Chapter 36 Part 1

2622 Words
Celestine's POV Parang kulang pa rin yung tulog ko kahit na tanghali na akong nagising. Bumangon ako saka sumandal sa head board ng kama habang minamasahe ang ulo ko. Para kasing mabibitak yung ulo ko sa sobrang sakit. Nang tanggalin ko na ang kumot para tumayo nakaramdam ako ng kirot sa kaliwang paa ko at pag tingin ko may pasa na ito at medyo namamaga pa. Saan ko ba nakuha 'to? Na sobrahan ba kami sa pag paparty kagabi? Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at ng pinindot ko na ang lock botton niya wala namang lumalabas sa screen at nanatili itong kulay ito. Deadbat na pala, kinuha ko ang charger at iniwan muna itong nakasaksak malapit sa kama ko. Lumabas ako ng kwarto para kumain pero patapos na sila Aling Ester ng madatnan ko sila. "Good morning este good afternoon na pala ate Tin." Pabirong bati sa akin ni Rocco. Ngumiti ako saka ginulo-gulo ang buhok niya, "Wala ka bang pasok?" tanong ko. Bigla namang dumating si Seb kaya nabaling ang atensyon ni Rocco sa kanya at hindi na nasagot ang tanong ko. Tumayo pa nga ito para salubungin ang kuya Seb niya. "Kuya Seb, sama ka sa amin bukas." Sa itsura ni Seb parang kakagising niya lang din tulad ko, siguro nag puyat na naman siya kaya laging late nagigising. "Saan ang lakad?" tanong ni Seb, sabay upo sa tapat ko. "Island hopping po." Tumingin ito sa akin saka tumango, "'Di ba ate Tin?" "Kasama ako?" tanong ko. "Opo." "May natira pa kasing pera sa budget nung birthday party mo kaya naisipan naming mag island hopping naman tayo para masulit yung pananatili mo dito. Kaya Seb sumama ka kasi wala ka nung birthday ni Tin." Paliwanag ni Aling Ester. Tipd namang ngumiti si Seb, "Naku po may na ka schedule po kasi akong tour bukas at island hopping din po 'yun kaya lang sa ibang Isla at medyo may kalayuan." Nag dahilan pa, baka nga ayaw mo lang talagang sumama. Tss! "Sayang naman kuya. Wala ka na nga nung birthday ni ate Tin, tapos pati bukas hindi ka rin makakasama." "Okay lang 'yun Rocco, at saka guest natin si kuya Seb mo kaya for sure may iba rin siyang lakad kaya hayaan na lang natin siyang ienjoy yung buong Coron." Nginitian naman ako ng loko, na misinterpret niya yata yung sinabi ko. Na pa buntong hininga naman si Rocco dahil sa pag ka dismaya, "Promise mo next time sasama ka na ha!" Hinawakan ni Seb ang ulo niya, "Opo, kuya Rocco." Sabay kindat. Habang kumakain napapansin kong pabalik balik ng tingin sa akin si Seb, kaya naman parang naiilang tuloy akong kumain at kahit natapos na kami at naligpit na rin ang kinainan namin patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Ano bang problema nito?! "Bakit ba?" iritadong tanong ko. "Masakit ba yung ulo mo?" tanong niya. Masyado bang obvious? Eh samantalang iniiwasan ko na ngang hawakan yung ulo ko kahit sobrang sakit na nito. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko yung tanong niya o hindi ko na lang siya papansinin. "Free ka ba mamaya, pwede ba tayong mag usap?" Ang seryoso ng itsura niya medyo kinabahan tuloy ako. Ano kaya yung sasabihin niya o pag uusapan namin? Wait. Hindi kaya about doon sa nangyrai sa amin sa bar? Kung yuon ang dahilan bakit naman ngayon niya lang i-oopen sa akin 'yun 'di ba dapat nung una pa lang namin na magkita dito inopen na niya yung topic na 'yun sa akin? "Gusto ko sanang matulog mag hapon kaya next time na lang siguro." "Pero importante kasi—" "Kung importante 'yan, eh 'di ngayon mo na sabihin." Nilapit niya yung mukha niya sa akin at kaliwa't kanan siyang lumingon kaya nahawa na rin tuloy ako, "Sigurado ka kahit marinig nila Aling Ester at Rocco, okay lang sa'yo?" Shit! Mukhang yung nangyari nga sa bar yung tinutukoy niya! Bakit ba kasi ngayon pa niya gustong pag usapan 'yun kung kailan naman masakit yung ulo ko at pagod yung katawan ko. "Hindi! Pwede bang mamaya na lang after ko mag pahinga para kasing bibitak yung ulo ko sa sakit." Tumango ito sabay tayo. Ako naman nakatingin lang sa kanya. "Party girl ka kasi kagabi!" bulong niya sabay lakad papunta sa sala. Napatakip naman ako sa bibig ng mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. "Tin, anak ma una na muna kami ni Rocco." Tumango lang ako habang nakatuon ang atensyon sa lamesa. Parang napako yung mata ko at na freeze naman ang utak ko dahil sa sinabi ni Seb. Nasaan ba siya kagabi? Nakita niya kaya kami nila Chari na nag iinuman? Teka paano ba akong naka uwi at sino ang nag hatid sa akin? No! Hindi pwede. Malabong mangyari na siya ang kasama ko kagabi. Malabo 'yun! Tumayo agad ako at pumunta sa sala, nadatnan ko naman na abala si Seb na nakangiti habang nakatitig sa cellphone niya kaya umalis na lang ako at hindi na siya tinanong. "May sasabihin ka ba?" Na pa sigaw pa ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko, "Chill. Ako lang 'to." Sabi niya sabay sandal sa gilid ng pinto ko. "Alis dyan!" "Sungit naman, nakita kitang nakatayo kanina sa gilid ko. May gusto ka bang sabihin?" Ang lakas makayabang nang itsura niyang nakangiti at naka halukipkip pa habang nakasandal sa pinto. Ewan ko ba at bigla akong nainis sa pag mumukha niya. "May itatanong sana ako kaya lang nakalimutan ko na. Happy? Alis na dyan!" Binuksan ko na ang pinto at papasok na sana kaya lang hinarang naman niya ang braso niya. Bwisit talagang lalaki 'to, kung kailan talaga wala akong sa mood makipag bwisitan sa kanya doon naman niya sinusubok ang pasensya ko! "Hindi naman ako aalis ngayon kaya kapag may kailangan ka kumatok ka lang sa kwarto ko." Ngayon naman para siyang mabait na kaibigan na nag ooffer pa ng tulong sa akin pero hindi ko kailangan ng tulong o companion dahil ang gusto ko lang talagang gawin ngayon ay matulog. Binuksan ko ang phone ko at iniwan ito sandali. Aayusin ko sana yung mga damit na gagamiti ko ngayon pero napahinto ako dahil biglang nahagip ng mata ko na maayos na nakatiklop ang mga damit na sinuot ko kagabi. Tumayo ako at pinagmasdan ang mga ito. Hindi naman ako nag titiklop ng mga nagamit ko na at lalong lalo namang hindi ko gagawin 'yun kung nakainom ako... So sino ang nagtiklop ng mga 'to? Si Aling Ester or baka si Chari? Bumalik ako sa kama at hinugot muna ang cellphone ko mula sa charger. Tatawagan ko sana si Chari pero message niya ang unang bumungad sa screen ng phone ko kaya binasa ko na muna ito. Habang nagbabasa naglakad na ako papunta sa banyo para sana umihi pero napahinto ako ng mabasa ko ang mga message niya na nag pa gulantang sa isip ko. Umorong yata pati ang ihi ko! Jusko po parang gusto ko na lang mag tago sa ilalim ng kama! From: Chari Morning besh! Gising ka na ba? 8:22 am Chari Tin, text or tawagan mo ako pag ka gising mo. May nakalimutan kasi akong kunin sa inyo ni Seb, kagabi. 10:23 am Kukunin? Sa amin ni Seb? Chari Huy! Okay ka lang ba, wala naman bang ginawang kalokohan yung ex mo sa'yo kagabi? 11:45 am So, magkasama nga kami kagabi? Chari Napano na ba kayong dalawa? Sumagot ka kaya at mababaliw na ako kakaisip! Or else ako mismo ang pupunta dyan para icheck ka! 12:10 pm Chari Hoy, 'wag mong sabihin na galit ka kaya iniignore mo message ko. Sorry na may inasikaso kasi ako kagabi kaya hinayaan ko nang si Seb ang mag uwi sa'yo at total naman same lang kayo ng uuwian. 12:34 pm Parang nanigas yung mga paa ko sa kinatatayuan ko at nanlamig ang buong katawan ko. Lalo yatang sumakit yung ulo ko dahil sa mga nabasa ko. Tin, bilisan mong mag isip at alalahanin ang mga nangyrai kagabi. Bakit si Seb yung nag uwi sa akin at bakit din siya napunta sa restaurant ng uncle ni Chari. Paano ba siya napunta doon? Ano ba namang buhay 'to, palagi na lang bang kasama si Seb sa lahat ng nangyayari sa akin? Ano bang mayroon sa kanya at kahit wala naman na kaming koneksyon sa isa't isa lagi naman siyang konektado sa nangyayari sa akin? Bakit ba kasi hindi maalis-alis sa buhay ko ang Sebastian Del Mundo na 'yan?! Habang tumatagal nararamdaman ko naman na parang nanghihina ang mga tuhod ko kaya nag kusa na lang akong napa upo sa sahig. Jusko po ano bang ginawa mo Tin. Binitawan ko ang phone ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Gustong gusto ko nang sumigaw kaso lang nandyan si Seb sa kabilang kwarto at tiyak na maririnig niya ako at pag nagka ganoon siguradong mag pupumilit na pumasok 'yun dito at ayaw kong mangyari 'yun. Ayaw ko siyang makita ngayon hangga't hindi ko naaalala yung mga ginawa ko kagabi. Baka kaya kanina pa siya tingin ng tingin sa akin kasi may ginawa na naman akong hindi maganda kagabi, 'wag naman sana yung na sa isip ko. Hind ko naman siguro siya hinalikan o tinangkang halikan? Hindi naman siguro. Mag tiwala ka sa sarili mo Tin. Bumalik ako sa kama at pabagsak na nahiga. Habang nakatingin sa kisame pinipilit ko namang balikan ang mga nangyrai kagabi at ang huli kong natatandaan ay yung nilaro naming truth or consequence. Wala namang kakaibang nangyari sa laro 'yun dahil sa pag kakatanda ko si AJ ang gumawa ng consequence na inutos naman ni Chari. Kung tawagan ko kaya si Chari at siya na mismo ang tanungin kung ano ang nangyari kagabi? Magandang idea ba 'yun o baka mas lalo lang gumulo yung isip ko? Lahat na yata ng sitting at lying posisyon, eh nagawa ko na pero wala pa ring sumasagi sa isipi ko kahit man lang sana konting scene lang sa nangyari kagabi pero wala as in sabaw yata ako ngayon. Kapag natulog siguro ako at na pahinga ang isip ko baka sakaling maalala ko na o baka mapaginipan ko pa nga... pero nawala na yung antok ko dahil sa mga nabasa ko, so paano ako matutulog ngayon. Kung pumayag na kaya akong mag usap kami ni Seb at baka siya pa mismo ang mag kwento kung ano yung nangyari kagabi... pero bad idea 'yun, if ever kasi na may nagawa nga akong hindi ka nais nais sigurado akong gagawin niyang bala 'yun para bwisitin ako. Ano ng gagawin mo ngayon, Tin? Muli akong humiga saka pinikit ang mata ko, nag babakasakaling dalawin ulit ako ng antok. **** From: Chari Tin, kukunin ko sana yung singsing na pinasuot ko sa inyo kagabi at baka halughugin na ni Mama yung Jewelry box niya alam mo naman 'yun pagdating sa alahas kahit maliit lang tanda niya pa rin, baka mag hysterical si Mama kapag nalaman niyang nawawala yung dalawa sa paninda niya at siguradong katakot takot na mura ang aabutin ko. 8:06 pm Chari Celestine Cortez, buhay ka pa ba? Ipapakuha ko bukas yung singsing, paki sabi rin kay Seb, wala kasi akong number niya. 9:10 pm Minulat ko ng mabuti ang mata ko kahit na sobrang hapdi nito dahil na rin sa liwanag na nanggagaling sa screen ng cellphone ko, kinuskos ko pa nga ng pa ulit-ulit ang mata ko dahil sa nabasa kong message ni Chari na about sa singsing. Singsing? Sa amin ni Seb? Dahan dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama, pagkatapos tinignan ko ang dalawa kong kamay at laking gulat ko dahil may suot suot nga akong singsing... pero bakit ngayon ko lang napansin? Kagabi ko pa ba suot ito? At bakit pati si Seb kasali sa usapan regarding sa singsing na 'to? Tin: Sorry late reply ulit, kakagising ko lang kasi 10:16 pm Hindi ko pa natatapos ang irereply ko kay Chari, tapos aksidente ko pang napindot ang send button kasi may biglang nag pop up sa isip ko. "Akala ko okay na ako, akala ko kaya kong kontrolin yung nararamdaman ko pero mali ako. Bakit kasi nagpakita ka pa sa akin, bakit kasi kailangan pa tayong mag kita ulit. Ginugulo mo na naman yung buhay ko. Ayaw na kitang makita... pero hinahanap pa rin kita kapag wala ka..." Anong klasing s**t yung ginawa mo kagabi Tin? Napahagod na lang ako sa ulo ko dahil kahit anong gawin ko sunod sunod ng naaalala ng isip ko yung mga pangyayari. Simula nung dumating siya at ang kunwari naming kasal hanggang sa paglalakad namin sa kalsada at yung pag-aya ko sa kanyang sumayaw. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko at hindi ko na rin alam kung kailan ako matitigil sa pag lalakad. Pakiramdam kasi ng katawan ko kung hindi siya gagalaw baka bigla na lang akong mag collapse dito. Kailangan kong irelease itong stress na nararamdaman ko ngayon. Lumakad ako papunta ng banyo para mag hilamos pero ng makita ko ang bowl parang nag kusang manghina ang mga tuhod ko. "Ano ba! Mainit at saka may konting suka yung damit ko." "Hindi ka pwedeng mag hubad sa harap ko!" "Problema ba 'yun, eh di tumalikod ka!" "Ikuha mo ako ng short!" Salo-salo na yung emosyon na nararamdaman ng buong katawan ko at parang hindi na nga tinatanggap ng sistema ko yung iba dahil sa patuloy na pag pasok ng mga nakakahiyang ginawa ko kagabi. Kaya pala iba na yung suot ko ng magising ako. Wala naman siguro siyang nakita dahil tanda ko naman na tumalikod siya... pero yung pag sabit ko ng bra sa balikat niya, yuon ang pinaka nakakahiya sa lahat! Inalalayan niya ako na nakatanggal na yung bra. s**t! Kapag iniisip ko parang kinikilabutan yung katawan ko, para kasing wala na rin akong saplot nun kahit pa may suot akong damit. Paano pa ako haharap sa kanya ngayon kung sobrang nakakahiya yung ginawa ko kagabi. Imagine doing those crazy things to your ex, parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto at lalabas na lang ako kapag naka-uwi na siya ng Manila. Chari: Kung nahihiya kang kunin yung singsing kay Seb, forward mo na lang yung number niya sa akin at ako na mismo ang tatawag sa kanya. 10:34 pm Paano ko naman gagawin 'yun, eh wala nga akong number niya. Tin: Chariiiiiiii! 10:34 pm Chari: Bakit? 10:35 pm Chari: Gaga ka 'wag mo nga akong pinag aalala. Anong nangyari sa'yo? 10:35 pm Tin: May katangahan na naman akong nagawa kagabi ;( 10:36 pm Chari: Shemay ka, 'wag mong sabihin na binigay mo yung perlas ng silanganan sa kanya? 10:37 pm Kung alam mo lang naibigay ko na sa kanya bago pa man kami magkita ulit dito. Tin: Gags hindi 'yun. Ang dami kong kabaliwan na ginawa kagabi at sigurado akong aasarin niya ako nang dahil doon. 10:37 pm Chari: Naku po patay tayo dyan! Huwag ka na lang sigurong masyadong magpapakita sa kanya. Umiwas ka muna para iwas kahihiyan din! 10:38 pm Tin: Sa sitwasyon namin ngayon sa tingin mo ba maiiwasan ko siya? Hoy anong gagawin ko??? 10:39 pm Chari: Mag kunwari ka na lang na may hang over pa or mag panggap ka na may amnesia kahit one whole day lang para makapag isip ka ng pwede mong gawin para maalis sa isip niya yung ginawa mo kagabi. Teka gaano ba nakakahiya yung mga pinaggagagawa mo kagabi? 10:40 pm Tin: Kwento ko na lang sa'yo next time kapag kaya ko na ulit balikan. Pero ano naman yung sasabihin kong reason? Chari, ampunin mo na lang muna kaya ako habang nandito pa siya. Promise tutulong ako sa resto mo, mag uurong ako o kaya mag lilinis... 10:42 pm Chari: Gaga ka baka pag kamalan akong siraulo dito, tawa ako ng tawa sa mga pinagsasabi mo. Harapin mo na lang kasi siya, sabi nga nila the more na umiiwas ka sa ayaw mong mangyri mas nilalapit naman ito sa'yo. Kaya lunukin mo yung hiya mo at kapalan ang mukha para if ever man na aasarin ka niya at least handa ka. Hindi na nga kita aayaing uminom next time at pati ako nawiwindang sa mga sinasabi mo. 10:43 pm Tin: Ayaw mo ba talaga? Kahit hindi mo na ako swelduhan basta dyaan muna ako sa'yo. 10:44 pm Chari: Haha, gaga ka talaga! May transient kayo remember? 10:45 pm Tin: Gagi ka sa tingin mo ba papayag akong mag pa alila sa'yo kung may vacant pa sa transient namin. 10:45 pm Chari: Haha, sabi ko nga. Hoy may trabaho pa ako kaya bye na muna. Goodluck sa pagkikita niyo. Hihi! 10:45 pm
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD