Chapter 35 Part 2

1424 Words
"I found the love for me, Darlene, John Kyle, Pauline, Paolo, Mylene, I found a girl beautiful and sweet—" Hindi na niya natuloy pa ang kinakanta niya nang dahil sa kakatawa at napabitaw na rin siya sa akin habang pa suray suray na nag lalakad pabalik sa couch. Sumandal ulit ito saka pinikit ang mga mata. Tumabi naman ako malapit sa kanya at pinagmamasdan lang siyang mabuti. "Hinintay kita pero hindi ka nag pa kita, pinagtabi pa nga kita ng pag kain kahit hindi mo man lang naalala yung birthday ko! Ang sama mo!" Kahit nakapikit nakuha pa nitong tapikin ang mukha ko kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya at baka sa susunod na mag landing sa mukha ko 'to, eh magkaroon na ng marka. "Galit ka ba sa akin dahil hindi ako dumating nung birthday mo o dahil hindi kita nabati?" "Both! Bwisit ka!" "Galit ka sa akin pero pinag tabi mo ako ng pag kain?" "Oo, baka kasi isipin mo dahil hindi mo ako binati kaya wala na akong pakialam sa'yo!" "Sabi nila hindi raw nag sisinungaling ang mga lasing kaya pwede ba akong mag tanong sa'yo?" "Gagi, kahit hindi ako lasing totoo yung mga sinasabi ko, ikaw lang naman yung sinungaling at manloloko dito!" "Galit ka pa rin ba sa akin?" Nag mulat siya saka tumingin sa akin. Malamlam at puno ng emosyon hindi katulad kanina na parang hirap na hirap siyang imulat ang mga mata niya. "Akala ko okay na ako, akala ko kaya kong kontrolin yung nararamdaman ko pero mali ako. Bakit kasi nag pakita ka pa sa akin, bakit kasi kailangan pa tayong mag kita ulit. Ginugulo mo na naman yung buhay ko. Ayaw na kitang makita... pero hinahanap pa rin kita kapag wala ka..." Hinawakan ko ang pisngi niya saka ito hinaplos, "Halos lahat na ng santo noon tinawag ko na para lang isumpa ka dahil sa sobrang galit ko sa'yo at ang sakit na pinaramdam mo. Mahal kita ng sobra Seb, pero bakit nagawa mo pa rin akong lokohin—" "Alam ko naman kung gaano mo ako kamahal at ramdam ko rin 'yun. Mag-uusap tayo kapag okay ka na at sasabihin ko sa'yo lahat at wala na akong itatago pa sa'yo." Napayuko siya at kasabay naman nun ang pag tulo ng luha niya na pumatak naman sa braso ko. Lumapit pa ako sa kanya at hinaplos ang mag ka bilang pisngi niya. "Huwag ka ng umiyak Tin, please. Ayaw kong nakikita kang malungkot." "Pinipigilan ko naman pero ayaw talaga nilang tumigil sa pag-agos." Hindi naman siya nag papatawa pero medyo nakakatawa yung way niya ng pagsasalita. Hinalikan ko siya sa noo at saka niyakap. "Natatandaan mo ba nung nag kasalubong tayo sa canteen kasi ako tandang tanda ko pa kung paano mo ako balewalain. Para akong hangin lang na dumaan sa harapan mo na hindi mo man lang kayang tignan kahit sandali. Alam mo bang pagkatapos nun dumiretso ako sa C.R. dahil hindi ko na kayang pigilan yung mga luha ko, kasi sobrang sakit nun para sa akin Seb. Ikaw yung naging sandalan ko nung panahong may kinakaharap na financial problem yung pamilya ko tapos bigla kang nawala kung kailan mas kailangan kita, alam mo ba simula noon hindi na okay yung marriage nila Mama at Papa at lagi na rin silang nag-aaway and now they are free from each other, hiwalay na talaga sila. Literal na hiwalay." Ramdam ko na yung pamamasa ng balikat ko dahil sa walang tigil niyang pag luha. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong sabihin o gawin para humupa na yung pag iyak niya at natataranta na rin ako dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito katagal. Binitawan ko siya saka ko pinunasan ang mga luha niya, "Sana totoo ka na lang." sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, "Sana ikaw pa rin yung Seb na mahal ko. Sobrang na miss kita. Huwag mo na akong iiwan ulit." Jusko po kung ipagpapatuloy niya pa ang mga sinasabi niya baka hindi na ako makapag pigil at makagawa ako ng kasalanan ngayong gabi. Iba si Tin sa lahat ng mga babaeng nakasama ko, hindi siya tulad ng iba na pwede mong gawin ang kahit ano na hindi sila mag rereklamo. Hindi siya easy to get tulad ng iba. Alam kong matagal na pero ang lakas pa rin ng impact niya sa akin, pakiramdam ko parang kahapon niya lang ako sinagot at