Chapter 15

2364 Words
Sebastian's POV Totoo ba ang nakikita ko ngayon o namamalikmata lang ako. Bakit nandito siya, guess din ba siya dito, paano ba siya napunta dito? Ang daming tanong sa utak ko na alam ko naman na siya lang din ang makakasagot pero paano ko siya kakausapin? Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganito na para bang natutulala na lang ako bigla at halos manginig yung buong katawan ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko! Mukhang napansin yata ni Mang Teban ang naging reaction namin kaya habang naka upo nakatingin siya sa akin na para bang may gustong sabihin. Alam ko naman na iwas din ang tingin niya sa akin pero bakit parang hindi ako makagalaw tulad ng dati, kinakabahan ako sa harap niya. Inabutan ako ni Aling Ester ng kanin, "Seb, kain na." Nginitian ko siya saka ako tumango at hindi ko naman naiwasang mapatingin kay Tin, na nahuli kong nakatingin din sa akin, nag iwas lang siya ng tingin ng mag tugma ang mga mata namin. Malamang marami ring tanong sa isip niya ngayon. Vegetable salad, Laing, inihaw na Isda at Liempo. Masarap naman ang ulam except sa Laing na hindi ko masyadong kinakain pero si Mang Teban nilagyan ang plato ko ng Laing dahil the best daw mag luto si Aling Ester nito kaya kailangan kong matikman. Nakakahiya kung hindi ko man lang kakainin yung hinanda nila at nag effort pa si Mang Teban na lagyan ang plato ko ng ulam kaya wala akong choice kundi kainin na lang ito kahit hindi ko talaga gusto ang lasa. Pag tapos mag hapunan nanatili pa rin kaming naka upo sa hapag kainan. Tahimik sila na para bang ang lalalim ng iniisip. Bakit kaya? "Oo nga pala hindi ko pa kayo naipapakilala sa isa't isa. Seb, siya si Tin, ang anak ng may-ari nitong Villa." Tanging pag tango lang ang nagawa ko dahil blanko pa rin kasi ang isip ko hanggang ngayon. Pagkatapos ng sinabi ni Mang Teban, bigla na namang tumahimik ang lahat. Alam kong ramdam ng lahat ang medyo awkward na situation ngayon at alam ko rin na ang dami nilang gustong sabihin at itanong pero nauunahan lang sila ng hiya. Tumayo na ako at nag paalam na mag papahinga na. tumingin sila at nag simula na ring ayusin ang mga pinag kainan namin. Lumakad na ako papunta sa kwarto ng bigla namang may nag salita sa likuran ko, "Pwede ba tayong mag-usap?" Nilingon ko siya at wala itong kahit anong reaction, basta nakatingin lang din siya sa akin. Tumango ako bilang sagot at na una na siyang nag lakad, bago ko siya sundan nilingon ko muna ang kusina at wala naman akong nakitang tao dahil na una ng umuwi ang mga bata at si Mang Teban at Aling Ester naman siguradong inaayos ang mga pinag kainan namin kanina. "Anong ginagawa mo dito?" humarap ito sa akin habang naka halukipkip ang kamay at this time medyo nakataas na ang kilay niya. Ayan na nag lalabas na siya ng totoong emosyon. Kaswal ko naman siyang sinagot, "Vacation!" "At bakit dito? At teka nga bakit kilala mo yung Kuya ko?" Wait Kuya ba ang sabi niya? Si Carlo lang naman ang ka negotiate ko dito, so it means siya ang Kuyang tinutukoy ni Tin? "Kuya, sino si Carlo?" "Oo, sino pa nga ba?!" kung kanina nakataas na ang kilay niya ngayon naman halata na sa boses niya ang pag ka irita. Hindi ko alam pero imbis na mataranta katulad kanina parang nag eenjoy naman akong tignan siya na ganoon ang reaction, yung tipong nag pipigil ng inis. "Alam mo medyo malabo kausap yung kapatid mo kaya you better talk to him first tapos balikan mo na lang ako!" Aalis na ako ng bigla naman niyang hawakan ang braso ko. Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa akin saka ko siya nginitian ng nakakainis. Agad naman niya itong tinanggal pero may pag irap na kasama, "Saan ka pupunta?" "Mag papahinga!" Naka ngiting sagot ko. "No, you stay here!" Nakita kong tinatawagan niya ang kapatid niya kaya nag hanap na lang muna ako ng ma-uupuan. Medyo mahaba rin ang magiging usapann nila at for sure mag aaway ang mag kapatid na ito. Nilabas ko rin ang cellphone ko para tignan ang mga nakuhahan ko kanina gamit ito pero na una kong tinignan ang message sa akin. Galing sa mga kasama ko sa trabaho, sa kapatid ko at sa makulit kong follower. @CedCor Bayaw! @SDM_Gallery Hindi na future bayaw? @CedCor Oo ngayon lang wala kasi akong magawa dito wala ang ate ko. @SDM_Gallery Ah, wala kang mapag tripan kaya ako ang kinukulit mo ngayon. Na saan ba ang wife ko? @CedCor Wow, SDM lang malakas! Wife agad? @SDM_Gallery Haha, sinakyan ko lang trip mo! @CedCor Ilang oras mo i-ne-edit mga picture na kinuhanan mo? @SDM_Gallery Depende sa mood ko. Tingin ko ngayon hindi ako makakapag edit! @CedCor Bakit? @SDM_Gallery May situation kasi dito sa tinutulayan ko! @CedCor Hindi ba maganda? @SDM_Gallery Actually ang ganda niya. I mean medyo complicated lang, dumating kasi yung may-ari ng tinutulyan ko at hindi niya alam na may tumutuloy pa lang guess dito. @CedCor Eh, na saan ka ba? @SDM_Gallery Secret! @CedCor Ang daya! @SDM_Gallery Eh, ang ate mo na saan ba siya bakit wala dyan sa inyo? @CedCor Secret din para it's a tie! Kaya siguro nag kasundo kami ng batang 'to parehas kasi kami ng humor? Hindi ko napansin na kanina pa pala tapos makipag usap si Tin, sa kuya niya at kasalukuyan na pala akong nag aapoy dahil sa mga tingin niya. "Ayaw sabihin sa akin ni Kuya kung bakit ka nandito, baka naman pwede mong sabihin sa akin kasi wala akong idea kung bakit kailangang ikaw pa yung madadatnan ko dito?" Syempre hindi sasabihin ng Kuya mo ang kalokohang ginawa niya. "Kung ayaw niya hindi ko rin pwedeng sabihin sa'yo!" pansin kong lalo na siyang naiinis, at lalong nanlilisik ang mata niya sa akin. "Ah talaga ba? Siguro kasama mo siya sa mga kagaguhang ginagawa mo!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Saan kaya galing yung idea na 'yun? "Kung wala ka ng sasabihin papasok na ako sa loob." "So paano share tayo dito sa bahay?" Nilingon ko ang paligid saka ko siya sinagot, "Malamang, pero ikaw kung gusto mong matulog dito sa labas okay lang naman sa akin." Sabay ngiti. Tutal naman sinabihan niya ako na puro kagaguhan ang ginagawa totohanin ko na lang kaya ngayon. "Alam mo hindi ka nakakatulong!" "Bakit sino ba nag sabing tutulong ako sa kung ano man ang nasa isip mo ngayon! Wala akong problema sa pag tira dito at kung ikaw meron, eh di lumipat ka na lang I heard may transient kayo dito so baka pwedeng doon ka muna mag stay. Ayaw ko kasi ng maingay!" "Ang kapal mo rin para i-suggest sa akin 'yan. Kami ang may-ari nito kaya kung may aalis man ikaw dapat 'yun!' "Eh, di tawagan mo si Carlo sabihin mo sa kanya na aalis na ako kasi wala naman akong karapatan dito lalo na sa may ari nitong Villa! Guess lang naman kasi ako dito!" "At talagang pinantakot mo pa sa akin si Kuya Carlo?!" "Of course not, I'm just giving you an option. Kapag napapayag mo si Carlo, aalis ako dito kahit ngayong gabi rin!" Tinitigan lang ako ni Tin, na halatang galit na galit na. Medyo na apektuhan din ako sa mga sinabi niya kaya nadala rin ako sa pang iinis sa kanya at medyo tumaas din ang tono ng boses ko! Sinusubukan kong hulaan kung ano ang sunod niyang sasabihin pero mukhang naubusan na siya kaya muli sinubukan ko ng um-exit. "Saan ka na naman pupunta, nag uusap pa tayo!" "Hindi naman tayo nag uusap, inaaway mo ako. Masyado mo yata akong na miss!" Kumindat pa ako sa kanya na lalo niyang kinabwisit. "Tigil tigilan mo 'yang ginagawa mo at baka mamaya may makakita sa'yo baka kung ano pa isipin nila!" "Sila ba or ikaw?" Nakita kong nag pipigil na siya dahil naka kuyom na ang dalawa niyang kamao, sigurado ako kung wala dito sila Mang Teban, baka na sapak o nasabunutan na ako nito. "Bukas, kailangan mo ng lumipat ng tutuluyan ako na ang mag hahanap para sa'yo! Nakakahiya naman kasi!" Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang no. ni Carlo, nang sagutin na niya ito pinindot ko naman ang speaker saka ako nag salita. Hind naman kasi pwedeng mag patalo na lang ako sa kanya at saka wala sa usapang pinirmahan namin na tutuloy ako sa ibang hotel. "Carlo, ihahanap daw ako ng kapatid mo ng lilipatan bukas kaya baka ma pa aga yung uwi ko at alam mo na siguro yung next move!" "Te-teka lang kinausap ko na siya, 'wag kang aalis dyan nabigla lang yung kapatid ko kaya pag pasensyahan mo na lang muna." Kung alam niya lang malapit ng mag buga ng apoy yung kapatid niya. Mag sasalita na sana ako ng bigla namang makisabad si Tin. "Kuya naman bakit ba ayaw mong palipatin 'tong lalaking 'to. Ako na ang hahanap ng lilipatan niya huwag lang siyang mag stay dito!" "Teka na ka speaker ba ako? Bakit parang sa tono ng pananalita niyo parang... mag kakailala ba kayo?" Nag katinginan kami ni Tin, nangiti naman ako sa tanong ni Carlo, kung alam niya lang hindi lang kami basta mag kakilala, mag ex pa kaming dalawa. Inagaw nito ang cellphone ko at saka lumakad palayo. Hinayaan ko lang siya at i-ne-enjoy na lang ang nangyayari nagyon, kahit ano pa kasi ang sabihin niya hindi ako aalis dito at hindi rin papayag si Carlo na umalis ako pwera na lang kung kaya na niyang mag bayad ng One Hundred Thousand. Pag tapos nilang mag usap bumalik na siya at inabot ang cellphone ko. Sa itsura ng pag mumukha niya mukhang may nanalo na at ako 'yun! "Huwag kang gagawa ng kalokohan dito kundi ako mismo mag papa barangay sa'yo!" "Oops, ako yata ang dapat mag sabi sa'yo niyan kasi hindi naman ako taga rito at baka mamaya pag samantalahan mo ang pagiging inosente ko." Sabay pilyong ngumiti sa kanya. "Wow, ang kapal mo naman! Ikaw inosente, saang banda?" Inirapan na naman niya ako sabay lakad papasok. Pinipigilan niya akong pumasok kanina pero iniwan naman niya ako dito sa labas ngayon. Ganyan ba dapat tinatrato ang guess nila? Tsk tsk... Celestine hindi ka pa rin talaga nag babago, saksakan ka pa rin ng sungit! Sa huli wala rin siyang nagawa kundi pumayag na mag stay ako dito. Hindi sinabi ni Carlo, ang about sa pustahan namin dahil katakot takot na sermon ang aabutin niya kay Tin, pag nag kataon. Pag balik ko sa loob na abutan ko sila Mang Teban na nag papaalam na kay Tin, dahil lumalalim na rin ang gabi at maaga rin ang trabaho nila bukas. Nginitian ko sila at kumaway rin ako para mag paalam nilingon naman ako ni Tin, saka umirap na naman bilang ganti nginitian ko naman siya. "So paano mag papahinga na ako, ikaw na bahalang mag lock ng mga pinto dapat ma secure mo ang safety ng guess mo." Kinindatan ko pa siya bago ako pumasok sa kwarto ko. Beautiful island, delicious food, photogenic town with my ex girlfriend, excting ‘to! Balak ko sanang mag edit ng mga picture pero na distract ako. Puro si Tin, lang ang na sa isip ko and I never imagine na makakasama ko siya sa iisang bubong na kami lang dalawa. Ano kayang ginagawa niya, tulog na kaya siya o baka iniisip niya rin ako? Lalo yata akong hindi makakatulog nito kasi naman after ng pag-uusap namin kanina or should I say pag tatalo namin kanina hindi na siya maalis sa isip ko lalo na yung inis na inis niyang reaction kapag nginingitian at kinikindatan ko siya. Sa pagkakatanda ko nakita ko siya noong graduation ng college at yuon na yata ang huli. Sobrang ganda at elegante niyang tignan sa ayos at suot niyang dress pero pansin ko sa mukha niya na parang hindi naman siya masaya dahil kaya sa... Never mind Seb, ‘wag mo na ngang balikan ang ginawa mong kalokohan noon! Dahil ang taas pa ng adrenalin rush ko naisip kong mag bukas ng social media account pero this time Twitter naman at hindi i********:. Gusto kong malaman ang opinion at reaction ng mga tao sa tanong ko at kung nakakarelate din ba sila sa situation ko ngayon. @SDM1992 How would you react when you see your ex girlfriend for the longest time? HarleyDC @Haha2332 Replying to @SDM1992 I'll say hi, then flip my hair then say bye! Oh, 'di ba taray. Halatang hindi pa naka move on! ? Lara Esteves @Narnia00 Replying to @SDM1992 Casual lang, chill ka lang para hindi mahalata na hindi ka pa nakaka move on sa kanya. Dex Gov @DexGOV Replying to @SDM1992 Hug and kiss para ma shook siya tapos sabay alis na parang walang nangyari. Advice lang, bilisan mo ang takbo at baka may sampal nang naka abang sa'yo. Haha! Malamang! Baka nga mahataw ka pa ng hawak niya! Beatrize Chan @BeaChan Replying to SDM1992 Baka mabitawan ko kung ano man ang dala ko lalo na kung may nararamdaman pa talaga ako doon sa tao, basta wag ko lang makikitang may kasama rin siyang iba baka mapa sayaw na lang din ako ng "It really hurts" ala mimiyuuuh Jeffrey Park @JeffPark Replying to @SDM1992 Based on my experience sobra yung kaba ko noon at hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko siguro kasi may gusto pa ako sa kanya that time. Pero kung wala ka ng feelings para sa kanya parang wala lang, parang ordinaryong kakiala lang ang nakita mo. So, ano 'to may nararamdaman pa ako sa kanya dahil kinabahan at parang na blanko yung utak ko kanina? Pero hindi naman kami mag ka parehas kaya baka normal lang din yung naramdaman ko! I guess? Cherry Bellez @CherryBee Replying to @SDM1992 Shocks bakit ganoon ang gwapo pa rin niya, yummy pa rin! Literal na reaction ko yan ng makita ko yung ex ko. Haha! ? Wesley Santos @WesleySGreat Replying to @SDM1992 Yung na attract pa rin ako sa kanya kahit na hindi maganda yung naging break up namin. Tapos yung pakiramdam na gusto mo siyang kausapin pero parang ayaw mo kasi baka deadmahin ka lang niya. Aminado ako na nag cheat ako sa kanya noon at sobrang pinag sisisihan ko 'yun. Feeling ko that time hindi pa niya ako napapatawad kasi iwas pa yung tingin at kilos niya sa akin! Exactly! Yung totoo parehas ba tayo ng pinagdaanan? KelvinDG @DGKelvin Replying to @SDM1992 Papa impress ako para naman mapansin niya na nag bago na ako! 'Wag ganon dude! Feeling ko hindi uubra yung ganyan lalo na kung si Tin, ang ex mo! France Medina @FranceM Replying to @SDM1992 Kalma lang at kumilos ng normal para sa ika-uunlad ng ekonomiya! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD