Celestine's POV
Pag tapos kong ma i-lock ang mga pinto dumiretso na rin ako sa kwartong tutulugan ko. Nanatili akong nakatayo sa likod ng pintuan dahil hanggang ngayon hindi pa tinatanggap ng sistema ko ang mga nangyayari ngayon.
Teka, mamaya na ang emote at mag aayos muna ako ng higaan. Binuksan ko ang mga cabinet para hanapin ang mga punda ng unan, kumot at bed sheet na gagamitin ko pero nabuksan ko na lahat ng cabinet at wala naman akong nakitang mga gamit. Tinawagan ko si Aling Ester para itanong kung saan niya nilagay ang ibang gamit ng bahay.
Kapag minamalas ka nga naman, jusko po! Na sa kabilang kwarto raw ang mga gamit na hinahanap ko at ang malas ko dahil yung kwartong tinutukoy niya ay yung tinutulugan ni Seb, so paano ko kukunin ang mga 'yun ,eh may impakto sa kabilang kwarto. Pero hindi naman ako makakatulog kung wala ang mga 'yun.
Wala akong choice kundi kunin ang mga gamit sa kwarto niya na kwarto ko naman talaga dapat. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok sa pintuan, pampalakas din ng loob 'to. Ano ka ba Tin, dapat nga komportable kang gumalaw dito pero dahil sa presenya niya kaya limit tuloy ang bawat galaw ko.
Nakakatatlong katok na ako pero kahit kaluskos o yabag man lang ng paa niya wala akong naririnig, tulog na ba siya o ayaw niya lang akong pag buksan?
Sinubukan kong ilapit ang tenga ko sa pinto at laking gulat ko ng bigla itong mag bukas.
Shit nag mukha ba akong tanga?
Hindi naman siguro kasi mabilis naman akong nakagalaw hindi naman niya siguro napansin yung ginawa ko kasi kalmado lang naman siya ng pag buksan ako.
"Bakit?" Seryoso yung mukha niya pero agad naman siyang ngumiti na parang nang iinis ng mag tugma na ang mga mata namin.
"Kukunin ko lang yung bed sheet at kumot na gagamitin ko, dyaan daw nakalagay sabi ni Aling Ester." Hindi na nga ako masyadong tumitingin sa kanya pero siya naman itong tumititig sa akin at hindi lang basta titig gusto pa yata nitong makipag eye contact sa akin! Nakaka bwisit bumabalik tuloy sa isip ko yung nangyari sa amin sa bar.
"Sige kunin mo na!" Na una na siyang pumasok at diresto agad siya sa lamesa kung na saan ang laptop niya. Buti na lang at may ginagawa siya kaya hindi niya ako mahaharap na kausapin.
Habang binubuksan ko isa-isa ang mga cabinet narinig kong nag ri-ring ang cellphone niya pero deadma lang siya. Ano ba yung ginagawa niya at kahit na sa tabi niya lang yung cellphone niya eh, wala siyang pakialam.
Baka isa sa mga naging babae niya? Malamang tama ako at umiiwas siguro ang loko!
"Hello."
"What do you think?"
"Marami naman akong nabasang positive feedbacks."
"I'll send you the link, pero baka bukas na lang kapag lumabas ako. Mabagal kasi signal ng net dito."
"Wait, choppy ka. I call you again, lalabas lang ako!"
About saan naman kaya 'yun? Pero bakit ba kasi kailangan mo pang makinig sa usapan ng iba Tin, mag hanap ka na lang dahil mag aalas onse na ng gabi at baka mamaya matutulog na pala siya, eh nandito ka pa rin nag hahanap ng bed sheet.
Hindi na siya nag paalam sa akin at agad na lang na lumabas ng kwarto, eh ano naman, hindi naman niya kailangan gawin 'yun at kahit mag paalam pa siya wala naman akong pakialam. Kailangan kong bilisan ang paghahanap habang wala siya para hindi na niya ako madatnan dito pag balik niya. At baka kung ano pa isipin nun!
Bakit ba kasi puro kurtina ang nahahalungkat ko, na saan na ba yung mga bed sheet at kumot? Bakit ba kung kailan ako nag mamadali doon naman hindi mahagilap yung hinahanap ko! Talaga bang sinusulit ng bad luck ang buong araw ko?
"Hindi mo pa nahahanap?"
"Ay impakto!"
Nakatayo siya at nakapamewang sa gilid ko, nag salubong ulit yung kilay niya ng marinig ang sinabi ko.
"Hindi pa," Mahinang sagot ko naman.
"Impakto talaga?" tanong niya.
"Bigla bigla ka kasing sumusulpot kaya nagulat ako, ayan tuloy nasabihan kitang I-M-P-A-K-T-O!"
Umupo siya sa tabi ko pero ng tignan ko siya ng masama dumistansya naman ito ka agad. Nakukuha ka naman pala sa tingin gusto pa yata yung lagi siyang susungitan.
"Baka naman tinatagalan mo lang talaga para mas matagal mo akong makasama dito sa kwarto." Ito na nga yung sinasabi ko kaya gusto kong maka-alis bago pa siya dumating ulit.
"Ang kapal mo talaga 'no?!" Tumawa lang siya at nag patuloy sa panunuod sa ginagawa ko.
"Bakit ba bigla ka na lang dumating dito?" Tanong niya.
"Ano bang pake mo!"
"Syempre meron, kasi solo ko dapat dito pero dahil dumating ka kailangan ko tuloy mag share!" Aba't ang kapal talaga siya pa may ganang sabihin ang bagay na 'yun, eh dapat nga sa transient siya nakatira ngayon at hindi dito sa Villa!
"Pwede ka naman lumipat kung gusto mo at huwag kang mag alala kasi hindi kita pipigilan baka nga ihatid pa kita!"
"Grabe, yaan na ba yung naipon mong galit sa akin?" Talagang kailangan niyang ibalik yung dati talaga bang nangbubwisit ang lalaking 'to?!
Saan ba papunta ang usapang 'to? Bakit ba kasi ayaw mag pakita ng bed sheet na 'yan ng maka-alis na ako dito!
"Hanggang kailan ka dito?" Tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin. Ano bang pake niya kung hanggang kailan ako dito
"Ang snob naman, galit ka na naman niyan? Alam mo papangit ka kapag lagi kang galit. Bagay pa naman sa'yo yung bago mong hairstyle"
Pati buhok ko napansin niya?
Nilingon ko siya ng bahagya sabay irap dito, "Manahimik ka nga!"
"Bakit apektado ka ba sa boses ko o sa presensya ko?"
"Hindi, actually sa buong pagka tao mo, nakakairita ka!"
"Talaga ba? Eh, bakit yung pamilya ni Mang Teban gustong gusto naman ako, ikaw lang yata ang nabubukod tanging naiinis sa akin."
Para namang hindi niya alam ang dahilan! Katusan ko kaya ito ng maalala niya yung nangyari sa amin!
"Tigilan mo yung kadaldalan mo at baka sakaling matuwa ako sa'yo!"
Ano 'to maang mangan lang? Talaga bang hindi niya alam kung bakit ako naiinis sa kanya, mabilis lang ba talaga siyang makalimot o nag kukunwari lang siyang walang alam!
"Init ng ulo mo! Meron ka yata? Oops joke lang. Ano bang itsura ng hinahanap mo at tutulungan na kita."
Nakisali na siya sa pag hahalungkat ko pero tinanggal ko yung kamay niya sa loon ng cabinet! "Huwag na baka maging utang na loob ko pa sa'yo." Tumayo na siya saka bumalik sa lamesa. Buti naman at hindi na siya nangulit pa.
"Gusto mo dito ka na lang matulog." Nanlaki ang mata ko at nilingon siya. Sa itsura pa lang ng mga ngiti niya halata ng may binabalak ang lalaking 'to.
Tumayo siya at dahan dahang lumapit sa akin, "Sa sala na lang muna ako baka kasi abutin ka ng siyam siyam dyaan." Kumindat pa siya bago ma upo sa swivel chair na ginagamit ko noon.
"No thanks. Titiisin ko na lang na matulog kahit wala yung mga hinahanap ko. Tumayo na ako para i-ayos yung mga nailabas kong mga kurtina. Tumayo rin siya at tinulungan ako.
Pagatapos kong maibalik ang mga natitirang kurtinang nailabas ko, mabilis akong nag lakad palabas ng kwarto niya. Isasara ko na sana ang pinto pero hindi ko napansin na nasa likuran ko pala siya at pinigil ito.
"Good night, Tin." Kumindat na naman siya at ngumiti ng parang nang iinis saka sinarado ang pinto.
Talagang gusto mong makipag bwisitan, fine. Lagot ka sa akin bukas, ang araw mo naman ang sisirain ko!
Sebastian's POV
Pumasok na ako sa kwarto at iniwan ko na siya sa sala. Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang laptop ko. Susubukan ko sanang gumawa ng Itinerary para sa buong buwan na pamamalagi ko rito pero bigla namang may nag send sa akin ng email kaya yuon muna ang inuna kong tignan.
Mahina ang signal dito pati na rin ang internet kaya swertihan na lang kung may pumasok na email sa akin. Paniguradong about sa trabaho ang laman ng email na 'to. Habang binabasa ko 'to bigla namang may kumatok sa pintuan ko pero hindi ko pinansin hanggang sa matapos kong mabasa ang laman ng email.
Lumapit ako sa pinto at hinintay kung muling kakatok kung sino man ang na sa labas ng pintuan ko pero malamang si Tin, lang 'yun dahil kanina pa umuwi sila Mang Teban at Aling Ester. Muli siyang kumatok at tinagalan ko pa muna bago siya pag buksan.
Para may thrill.
Ano kaya kung inisin ko muna siya? Pero bad idea 'yun baka palayasin pa niya ako dito at hindi malabong kaya niyang gawin 'yun. Sa reaction niya pa lang kanina habang kumakain kami at nung nag uusap na kami masasabi kong malaki pa rin ang galit niya sa akin. Baka nga maling galaw ko lang saktan pa ako nito. Pero hindi ko mapigilan yung sarili ko na inisin siya, ang cute niya kasi lalo kapag napipikon.
Nang buksan ko na ito medyo muntik na siyang mapasandal sa akin at buti na lang hindi niya nakitang nag pigil ako ng tawa.
Nakikinig ba siya?
Medyo nilamigan ko ang pakikitungo sa kanya para naman hindi siya mainis agad. Pinapasok ko siya habang ako naman bumalik lang sa inuupuan ko kanina, nag kukunwaring may binabasa kahit nabasa ko naman na ang laman ng email sa akin.
Pinakikiramdaman ko lang siya kung anong magiging reaction niya at once na nakita ko kung paano siya ma badtrip sa akin sign na 'yun na lalo ko pa siyang iinisin.
Ewan ko ba imbis na magulat parang may part sa sarili ko na natuwa ng makita siya, dahil all this time na nandito ako sa Coron, eh pag mamay-ari pala nila ito at ang pinaka nakakagulat pa ay kapatid niya pala si Carlo, na natalo sa pustahan namin.
Nakukwento na niya sa akin na may dalawa siyang kapatid na lalaki noon pero hindi ko naman kasi akalain na makikilala ko pala yung kapatid niya sa ganitong paraan, ang kilala ko lang kasi dati ay si Cedrick ang bunso niyang kapatid. Malaki raw ang galit sa akin nun dahil nalaman niya kung paano kami nag hiwalay ni Tin, yung palabas ko na panloloko sa kanya.
Ramdam ko na nag mamadali siyang hanapin yung bed sheet at kumot dahil sa ingay at dami na niyang nailabas na kung ano-anong mga gamit. Pero okay lang naman sa akin kung mas magtatagal pa siya at least mas matagal siya sa kwarto ko at paniguradong kumukulo na yung dugo niya sa nangyayari ngayon.
I-vi-video ko sana siya kaya lang bigla naman akong nakatanggap ng tawag. Talaga bang kung kailan hindi naman kailangan saka naman umayos yung signal.
Bwisit naman!
Si Kuya Jeks, ang pinsan kong Doctor. Tinawagan niya ako dahil doon sa sinabi ko sa kanya bago ako umalis about sa isang treatment na gusto kong gawin sa ibang bansa.
Lumabas muna ako ng kwarto dahil bukod sa pa wala-wala ang signal ayaw ko rin na may ibang makarinig ng pag-uusapan namin.
"Kuya Jeks, marami naman na ang sumubok ng ECT and okay naman yung result."
"So far okay yung result sa iba, pero paano kung hindi okay sa'yo at magkaroon pa ng komplikasyon! Baka mamaya imbis na bumuti yung pakiramdam mo, eh baka maging worst pa nga!"
"Look, Doctor ka kaya alam mo na ang mga ganitong bagay. Alam ko hindi naman 100% lahat ng kinalalabasan ng ganito pero may chance naman na maging successful yung sa akin."
"Teka nga kasi bakit ba naisipan mo yang ganyang bagay akala ko ba okay ka na?"
"Yun din ang akala ko pero simula nung dumating ako dito sa Pilipinas parang bumalik na naman sa dati, and this time parang mas naging worst pa nga and I really don't know kung bakit?"
"Stress ka na naman siguro? Oh baka inaabuso mo yung sarili mo sa kung ano-ano. Kailan ka ba uuwi? Ipapa schedule na kita kay Dra. Avellano.
"Kuya Jeks, wala ngang nangyayari sa treatment ko sa kanya kaya mag sasayang lang ako ng oras kung kikitain kung yung Doctor na 'yun!"
"Eh kasi hindi mo tinutulungan yung sarili mo kaya hindi nagiging successful yung therapy mo!"
"Noong na sa Italy ako bihirang mangyari 'to ngayon na lang ulit. Alam mo naman kung gaano ako nahihirapan 'di ba, kaya please pumayag ka na!"
"Sige, i-co-consider ko yung gusto mo but before that kitain mo ulit si Dra. Avellano or kung ayaw mo sa kanya mag papa schedule ako sa ibang Doctor."
"Fine. Pag-uwi ko usap na lang ulit tayo."
Medyo napatagal yung pag uusapan namin ni Kuya Jeks, pero pag balik ko sa kwarto nandoon pa rin si Tin, kahit medyo disappointed ako sa pag uusap namin kanina ni Kuya Jeks, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napapangiti pag nakikita ko siya.
Alam kong iirapan niya ako kung tatabi ako sa kanya pero sinubukan ko pa rin at tama nga yung na sa isip ko, kaya lumayo na lang ako at baka maihampas niya pa sa akin yung mga hawak niya.
Makapal din ang mga 'yun kaya for sure masakit kapag tumama sa akin.
Lumabas siya ng kwarto ko na hindi niya bitbit yung hinahanap niya. Medyo matagal na rin kasi siyang nandito kaya kahit hindi niya nahanap yung bed sheet at kumot umalis na lang ito. Siguro hindi na niya matiis na mag kasama kami sa iisang kwarto.
But at least mag kasama kami sa iisang bubong at yuon yung masaya roon!
Siguro na sama sa mga inalis kong gamit yung hinahanap niya. Nung dumating kasi ako dito nag hanap ako ng cabinet na pwedeng pag lagyan ng mga personal belongings ko at ibang mga damit. Hindi kaya kasama yung bed sheet sa nailagay ko sa pinaka taas ng cabinet?
Kinuha ko yung upuan na nakalagay sa tapat ng salaminan at tumuntong ako dito para tignan kung nasama nga ba ito sa mga gamit na nilipat ko. At tama nga ang pag kakatanda ko. Puro bed sheet, pillow case at mga kumot ang mga nailagay ko dito. Kumuha ako ng tig iisang pares at lumabas ng kwarto.
Ilang beses akong kumakatok sa kwarto niya pero ayaw niyang buksan kaya naman nilakas ko na lang ang boses ko para marinig niya, sigurado naman kasi ako na gising pa siya.
"Nahanap ko na yung mga bed sheet!"
"Ayaw mo ba?"
"Bahala ka mahirap matulog kung wala ang mga 'to or baka gusto mo talagang sa kwarto ko matulog!"
Sa wakas binuksan na niya ang pinto at as usual ang sama na naman ng tingin niya sa akin. Kukunin na sana niya ang mga hawak ko pero iniwas ko 'to sa kamay niya. "Tulungan na kitang mag lagay." Nginitian ko siya na walang halong ka pilyuhan o pang iinis pero hindi umipekto, "Hindi ako baldado kaya kayang kaya kong ikabit lahat 'yan!"
"Sungit naman, tutulungan na nga kita."
"Ayoko nga sabi 'di ba! Bakit ba ang kulit mo?!"
Alam kong kahit ipilit ko ang gusto ko alam ko naman na ayaw niya kaya hindi na ako sumagot pa at pumasok na agad sa kwarto niya at dumiretso ako sa kama at inalis muna ang mga naka patong dito.
"Huwag mo na akong sungitan, tutulungan lang kita kasi mabigat 'to and for sure kung ikaw lang gagawa nito baka matagalan ka."
Hindi na siya umimik pa at hinawakan na lang ang kabilang dulo ng bed sheet. Pag tapos sa bed sheet nilagyan naman namin ng punda ang mga unan.
Papayag din pala sinungitan pa ako.
Binilisan ko na para makapag pahinga na siya dahil alam ko naman na pagod din siya sa byahe at ayaw ko namang sagarin yung pasensya siya dahil alam ko na konting konti na lang yung natitira ngayong araw na 'to bukas na lang ulit para naman hindi siya masyadong ma drain.
"Okay na. Good night Tin, sweet dreams!"