ngayon pa alng kami nag uumpisang maging official na mag boyfriend at girlfriend. Yung excitement nandoon pa rin at parang mas dumoble pa dahil sa tagal naming hindi nagkita. Parang gusto ko na lang na 'wag nang matapos ang gabing 'to. Na miss ko yung Celestine na malambing at clingy. Na miss kong magkaroon ng girlfriend! Ilang sandali pa tuluyan na siyang nakatulog sa mga bisig ko at ilang sandali rin ang pinalipas ko para titigan siya ng malapitan at sulitan ang pagkakatong mahawak at mayakap siya. Sigurado bukas pag gising niya hindi ko na ito magagwa sa kanya at sigurado namang hindi na niya gagawin sa akin ang mga nagawa niya kanina. Binuhat ko siya papasok sa loob ng kwarto niya at ng akmang ihihiga ko na ito bigla naman siyang nagising at tinakpan ang bibig. "Nasusuka ako." Dinala ko siya sa banyo at habang hirap na hirap na sumusuka hawak ko naman ang buhok niya at hinihimas ang likod nito. "Kaya mo pa ba? Upo ka muna dito ikukuha kita ng tubig." Binaba ko ang takip ng bowl at doon siya iniwang naka upo. Bumalik ako na may bitbit na malamig na tubig at nadatnan ko naman na nakayuko siya at sinusubukang tanggalin ang damit pang itaas niya. Agad kong binaba ang hawak kong baso at pinigil siya sa ginagawa niya bago pa kung ano ang makita ko na hindi dapat. "Ano ba! Mainit at saka may konting suka yung damit ko." Paliwanag niya. "Hindi ka pwedeng mag hubad sa harap ko!" "Problema ba 'yun, eh di tumalikod ka!" Sabay tulak sa akin. Humarap naman ako ka agad sa kanya, "Time out muna. Huwag mong huhubarin yung damit mo hanggat hindi ako bumabalik. Malinaw ba?" Ma awtoridad na utos ko. Nginitian naman ako nito saka tumango. Bumalik ako sa loob ng kwarto niya at hinanap ang mga damit niya. Napansin ko na lang na naginginig yung kamay ko ng hawakan ko ang isang t-shirt na naka ibabaw sa damitan niya. Pucha naman kinakabahan ka ba, Seb! Pag balik ko nag angat naman siya ng tingin, "Bilisan mo ang init na!" Hawak ko ang t-shirt na pamalit niya saka ako na upo sa harapan niya habang nakatalikod. Nang matanggal niya ang damit niya pinatong naman niya ito sa kanang balikat ko at pagkatapos inabot ko naman sa kanya ang pamalit niya pero hindi niya pa ito kinuha agad kaya medyo natagalan pang nakataas ang kamay ko, "Hoy, Tin natutulog ka na ba? Mag bihis ka na at nangangawit na ako!" Hindi siya sumagot at nagulat na lang ako ng may ilagay siya sa kaliwang balikat ko na tumama pa sa pisngi ko. Pag tingin ko may nakasabit ng bra sa balikat ko. Jusko po. Ano na bang nangyayari! "Ikuha mo ako ng short!" Humarap ako sa kanya na hindi man lang nag isip kung nakapag damit na ba siya o hindi pa, pero buti na lang may suot na siya kundi malaking kasalanan ang magagawa ko ngayong gabi. "Matulog ka na at bukas na lang mag palit ng pang ibaba mo!" Itatayo ko na siya ng bigla naman niyang hawiin ang kamay ko, "Ayaw mo? kapag hindi mo ako ikinuha dito ako matutulog." Nakuha pa talaga niya akong pag bantaan pero wala rin akong nagawa dahil sa kakulitan niya. Bumalik ulit ako sa loob at kumuha ng short niya. Medyo mahaba yung kinuha ko para kahit mag pa ikot-ikot siya sa kama, eh hindi siya makikitaan. Tumalikod ulit ako habang hawak ang short niya. Siya naman tumayo habang ginagawang hawakan ang likuran ko, "Okay na ba?" tanong ko. "Hindi pa, ang hirap tanggalin!" Napakamot na lang ako sa ulo at nag dasal na bigyan siya ng lakas para siya na mismo ang mag tanggal ng pantalon niya. Sinagot naman agad ang dasal ko dahil ilang minuto lang kinuha na niya ang short na nakasabit sa balikat ko. Kinuha ko ang mga damit na tinanggal niya saka nilagay sa mga marurumi niyang damit. Inalalayan ko siya papunta sa kama saka hiniga. Hindi na siya nangulit at pinikit na rin ang mga mata kaya kinumutan ko na siya at pinahina ang aircon. Mahaba at nakakapagod ang naging araw niya ngayon kaya paniguradong mahimbing ang pag tulog niya. Na upo ako sandali sa tabi niya habang hinahaplos ang buhok niya. "Good night, love!" sambit niya saka hinawakan ang kamay ko at tinabi sa mukha niya. "Good night din love!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD