Chapter 35 Part 1

4963 Words
Sebastian's POV Dalawang araw na ang nakaliipas pag tapos ng birthday ni Tin, at napansin ko na bumalik na naman siya sa pagiging iwas at ilang sa pakikitungo sa akin. Sa pag kakatanda ko okay kami after ko siya ipag luto ng Sopas pero ito na naman at para bang bumabalik kami sa umpisa. Ang hirap na niyang basahin. Hindi ko na mahulaan kung ano ang iniisip niya. Dati madalas niya akong irapan sa twing titignan ko siya pero ngayon kahit titigan ko siya wala siyang reaksyon at para lang akong hangin na hindi niya nakikita. Dalawang linggo na lang ako dito pero hindi ko pa rin nagagawa yung gusto kong mangyari lalo na kung patuloy na ganyan ang ipapakita niya sa akin baka lalo lang akong mahirapan o baka naman pinapahirapan niya talaga ako? Ramdam niya kaya yung gusto kong mangyari? Muli na naman niyang binubuo yung pader na unti-unti ko nang nasisira. Pag tapos kumain ng agahan wala siyang imik na dumiretso na lang sa kwarto niya. Maski sila Mang Teban hindi niya rin kinakausap tulad ng dati. At sa twing kakausapin siya ngiti o tango lang ang isasagot nito. Kahit sila nag tatanong na sa akin kung bakit ganoon na lang daw ang kinikilos ni Tin, nag hinala pa nga sila na baka raw nag away kami kaya tahimik lang siya at parang wala sa mood, hindi kami nag away at wala kaming pinag awayan sagot ko sa kanila. Hayaan ko na lang daw at baka about sa trabaho yung pag babago niya ng timpla. Umalis na sila Mang Teban at na sa kwarto naman si Tin, hindi ko naman alam kung saan ako pupunta o kung ano ang pwedeng gawin kaya tumambay na lang muna ako sa veranda. Nag check ng email, text message at social media account. @CedCor Kailangan ba talagang may masirang relasyon para masabi mo sa sarili mo na malaya at masaya ka na! Akala ko si Tin lang ang may senti mode pati pala sa pag bubukas ko ng social media account ko meron din. Ano kayang problema ng batang 'to at parang ngayon lang yata siya nag post ng picture na may quote pa. @SDM_Gallery Ang lalim baka malunod ka! @CedCor Kapag may nalaman ka bang nakakagulat ano ang una mong gagawin? @SDM_Gallery Mag rereact na nagulat. Jusk kidding! Depende sa kung ano yung nalaman ko. @CedCor Paano kung about sa family. @SDM_Gallery Family like parents? @CedCor Oo. @SDM_Gallery Nag-away ba parents mo? @CedCor Matagal na silang nag-aaway pero ngayon hiwalay na sila. @SDM_Gallery Sorry about that. Alam kong mahirap yung sitwasyon mo kahit hindi ko pa mismo nararanasan pero isipin mo na lang na baka mas ikakabuti ng magulang mo kung hiwalay na sila kesa naman sa nag sasama nga sila lagi namang nag-aaway. Tignan mo yung positive outcome at 'wag doon sa negative side. @CedCor Yuon naman yung ginagawa ko pero masakit pa rin kasi, lalo na kapag nag fa-flashback yung magaganda at masasayang moment namin na kumpleto. @SDM_Gallery Tama ka naman doon. Siguro ngayon hayaan mo na lang muna yung sarili mo na masaktan sa nangyayari hanggang sa mag sink in na sa utak mo na wala na talaga at hindi na pwedeng ibalik yung dati. 'Wag mong pilitin na mapunta agad doon sa healing process hayaan mong dumaan ka sa moving on stage. Huwag mo ring iwasan o subukang ideny sa sarili mo na may kinakaharap kang problema ngayon kasi mas lalo ka lang malulungkot at mahihirapan sa huli. @CedCor Thank you bayaw, kahit papaano gumaan yung nararamdaman ko sa mga sinabi mo. Kahit wala dito ang ate parang nagkaroon naman ako ng instant kuya dahil sa galing mong mag advice. @SDM_Gallery Oo nga pala kumusta yung ate mo? Anong reaction niya nung nalaman niya? @CedCor Hindi pa niya alam at hindi ko pa sinasabi sa kanya. Gusto ko kasi personal para ma comfort ko siya. @SDM_Gallery Mas maganda nga kung personal mong sasabihin sa kanya kaysa sa message lang lalo na't hindi niyo siya kasama, siguradong masasaktan 'yun o di kaya umiyak pa. @CedCor Baka siguro kaya ayaw pa ng ate na mag boyfriend ulit kasi natatakot siyang baka magaya siya kila Mama at Papa, na ayos noong una pero ngayon lagi ng nag-aaway at hiwalay na talaga. @SDM_Gallery Mukhang mabuti at matinong babae naman ang ate mo base na rin sa mga kwento mo sa kanya kaya sa palagay ko kailangan lang niyang makatagpo ng lalaking mag papawala sa doubt niya pagdating sa love at pakikipag relasyon ulit. @CedCor Sana nga matagpuan na siya ni ate o mas maganda kung hahanapin na niya si ate ngayon para kapag dumating yung panahon na hindi ko na kayang icomfort si ate siya na ang gagawa nun para sa akin. @SDM_Gallery Ang advance mo na mag-isip! Hayaan mong pag tagpuin sila ng tinatawag na destiny. @CedCor Hindi naman kasi natin masasabi kung hanggang kailan lang ba ipapahiram sa atin ni Lord yung buhay na binigay niya kaya mas mabuti ng gawin mo yung nakakapag pasaya sa'yo kaysa sa mag sisi ka sa huli. Tama siya, mas mabuting gawin ko na yung matagal ko ng pinaplano kaysa mag hanap pa ako ng tamang timing. Pag labas niya ng kwarto kakausapin ko siya at pormal akong manghihingi ng tawad sa nagawa ko at mas maganda rin siguro na malaman na niya yung dahilan ko kaya ko siya piniling saktan noon. Hindi ako komportableng balikan ang bad memories na 'yun dahil alam kong malaki pa rin ang impact nito sa akin at maaring maapektuhan na naman yung pang araw-araw kong pamumuhay pero baka kasi hindi na ako mabigyan ng chance kaya bahala na basta kailangan ko siyang maka-usap ngayon. Balak ko sana siyang yayaing lumabas para doon kami makapag usap pero hindi pa man kami natatapos mananghalian nag paalam na siya agad kay Aling Ester na may pupuntahan at hindi na sasabay sa aming kumain ng hapunan. Hihintayin ko na lang sana siya hanggang sa maka uwi siya pero biglang nag aya yung dalawag bata na kumain ng ice cream pag dating nila galing ng eskwelahan. Pumayag naman ako kasi wala rin akong kasama dito sa bahay at wala rin namang pwedeng gawin dito. Sandamakmak na naman ang mg kuwento ni Rocco, habang taga pakinig naman kami ni Rizza. Mahilig rin pala siya sa mga hayop kaya pala magaan agad ang loob ko sa batang 'to, tulad niya kasi bata pa lang ako mahilig na rin akong mag alaga ng mga hayop lalo na ang aso at pusa. Alas sais ng hapon ng maka uwi kami at agad kong hinanap si Tin pero nahinto ako ng maalala ko ang sinabi niya kanina. Hindi nga pala siya dito kakain. Ano kayang problema niya, trabaho, pamilya o love life? Teka meron ba siya nun, natanong ko na ba sa kanya dati kung may boyfriend siya ngayon. Pero kailangan ko pa bang itanong yung bagay na 'yun, hindi ba parang masyadong personal? Habang nag papahinga at hinihitay siya binuksan ko muna ang T.V sa sala. Naka dalawang movie na pala ako nun kung hindi pa tumawag si Chari hindi ko pa mapapansing alas onse na ng gabi. Pag ka putol ng linya mabilis akong nag bihis at nag punta sa sinabi niyang address. Medyo may kalayuan ito kung lalakarin ko kaya naman nag hanap ako ng tricycle na sasakyan papunta doon. Maliit at parang pili lang ang mga tourist na pwedeng makapasok dito kaya tinawagan ko muna si Chari bago ako tuluyang pumasok sa loob ng restaurant. Lumabas naman siya para sunduin ako at habang nag lalakad papunta sa kinalalagyan ni Tin. "Ano bang nangyari at kailangan ko pa siyang sunduin dito?" "Okay lang ba siya?" "Teka, amoy alak ka, nag iinuman ba kayo?" "Lasing ba siya?" Hindi na siya sumagot pa at pinakita na lang niya sa akin ang nangyayari. May tatlong kasama si Tin sa lamesa, dalawang lalaki at isang babae to be exact at tila lango na rin sa mga alak ang mga ito kaya halos hindi na rin sila makakilos ng matuwid. Halos higaan na ng isang lalaki ang lamesa habang nakikipag cheers ng baso kay Tin. "Para sa bagong buhay at bagong love life! Cheers Tin!" pa utal-utal na sabi ng isang lalaking naka suot ng black na t-shirt. Siniko naman ako ni Chari, "Tara ipapakilala kita sa kanila." Makikilala ba ako ng mga ito kung wala naman sila sa tamang wisyo. Pero bago pa niya ako ipakilala may isang lalaki pa na dumating at tila ba hindi siya nagulat na makita ako o mag takha man lang kung ano ang ginagawa ko dito at kung sino ako. Tinanguan niya lang ako ng madaan siya sa harapan ko saka siya tumabi kay Chari. "Siya ba yung sinasabi ni Tin?" dinig kong tanong niya kay Chari, tumango naman ito bilang sagot. "Guys listen, may bisita tayo kaya umayos na kayo!" ma awtoridad na sabi ng lalaking kakadating lang. Nag angat naman sila ng tingin, "Hi!" sabay sabay na bati nila na may kasama pang pag kaway. "Sira ulo talaga ang mga 'to!" sabi ulit ng lalaking kakadating lang. Tumingin naman siya sa akin at walang reaction akong kina-usap. "Ganyan lang talaga sila kapag nalalasing. Pag pasensyahan mo na." napakamot na lang ako sa ulo dahil naguguluhan din ako sa nakikita ko ngayon. Pina-upo ako ni Chari sa bakanteng upuan sa tabi ni Tin. Hindi naman ako nito nakuhang lingunin dahil nakayuko ito at nakatingin lang sa nilalaro niyang bote ng alak. "Mukhang nag kakasayahan kayo. Ba-bakit mo pala ako tinawagan?" tanong ko kay Chari habang nakatingin naman kay Tin at sa mga kapares niyang lasing na. "Seb, pasensya ka na part kasi ng game namin kaya tinawagan kita." "Anong game?" "Ang walang ka kupas kupas na Truth or Consequence. By the way I'm AJ!" akmang makikipag kamay na rin sana ako kay AJ ng bigla namang i-angat ni Tin ang ulo niya at nag salita. "Father AJ!" paglilinaw nito sabay ngiti sa akin. "Na ultimate crush mo noon." Sabat naman ni Chari, ngumiti naman si Tin na sa huli ay umirap din. "Teka nga," hinawi niya ang balikat ko dahilan para mapaharap ako ng bahagya sa kanya, "Seb?" napalakas pa ang boses nito dahil sa gulat. Hinawakan ko ang kamay niya para tanggalin sa pagkakahawak sa balikat ko pero makulit na si Tin kaya sa damit ko na lang siya humawak. Sa sobrag higpit nga ng pagkakahawak niya para ng maalis yung manggas ng kaliwang braso ko. "Oo. Bakit ka nag lalasing?" bulong ko sa kanya. Tinanggal niya ang kamay niya sa manggas ko at sumandal naman sa akin saka bumulong, "Hindi ako nag lalasing at hindi ako lasing, nakainom lang. Tipsy!" sabay patong ng ulo sa balikat ko. "Wait lang, baka makalimutan na natin kung bakit nandito si Seb, kaya Father AJ simulan mo na ang seremonyas." Anong seremonyas? Ano bang trip ng mga 'to! "Parusa kasi ni Tin na mag pakasal pero ayaw niya kaya ang sabi ko kapag nahanap at naidala ko dito yung guess niya sa Villa nila, eh papayag na siyang mag pakasal. Deal! Yuon yung sinigaw niya." paliwanag ni Chari. Tumingin ako sa Father AJ na tinatawag nila at tanging pag ngiti at pag tango lang ang reaction nito sa akin. "Hindi ako mag papakasal sa sinungaling na 'yan!" sabat ni Tin na may kasama pang pag hampas sa braso ko. "May wedding ring na at nandito na rin ang groom kaya Father AJ, mag simula ka na." utos ni Chari. Tumayo si Tin at halos matumba pa ito pero nakahawak siya sa balikat ko na ginawa niyang saklay para makatayo siya ng tuwid. "Hindi nga ako mag papakasal dyan!" giit niya. "Kung hindi kayo mag papakasal kailangan niyong ubusin yung isang case ng alak dito at isang bote ng hard drink na 'to. Ano Seb, game ka?" "Seryoso ka ba Chari?" tanong ko naman. "Hindi naman ako naka costume ng clown para mag joke! Kaya sa tingin ko oo seryoso ako!" Lumingon ulit ako kay Father AJ at ganoon pa rin ang reaction na binigay niya sa akin. Tumayo na ang tatlo pang tao sa lamesa para naman ilagay ang mga upuan nila sa likuran namin at pumunta naman sa harap si Father AJ. Habang nag sasalita si Father AJ, nakatuon naman ang pansin ko kay Tin, na halos hindi na maimulat ang mga mata. Kakaiba rin ang trip ng mga kaibigan niya. Wala yata akong naintindihan sa mga sinabi ni Father AJ o sadyang mabilis lang siyang mag salita. Inabot na kasi sa amin ni Chari ang wedding ring na kanina pa niya hawak hawak. Binigay niya sa akin ang isang gold ring na may nakapalibot na limang diamonds, "Dali isuot mo na sa daliri ni Tin," utos niya. Pilit na yung pag mulat ng mata ni Tin kaya kung saan saang parte ng daliri ko na niya naisusuot ang singsing. Hindi ito nag kasya kaya bumalik ulit si Chari sa loob at pag labas niya may bitbit na siyang isang maliit na box na puno ng samu't saring mga alahas at saka kumuha ng iba't ibang size ng singsing at pinasukat sa akin. Wala ng size na kapares ang singsing na suot ni Tin kaya ibang singsing na lang ang pinasuot nila sa akin. Plain na gold at halos hindi nag kakalayo ng katulad kay Tin. "You may now... leave! Akala mo kiss the bride na 'no?" Pare ba talaga 'to? Ang lakas kasi mag trip! Pumalakpak ang lahat at pa suray suray na nag lakad papalapit sa amin. Niyakap ako ng dalawang lalaki at kumaway naman ang isang babae sa akin. Na una na silang umuwi at kami na lang nila Chari, Father AJ, at Tin ang nandito. "Iuwi mo ng maayos yung best friend ko ha!" "At huwag mong gagawa ng massama kundi hindi ka na makakabalik sa Manila ng kumpleto ang parte ng katawan!" banta niya. "Opo madam Chari." Inalalayan ko na si Tin, na tumayo pero tinutulak naman ako nito at pinipilit na kaya raw niya ang mag-isang lumakad. Hinayaan ko naman siya at pinanuod lang na lumakad papunta kay Chari. Pa suray suray na ngang lumakad ayaw pang mag pa tulong! Tipsy lang daw siya sa lagay na 'yan, eh paano pa kaya kapag totoong lasing na. Manghahalik kaya siya katulad dati? Akala ko matatapos na ang kakulitan at pag susungit ni Tin ng maka alis kami kila Chari, pero nag patuloy siya sa pag lalakad at nag patuloy rin ang katigasan ng ulo niya. Ayaw niyang sabayan ko siya dahil hindi niya raw kailangan ang tulong ko kaya na sa likod na lang niya ako para alalayan siya kung sakali mang kailanganin niya ang tulong ko. Bawat taong makasalubong namin kinakausap at kinukulit niya kaya naman todo awat ako sa kanya at hingi ng pasensya sa mga ito. Ngayon lang ako nakakita ng lasing na ina-advertise ang negosyo nila, kulang na nga lang abutan niya yung mga tao ng flyers ng transient. Malayo pa lang may mga natatanaw na akong mga taong nag kukumpulan sa gilid ng kalsada at ilang segundo lang ng pag lalakad nakita ko na ng malinaw ang mga 'to. Mga grupo ng kalalakiha na nag kakasayahan sa gilid ng kalsada. Bago pa namin sila madaanan sinabayan ko na si Tin sa paglalakad at pinatong ang dalawa kong kamay sa balikat niya saka ko siya tinulak ng marahan para bilisan ang pag lalakad niya. Mahirap na at baka sa sobrang kakulitan niya baka patulan siya ng mga 'to o di kaya gawan siya ng hindi maganda at pag ginawa nila 'yun magkakaroon talaga ng away sa kalsadang 'to. Subukan lang nilang bastusin si Tin, babasagin ko yung pag mumukha nila! Pinakamalala na sa lahat yung pag susumbong niya sa tanod na nakasalubong namin. Ang kwento nito stalker raw niya ako at umarte pa ito na parang natatakot. Lumapit sa akin ang mga tanod na may dala dala pang batuta saka ako maangas na kinompronta. Mabuti na lang talaga nakalimutan naming isoli yung singsing kaya nag palusot na lang ako na mag-asawa kami at kasalukyang na sa honeymoon stage. Naniwala naman sila kaya hinayaan na kaming makaraan. Huminto siya sa pag lalakad at saka humarap sa akin, medyo natakot pa ako dahil may kadiliman na nga yung lugar tapos natatabunan pa ng gulo-gulo niyang buhok yung mukha niya at idagdag pa yung hindi siya makatayo ng maayos. Jusko po papunta na ng sadako si Tin, buti na lang talaga medium lang ang length ng buhok niya kundi baka tinakbuhan ko na siya dito. "Yung phone ko?!" Pilit niyang hinihila yung strap ng bag niya na kasalukuyang naka sabit sa balikat ko, "Bakit anong gagawin mo?" pilit ko rin namang nilalayo yung mga kamay niya. "Pake mo ba! Cellphone mo ba 'yan, hindi 'di ba! Kaya akina!" Hinablot niya yung bag sa harapan ko at buti na lang na agaw ko rin 'to sa kanya pero tinapakan niya yung paa ko at mahigpit na hinawakan yung buhok ko. "Teka lang Tin, masakit na! 'Wag mo nga akong sabunutan!" reklamo ko. "Eh di gumanti ka!" "Huwag mo akong pilitin, papatulan talaga kita!" "Talaga kaya mo?" Hindi na ako nakapag salita pa dahil nag ring yung phone ko at siya naman lumakad palayo sa akin. Sinagot ko ang tawag habang nakatuon lang ang tingin sa kanya na kasalukuyan namang pinipicturan ang sarili niya. "Naka uwi na ba kayo? How's Tin?" "Hoy, Sebastian! Bilisan mong mag lakad!" "Oh narinig mo ba?" sagot ko. "Makulit lang talaga si Tin kapag nalalasing. Hoy, wag mong tangkaing mag take advantage sa kanya dahil lang sa lasing siya ha kundi babangasan ko yang mukha mo!" "Oo alam ko na 'yan pa ulit-ulit mo ng sinasabi sa akin 'yan kaya wag kang mag-alala wala akong gagawing masama sa kanya." "Good. Madali siyang malasing kahit dalawang bote pa lang ang na iinom niya kaya paki ingatan yung kaibigan ko, iuwi mo ng safe." "Opo Tita Chari, iuuwi ko po yung anak niyo ng safe." "Gago! Another warning, naka record yung usapan natin ngayon kaya mag behave ka!" Saktong pag baba ko ng linya doon naman bumalik si Tin. Nakangiti pero parang kakaiba yung kilos niya ta mukhang may binabalak yata, "Bakit?" tanong ko. Hinarap nito ang phone niya sa akin, "Deadbat ako! Ganda nung buwan pahiram phone." Nilapag niya ang palad niya at binigyan ako ng paawang mukha. Ise-set ko pa lang sana yung camera ng bigla naman niyang hablutin yung phone ko. Halos isaksak naman niya sa dibdib ko yung cellphone niya at wala itong pakialam kung hindi ko man masalo dahil pag ka hablot niya sa phone ko nag madali na siyang mag lakad palayo. Nag patuloy kami sa pag lalakad at patuloy rin siya sa pag kuha ng mga picture. Hindi kaya mapuno niya yung memory ng cellphone ko sa ginagawa niya, maski kasi anino, lupa, basurahan, poste at mga kalat sa daan kinukuhanan niya tapos hindi pa siya nakuntento at pati ako idadamay niya sa trip niya. "Mag pose ka dali!" pangungulit niya. "Ayaw ko nga!" Pilit kong tinatakpan ang camera ng cellphone ko pero humahanap siya ng paraan para makuhanan ang mukha ko, muntik pa nga siyang matumba dahil sa pinag gagagawa niya pero buti na lang medyo malapit ako sa kanya kaya nahawakan ko ang kamay niya at napigilan siyang mabuwal. "Dali na!" "Hoy Sebastian mag pose ka na!" "Bakit ayaw mo magaling naman akong kumuha ah!" "Kapag hindi ka nag pose itatapon ko sa tubig 'to!" Tinignan ko siya ng masama at baka makuha pa siya sa tingin pero nakipag titigan din ito sa akin habang naka taas pa ang isang kilay. Na pa iling na lang ako dahil sa pag ka dismaya. Kaliwa't kanan kong nilingon ang paligid ko at tiniyak na walang taong nanunuod sa namin. Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya at baka mamaya gawin nga niya yung sinasabi niya marami pa naman akong importanteng files na naka save sa cellphone ko at hindi naka back up ang mga 'yun. "Tin, ano ba yung ginagawa mo, pictorial talaga tayo sa gitna ng daan?" Tinignan ako nito na para bang nang aakit, "Para may thrill 'di ba?" sabay hampas sa braso ko. Nung una nahihiya at napipilatan lang ako pero dahil mukhang nag eenjoy naman siya sa kalokohang ginagawa namin kaya sinakyan ko na lang din yung trip niya. Kung ano-ano pa yung pose na tinuro niya sa akin pero ayos lang kasi ngumingiti at tumatawa siya kahit mukha akong ewan sa pinapagawa ko. "Yung macho pose tapos kunwari may abs ka kahit wala!" May abs pa naman ako kahit papaano, nag tago nga lang sila dahil ilang araw na akong walang exercise at panay ang handa ni Aling Ester ng masasarap na ulam kaya napaparami tuloy ako sa kanin. "Sakit ulo pose naman Seb!" "Sakit ulo? Hindi ba ako mag mumukhang bakla niyan?" Bigla siyang tumawa ng malakas, "Eh kasi pambabae yung pose na iniisip mo. Lalaki ka okay!" Lumapit siya sa akin at ang akala ko ibabalik na niya ang phone ko at tuluyan na kaming uuwi pero hinawakan niya ako sa balikat saka nilapit ang sarili sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa ginawa niya. "Sakit ulo pose na lang." bulong niya. Nilagay niya ang kaliwang kamay ko sa ulo at saka lumayo ulit. "Good shot, Mr. Del Mundo. Pack up na tayo." Susuray suray na naman itong lumalakad pabalik sa akin habang pumapalakpak. Nang makalapit na siya hinapit ko ang bewang nito at inagaw ang cellphone ko na hawak niya, "Kanina mo pa ako kinukuhanan mas maganda kung tayong dalawa naman."Hindi naman siya tumutol o pumalag pa. Nagulat pa nga ako ng sabayan niya rin ako sa pag popose. Kinalimutan ko muna kung ano ang nangyari sa nakaraan at hinayaan ko lang na dalhin kami ng mga nangyayari ngayon at mga mangyayari pa. Hindi ko na muna lilimitahan ang sarili ko pag dating sa kanya. Hindi naman ako mag te-take advantage pero susulitin ko yung oras na 'to na wala siya sa tamang katinuan. Wala akong gagawing masama ang gusto ko lang gawin ulit yung mga ginagawa namin noon o kung paano ba kami noon. Gusto ko ulit maramdaman 'yun! Inagaw niya ulit yung cellphone ko at inaya na ako na umuwi. Hinawakan ko ang kamay niya habang nag lalakad kami na katulad lang dati. Wala namang siyang pakialam dahil sa abala siya sa pag tingin ng mga photos sa cellphone ko. Ilang minuto din na mag ka hawak kami ng kamay bago namin narating ang Villa. Sana pala binagalan ko yung lakad para mas matagal ko pang hawak ang kamay niya. Na sa pintuan na kami ng may biglang malakas na tunog galing sa gilid ng bahay. Parang may nabasag na mabigat na bagay. Tinakpan niya ang mukha niya at kumubli sa dibdib ko, "Wala lang 'yun, 'wag kang matakot." Sabi ko habang yakap yakap siya. "Dito ka lang, sisilipin—" akmang bibitaw na ako nang mas humigpit pa ang yakap niya, "Stay with me please! Huwag mo akong iiwan!" Parang tinamaan ako ng sagad dahil sa sinabi niya. Nang tignan ko kasi siya may luhang tumulo mula sa kaliwang mata niya at nang magbaba ako ng tingin para makita siya ng husto tumambad naman sa akin ang nagsusumamo niyang mukha. Hindi ako nakatiis at niyakap ko siyang muli. Mahigpit na para bang wala na akong balak siyag pakawalan pa ulit. "Huwag ka ng umiyak, hindi naman kita iiwan. Dito lang ako sa'yo." Hindi siya sumagot pero naramdaman ko na hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin. Nag hiwalay lang kami ng mag sabi siya na nahihilo siya kaya minadali ko ng buksan yung pinto para makapag pahinga na siya sa loob. "Ma upo ka muna dyan at ikukuha lang kita ng tubig." Pag balik ko muli na naman niyang pinapakialaman yung cellphone ko, "Akala ko nahihilo ka?" Umupo ako sa tabi niya habang hawak ang isang baso ng malamig na tubig, "Oo nga pero nawala na." Hindi ako nilingon nito at nakatuon lang sa cellphone. Mayamaya pa bigla siyang napasandal saka inabot sa akin ang cellphone, "Mag hanap ka nga ng nakakarelax na kanta." Utos niya. Sinunod ko naman siya at hinanap ang gusto niya. Mabuti na lang at may ilang kantang naka save dito na magugustuhan niya. I know your eyes in the morning sun I feel you touch me in the pouring rain And the moment that you wander far from me Bigla niyang inangat ang ulo niya saka ako tinignan ng masama, "Ayoko 'yan!" giit niya. "Bakit? Ang ganda kaya!" aagawin niya sana yung phone ko pero agad kong nilayo ito sa kanya. "Sabi ko nakakarelax hindi yung pang in love!" "Isipin mo na lang na in love ka!" "Akin na nga 'yan!" Hindi ko siya sinunod kaya pilit niya itong inaagaw hanggang sa madaganan niya ako, masiko yung mukha ko, at halos yakapin na niya ako ulit para lang makuha yung phone at itigil yung music. "Tsansing na 'yan Tin." Pilyong sabi ko. Binatukan naman ako nito, "Gago!" Dahil sa pagod napasandal ako sa upuan at doon naman niya sinamantalang agawin ang cellphone ko. Pag ka agaw nito agad siyang tumayo at kamuntikan na namang natumba pero mabuti na lang at nakahawak siya sa balikat ko, "Wait, dyaan ka lang!" utos niya ng makitang papatayo na ako. Nanatili akong naka upo at siya naman nakatuon pa rin ang atensyon sa cellphone ko. Kung umasta siya para bang kanya yung hawak niyang cellphone. "Ito yung mga gusto mo 'di ba, kayo ng mga kaibigan mong mga manyak!" Akala ko namamalikmata lang ako dahil pa ulit-ulit ko pang pinikit ang mga mata ko. Seryoso ba? Si Tin ba talaga ang kaharap ko ngayon. Never kong na imagine na kaya niyang manuod ng mga ganito. "Speechless ka? Favourite niyo 'to 'di ba?" "Ibalik mo na nga sa akin 'yan!" "Bakit? Kasi gusto mo ng manuod ulit ng porn?" Sabi nito habang pa tawa-tawa pa. Tumayo na ako at inagaw sa kanya ang cellphone ko, "Kailan ka pa natutong mag visit ng porn site?" tanong ko habang hawak ang kamay niya na hawak naman ang cellphone ko, "Bakit akala mo ba tanga ako! Ganyan ba siyang klase ng babae kaya mabilis mo akong pinalit sa kanya." Na pa atras ako ng dahil sa sinabi niya. "Hindi." Tinulak niya ako at pabagsak na umupo, "Sinungaling ka!" pagkatapos sumandal ito at pinikit ang mga mata. "Mas mabait ka, mas matalino, mas maganda, mas sexy, at mas mahal kita at hindi kita pinag palit sa kanya!" Bumangon ito mula sa pag kakasandal saka lumingon sa akin, "At mas gago ka lang talaga!"Sabi nito habang tumatawa pa. Dahan dahan ko ulit siyang binalik sa pag kakasandal at pinili ko na lang na 'wag nang mag salita pa. Ilang minuto ko rin siyang pinagmamasdan bago pa siya dumaldal ulit. "May sasabihin ako sa'yo." "Ano 'yun?" sagot ko. "Naaalala ko na yung nangyari after ng party nung bagong transfer pa lang ako..." "Talaga—" "Oo. Hinalikan pala kita noon tapos naalala ko lang nung sinita kita sa hallway. Alam mo bang hiyang hiya ako sa'yo after nun kaya lahat ng bagay ginawa ko na para iwasan ka pero ikaw 'tong bwisit na hindi na ako tinigilan!" "Dahil yata sa pag halik mo sa akin kaya ako na in love sa'yo." "Tapos naalala mo ba yung JS Prom? Ayaw ko naman na ipahiya ka noon kaya lang yung maarteng babae na patay na patay sa'yo ayaw akong tigilan simula nang ipagkalat mo sa buong campus na nililigawan mo na ako. Ikaw yung dahilan kung bakit napaka memorable ng last year ko sa pagiging high school student at dahil din 'yun sa mga babaeng pinagpapantasyahan ka!" "Oo nga pala may utang ka pang sayaw sa akin!" Nag mulat ito at umangat sa kinasasandalan niya, "Tara sayaw na tayo para mabayaran na kita," hinawakan niya ang kamay ko kasabay ng pag tayo niya pero napabalik rin ito agad sa upuan dahil sa pag ka hilo kaya naman inalalayan ko na siya patayo at baka sa susunod sa iba pa siya bumagsak at baka masaktan o mag ka sugat pa siya. Kinuha niyang muli ang cellphone ko mula sa lamesa at inutusan akong mamili ng kanta dahil hindi na raw niya kayang imulat pa ang mga mata niya. Mukhang ilang minuto lang siguradong makakatulog na si Tin. Habang nag hahanap ako ng magandang music sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko habang nakapalupot naman ang dalawang kamay niya sa leeg ko. I know your eyes in the morning sun I feel you touch me in the pouring rain And the moment that you wander far from me I wanna feel you in my arms again And you come to me on a summer breeze Keep me warm in your love, then you softly leave And it's me you need to show "Palitan mo yung kanta." Bulong nito. Kanina ko pa gustong pakinggan 'to pero kanina pa rin niya ayaw marinig. Ang ganda kaya nung lyrics at ang soft pa sa tenga pakinggan. "Anong gusto mo?" tanong ko. "Kahit anong kanta ng Boyce Avenue." Agad akong nag search ng mga list ng kanta ng Boyce Avenue pero sa dami nito hindi ko naman alam ang pipiliin ko, gusto ko sana siyang tanungin pero mukhang komportable na siya sa ayos niya ngayon. I met you in the dark, you lit me up You made me feel as though I was enough We danced the night away, we drank too much I held your hair back when You were throwing up Tumagal ang kanta hanggang sa chorus kaya sa palagay ko nagustihan naman nya. Sinandal ko na rin ang ulo ko sa ulo niya at pinikit din ang mga mata tulad niya. Alam kong hindi pa siya tulog dahil sumasabay pa siya sa mga paa ko at sa palagay ko dinadama niya ang bawat salitang napapakinggan niya. I found a love for me Oh darling, just dive right in and follow my lead Well, I found a girl, beautiful and sweet Oh, I never knew you were the someone witing for me Natapos na ang ilang mga kanta na natatandaan kong na sa playlist niya noong kami pa, tulad ng Iris, Can't Help Falling In Love, Yellow at Fix You. Nang bigla niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin na halos hirap ng imulat ang mga mata. "Knock knock?" Hindi ko ito pinansin at inalis na lang ang tingin sa kanya pero pina ulit-ulit niyang sabihin sa akin 'yun kaya naman napilitan na akong sagutin siya. "Ano ba 'yun?" Mahinang tinapik nito ang bibig ko, "Mali. Dapat ang sagot mo who's there?" Nag taas na lang ako ng kilay bilang sagot. Bago na naman yung trip niya. "Who's there?" "Darlene, John Kyle, Pauline, Paolo, Mylene." Umiling iling muna ako saka siya tinignan, "Darlene, John Kyle, Pauline, Paolo, Mylene, who?" Bago pa siya sumagot inunahan na niyang tumawa kaya kahit hindi ko pa naririnig yung joke niya, eh nahahawa na rin ako sa pag tawa niya. Ang saya niyang tignan, sana ganito siya lagi kahit walang influence ng alcohol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD