po niya aanuhin." Ayun na nga ang problema Rocco, kilala ko kasi siya kaya mas lalo akong nag-aalala "Okay na sana Rocco, kaya lang ano yung aanuhin na sinasabi mo?" "Basta Ate, alam na ni Ate Tin, 'yun. Nasa dulo kasi ng dila ko." "Ilabas mo babasahin ko." Sagot ni Rizza. Nakakatuwang panuorin ang mga batang 'to, buti na lang sila ang bumungad sa umaga ko at hindi yung impakto na 'yun. Pag tapos kumain umalis na yung dalawang bata at naiwan naman si Aling Ester dahil aayusin pa niya yung mga ginamit kanina. "Tin, kamusta ang unang gabi mo dito? Ayos ka lang ba?" Tulad ng dati mahinahon pa rin mag salita si Aling Ester, naaalala ko tuloy ang Lola sa kanya. "Medyo okay lang naman po." Kung alam lang ni Aling Ester yung naganap kagabi pero hindi ko naman pwedeng sabihin dahil wala akong panahon para ipaliwanag ang lahat at ayoko na rin namang balikan pa. "Oo nga pala kung pupunta ka ngayon sa transient pwede kong tawagan yung driver doon para sunduin ka." "Hindi na po, pwede naman akong mag tricycle." Umalis na si Aling Ester para pumasok sa trabaho niya at ako naman lumabas muna para mag pahangin at mag pa araw. Nakakamis talaga yung buhay dito. Simple lang malayo sa ingay ng city at ang pinaka maganda, eh yung makikita mong view sa umaga at gabi. Bago ako pumasok sa kwarto ko nahagip ng mata ko ang pinto ng kwarto na tinutulugan niya. Bakit kaya hindi pa lumalabas 'yun? Tulog pa siya o baka maagang nag tatrabaho? Kasi mukhang busy siya sa laptop niya kagabi. Pero teka nga ano ba ang trabaho ng lalaking 'to? Eh, bakit ba ang dami kong tanong. Pakialam ko ba sa kanya! Bago mananghalian dumating ako sa transient at ang una kong ginawa ay tignan ang mga ni-re-renovate nila. Banyo, repainting ng kwarto at ang ilang electrical issues ng kabilang building. Dalawa ang building na 'to kaya naman kahit under renovation ang isa tumatanggap pa rin kami ng mga turista. Pag tapos kong umikot pumunta naman ako sa reception area. Kinausap ang manager at ilang staff regarding sa takbo ng negosyo at kung ano-ano pa ang mga na e-encounter nilang problema dito. Hindi biro ang mag tayo ng ganitong negosyo lalo na kung wala ka namang gaanong alam para patakbuhin ito. Kinausap naman ako ng manager at aaminin ko medyo kinabahan ako kasi baka mamaya may problema pala at hindi ko naman kayang solusyonan, si Mama lang talaga kasi ang may alam sa pag papatakbo nito pero dahil busy siya sa work kaya hindi niya pa maasikaso. "Ma'am Tin, alam niyo na po siguro na balak ng gawing hotel ng Mama niyo ang transient. Last time po kasi na nag usap kami gusto niyang baguhin ang transient at gawing two star hotel." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya kaya naman napatawag agad ako kay Mama para kumirpahin kung tama ba ang dinig ko. At totoo nga dahil kaya ng pondohan ang pag papagawa dito. Yuon naman talaga kasi ang original plan pero dahil nakapos sa budget kaya parang bed and breakfast ang naging set up. Habang nag didiscuss sa akin yung manager tango lang ako ng tango dahil wala naman akong masyadong alam sa pag papatakbo ng ganitong negosyo. Sa design ng mga kwarto at ng gagawing hotel malaki ang ma itutulong ko pero pagdating sa pag hahandle mukhang bokya yata ako doon. Hotel and Restaurant Management ang tinapos ko pero more on food and housekeeping ang natatandaan kong subject namin noon. Cooking at food curving ang paborito kong ginagawa at sa twing may cookfest lagi akong pinanglalaban at lagi ding naka suporta si... Never mind. Basta magaling naman ako noong nag-aaral pa ako. Marami ng iniisip si Mama kaya nag prisinta na lang ako na ang pupunta dito para tignan ang renovation. Si Papa dapat ang may gawain nito pero matagal na rin kasi silang hindi okay ni Mama kaya wala na siyang pakialam sa pamamalakad dito. Galing kasi sa mana ni Mama ang ginastos sa pag papatayo nito kaya noong panahong unti-unti ng nag fe-fade yung marriage nila ni Papa kasabay nun yung mga obligation nila sa pamilya. Siguro dahil pera ni Mama ang ginamit dito kaya ayaw ng mangialam ni Papa. Pero malamang pride at ego ang dahilan at kung mayroon pa hindi ko na alam. Nakakatakot talaga ang salitang marriage. Sa tingin ko yuon ang pinaka risky na gagawing decision ng isang tao. Except na lang sa mga nakahanap na ng true love nila o yung tinatawag nilang better half o destiny. Pero kung ako ang tatanungin mag papakasal lang ako kung mahal ko yung tao at sigurado na ako sa future na bumuo ng pamilya kasama siya. Pero wala pa naman sa isip ko 'yun ngayon, career at family muna. Na sa office lang ako mag hapon, chine-check ang libro ng transient. Hindi ako bookkeeper at hindi ko rin alam dati ang trabaho ng ganoon pero dahil kailangan para sa negosyo kaya naman unti-unti na pag aralan ko na siyang gawin. Mahirap makahanap ng taong mapagkakatiwalaan lalo na kung malayo at matagal mong hindi madadalaw ang negosyo mo kaya swerte na kami dahil honest at loyal ang mga empleyado namin dito. Hindi pa peak season ngayon kaya medyo mababa ang bilang ng mga turista kaya siguro hindi pa napuno yung available na isang building namin dahil na rin yata sa dami ng competitors na nag sisisulputan. Ano kaya kung palipatin ko na lang si Seb, dito? Habang tumatagal nakikilala ang Coron sa magaganda nitong lake at beaches mas dumadami rin ang mga nagtatayuang mga hotel at resort, kaya talagang mataas ang competition pagdating sa ganitong negosyo. Sebastian's POV Alos dos na naman ng tanghali ng magising ako at tulad ng dati may nakahanda ng pagkain para sa akin. Umaga na rin kasi ng dalawin ako ng antok. Alas tres ang pinaka maagang tulog ko simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas at umaga na kapag nakakatulog ako kaya laging tanghali na akong gumigising, siguro dahil wala na naman akong masyadong pinag kakaabalahan kaya umaatake na naman yung insomnia ko. Noong na sa Italy ako lagi namang na sa oras ang pag tulog at pag gising ko pero minsan inaatake pa rin ako ng insomnia kapag sobrang taas ng stress level ko. Sabi ni Dra. Avellano kailangan daw relax ang isip at panatag ang loob para mas madali akong makatulog pero relax naman ako simula ng pag-uwi ko dito masaya pa nga dahil successful yung exhibit ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko na naman ito! Nakita ko pa si Tin, kanina nung sumilip ako sa bintana bago mahiga. Nakatayo lang siya at parang nag papa araw yata o baka tinitignan niya yung magandang view. May na discover ako dito kapag pala madaling araw malakas yung internet, siguro dahil wala na masyadong gumagamit dahil tulog na ang mga tao, kaya naman nakagawa ako ng Itinerary ko for tomorrow. Balak ko lang kasing mag punta sa mga restaurant ngayon para tignan kung ano-ano ang mga trending na pag kain dito at syempre para tikman ang pinag mamalaki ng Coron! Marami na rin kasing sumisikat na mga pag kain ngayon at gusto ko sanang mag dagdag sa menu list ng Sweet Lips bago ako bumalik ng Italy, kaya lang hindi naman ako pwedeng mag practice dito dahil food and accommodation lang ang sagot ni Carlo at hindi kasali roon ang pangingialam ng mga gamit sa bahay. Pag kakain ko bumalik ako sa kwarto, natingin ako sa kama at parang hinihila ako nito pabalik sa kanya. Ito na nga ang sinasab ko, hindi talaga pwedeng mag sama ang work place at kama ko sa iisang kwarto. Naisipan kong gamitin ang lamesa sa labas habang nag lilipat ako ng ibang picture na nakuhanan ko kahapon. Mainit lang pero mas okay dito kumpara sa loob ng kwarto. Umalis naman yata si Tin, kaya solo ko ang lugar. Alas kwatro na ng umalis ako ng Villa. Tulad ng dati nag lakad lakad lang ako hanggang sa makarating sa bagong lugar na hindi ko pa napupuntahan. Ang kinagandahan dito sa Coron, wala masyadong building at malalaking establishment at puro mga hotel, restaurant, café at mga tindahan ng mga souvenir item. Kaya parang mas masarap lang talagang mag lakad at bukod doon marami din akong nakakasalubong na mga foreigner at local tourist na nag lalakad din kagaya ko kaya hindi ka pag titinginan ng mga tao kapag nag iisa ka lang dahil sanay na silang makakita ng mga taong mas gustong mag lakad kaysa sa sumakay ng sasakyan. May nakasalubong akong babae na nag bibigay ng flyers para sa mga tour packagce nila at habang kumakain tinignan ko ito gamit ang google. Namili na ako para sa gusto kong puntahan pero hindi sa agency nila ako mag papa book kundi kay Mang Teban, na sabi ko sa kanya na gusto kong mag tour mag-isa at may kilala naman daw siyang mga private boat kaya hindi na ako mahihirapan pa. May mga recommended hotel and resort din na lumabas sa pag se-searched ko. Parang ang ganda dito lalo na ang Palladium Hotel, mala Santurini Greece kasi ang design ng hotel nila. May mga resort din kung saan may sariling bar sa roof top at Jacuzzi. Pero kahit nakakapang akit ang mga itsura nila mas gusto ko pa rin mag stay sa Villa, bukod sa tahimik nandoon din kasi si Tin, kaya mas nakaka excite tumira doon at saka wala akong balak gumastos ng malaki ngayon. Nag decide ako na mag stay na lang muna dito dahil malakas ang internet at maganda naman ang vibes sa loob, hindi crowded at maingay kaya dito na lang siguro ako mag eedit. @CedCor Bayaw! @SDM_Gallery Uy nabuhay ka bayaw? @CedCor Exam week kasi kaya review muna. Wala ka bang bagong picture dyan? @SDM_Gallery Marami pero nag eedit pa ako. Kamusta exam? @CedCor Nakakapiga ng utak, lalo na yung physics at math! @SDM_Gallery Wala ka naman sigurong magawa kaya kinukulit mo ako? Kailan ba uuwi ang future wife ko? @CedCor Ewan ko ba hindi ko alam kay ate. Pero na sasanay ka yatang tawaging future wife ang ate ko! ? @SDM_Gallery Alam mo na cu-curious talaga ako sa ate mo. @CedCor Pati ang ate na cu-curious din sa'yo, lalo na doon sa banana bread mo. @SDM_Gallery Bakit anong meron sa banana bread ko? @CedCor May kalasa daw, yung kinainan niyang bakeshop. Eh di ba nga halos hindi naman nag kakaiba ang mga lasa ng banana bread? @SDM_Gallery Oo, depende na lang sa topings niya at sa ibang flavour na dinadagdag. @CedCor Saan ka natutong mag bake? @SDM_Gallery Research at nuod ng Youtube. @CedCor Ang tyaga mo naman. @SDM_Gallery Anong favourite desert ng ate mo? @CedCor Mahilig ang ate sa cake at yung kinahihiligan niya ngayon at madalas niyang ipost sa social media account niya eh, yung creep cake at tiramisu. @SDM_Gallery Nice, nag crave ako bigla.? @CedCor Alam mo bang gawin mga 'yun? @SDM_Gallery Oo, naman. SDM lang malakas 'di ba! ? @CedCor Ang galing. Gawan mo ang ate sa birthday niya. @SDM_Gallery Kailan ba birthday ng ate mo @CedCor 03-__-1992 @SDM_Gallery Muntik ko nang mahulaan. Mag ka year pala kami ng ate mo. @CedCor Eh, kelan birthday mo? @SDM_Gallery Matagal pa, pero hindi pa tapos. @CedCor Nakita ko nga pala yung post mo sa Twitter kagabi. Nakita mo yung ex mo so paano na ang ate ko???‍♂️ @SDM_Gallery Haha bakit feeling ko tuloy nag tataksil ako sa ate mo. @CedCor Niloko siya ng kupal niyang ex boyfriend noon! @SDM_Gallery Oo, nasabi mo na nga yata sa akin noon 'yan. @CedCor Ikaw bakit kayo nag break ng ex mo? Niloko mo rin ba siya? @SDM_Gallery Sa paningin niya at ng ibang tao oo niloko ko siya pero may dahilan naman ako kaya ko ginawa 'yun at hindi lang naman siya ang nasaktan sa ginawa ko, masakit din sa part ko 'yun! @CedCor Hala cheater ka rin pala, pero sige maniniwala ako sa reason mo. Mukha ka naman kasing mabait kahit hindi ko pa nakikita ang mukha mo. Pero 50% na lang ang boto ko para sa'yo kasi ayaw ng ate sa cheater at ganoon din ako! ? Maniniwala kaya ang batang ito kung sasabihn kong hindi ko ginustong lokohin si Tin, pero baka hindi dahil mukhang mainit dugo niya sa mga manloloko. Kahit kasi pag balibaligtarin pa niloko ko pa rin siya kahit pa labag sa kagustuhan ko. But at least hindi siya na damay sa kung anong gulong meron ako. Mas hindi ko yata kakayanin kung may masamang mangyayari kay Tin, dahil sa akin. Alas otso na ng gabi ng umalis ako sa restaurant at doon na rin ako kumain ng hapunan. Ang ganda pala dito pag gabi lalo na't kaunti na lang ang mga tao sa labas, nag papahinga na siguro ang mga galing sa tour kaya wala na masyadong turistang pakalat kalat sa daan at ako na lang yata. O baka naman na sa Bar ang iba at nag sasaya? Si Tin, kaya naka-uwi na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD