Celestine's POV
Pag tapat namin sa pintuan ng bahay agad na tinakpan ni Chari ang mga mata ko gamit ang kamay niya. "Hoy! Ano 'to?" nag papanic na tanong ko.
Hinawakan naman niya ang balikat ko para alalayan akong mag lakad, "Relax ka lang girl walang mangangagat sa'yo dito." Sagot niya na may kasama pang pag tawa.
Pag hinto naming mag lakad inalis na niya ang kamay niya kaya dahan-dahan ko ng minulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang pamilya ni Mang Teban na naka suot pa ng party hat at may mga hawak na lobong hugis puso, umalis naman si Chari sa tabi ko at kinuha ang cake sa likuran nila.
Sa hudyat ni Chari, sabay sabay na silang kumanta habang papalapit sa akin. Nahihiya, naiiyak, kinakabahan, na ba-blanko at kung ano-ano pang emosyon ang nararamdaman ko habang kumakanta sila tapos pinaharap pa sa akin ni Rizza yung hawak niyang cellphone at laking gulat ko ng makitang nandoon sila Mama at Cedrick na naka suot rin ng party hat gaya nila dito at sumasabay rin sa pag kanta.
Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko dahil sa nangyayari ngayon pero mas nangibabaw pa rin ang walang tigil na pag tulo ng luha ko. Sobrang nakaka touch yung ginawa nila at hindi ko alam kung paano ako mag papasalamat.
Hindi sapat ang salita lang.
"Make a wish na and blow your candle!" nakangiting sabi ni Chari. Pinikit ko na ang mga mata ko at ilang segundo lang hinipan ko na rin ang mga kandila. Pag ka tapos niyakap nila ako isa-isa na may kasama pa ring pag bati ako naman walang imik dahil sa patuloy na pag agos ng mga luha ko.
Pag katapos mahimasmasan Inaya naman ako ng dalawang bata na pumunta sa sala para ipakita yung ginawa nilang pag dedecorate, sumonod naman sa akin si Chari na daladala yung cake. "Hawakan mo tapos pipicturan kita." Suhestyon niya. Pag ka tapos ng ilang solo shot sumama na sila sa akin para mag picture at lastly kasama ko naman sila Mama at Cedrick kahit sa cellphone lang.
Kaya naman pala parang may kaka-iba sa mga kilos at salita nila Mang Teban nitong mga nakakaraang araw dahil may pinaplano pala sila at kakontsaba pa nila si Chari.
Pumunta kami sa veranda para naman kumain at laking gulat ko ng sobrang dami ng hinanda nila kaya hindi ko na naiwasang mag tanong kung mag kano yung ginastos nila para sa araw na 'to, pero bigla naman sumingit si Mama at sinabing 'wag ko na raw problemahin 'yun dahil si Mama pala ang may sagot ng lahat ng 'to.
Una naming kinain ni Chari ang Pancit na luto ni Aling Ester, tulad ng naka ugalian ng mga Pilipino pang pa haba raw kasi ito ng buhay. Sinunod naman namin ang listong manok at baboy at tulad pa rin ng dati the best pa rin talagang mag liston si Mang Teban.
"Oh my god!" Nahinto ako sa pag lalakad ng dahil sa naging reaction ni Chari, 'Hoy! Anong problema mo?" tanong ko. Nag-aalala namang lumapit ang dalawang bata, "Bakit po ate?" tanong ni Rizza.
"Heaven yung side na 'to. Kung sa kabilang side puro pinoy dish pero ito... Heaven talaga!" Iiling-iling pa si Chari, kaya hindi ko tuloy alam kung na disappoint ba siya or natutuwa dahil sa nakita niya.
"S-sinong nag luto nito?" tanong ko. Naka ngisi namang nag tinginan ang dalawang bata, "Yung friend po ni ate." Sagot ni Rocco, bumaling naman ang tingin ko kay Rizza na kasalukuyan namang nakatitig lang sa mga niluto raw ng kaibigan niya,
"Sinong friend mo?"
"S-si B-Baste po?"
"Kaibigan mo talaga? Eh, bakit parang hindi ka sigurado?" tanong ko. Hindi ko na nahintay yung sagot ni Rizza dahil bigla namang sumingit sa usapan si Chari, "Sabihin mo kay Baste thank you sa effort. Tin kain na tayo 'di ba favourite mo ang mga 'to!"
Nilagyan na ni Chari ang hawak hawak kong plato kaya nabaling na ang atensyon ko dito. Hindi naman kasi makakaila na maka agaw atensyon ang itsura ng mga pag kain na 'to lalo na siguro pag natikaman na namin ang lasa.
"Teka na saan pala yung friend mo? Pabalikin mo kaya siya dito para kumain o di kaya dalhan niyo na lang." suhestyon ko. Tumango lang si Rizza habang kumakain.
Si Chari naman simula ng kainin ang mga luto ng friend ni Rizza nag iba na yung timpla ng mukha niya pero in a good way naman. Tahimik lang siyang tinitikaman ang lahat ng niluto ni Baste na para bang masusing jina-judge ang mga ito.
Oo nga pala na sa food business siya kaya natural lang siguro ang mga kinikilos niya.
"Rizza, pakilala mo nga sa akin yang si Baste at ooperan ko ng trabaho sa resto bar ko!"
Siniko ko naman siya, "Hoy, minor pa lang yung bata kaya hindi mo pwedeng gawing employee mo."
"Gagi, kung tayo nga minor lang din noong nag to-tour guide kaya pwede rin siya at saka wala naman makaka alam." Pilyong sabi pa nito. Umiling naman ako, "Bahala ka nga."
Pero infairness sa batang 'yun ang sarap ng mga luto niya at parang may kalasa, para bang natikman ko na yung sweet and spicy na chicken at pati na rin yung soy garlic chicken popcorn niya, hindi ko lang matandaan kung saan pero pamilyar yung lasa.
The best din yung seafood platter niya kasi tamang tama lamg yung pag kakaluto, hindi sobra at hindi rin kulang kasi hindi naman nag ruberrize yung texture ng mga seafood. Parang alam na alam niya yung gusto kong mga lasa.
Katabi naman ng mga Seafood ang Grilled Salmon and Steak. Parang kumislap bigla yung mata ko ng makita ko ang mga 'to!
Mukhang magkakasubukan ngayong araw dahil sa dami nito parang gusto ko munang kalimutan ang pag da-diet.
May Baked Mussels at Beef bulgogi pa. Kaya palagay ko sa dami nito hanggang sa isang linggo pwede naming kainin ang mga hinanda nila.
After ng kainan nag punta naman kami ni Chari sa sala dahil parang napagod raw ito kakakain. Sumandal siya sa couch na madalas upuan ni Seb... Oo nga pala speaking of Seb, na saan yung lalaking 'yun, bakit wala siya dito? Hindi ba talaga niya alam na birthday ko ngayon at hindi ba siya sinabihan nila Mang Teban about sa plano nila ngayon?
Pero guess lang siya dito kaya bakit ko nga ba ine-expect na makasama siya sa special day ko.
"Huy, na saan pala yung guest mo, pakilala mo sa akin bilis!"
Yung kaninang pagod at tamad na tamad nang mag lakad ngayon naman parang naka inom ng kung anong energy drink at biglang nabuhayan. Hindi pa ito na kuntento at tumayo na at nag lakad papunta sa direksyon ng mga kwarto.
Una niyang napuntahan yung kwarto ko kaya hinayaan ko na lang siya na buksan ito pero hindi naman siya interesado dahil wala doon ang gusto niyang makita kaya mablis niya rin itong isinara.
Muli na naman siyang nag lakad papunta naman sa kabilang direksyon kung na saan ang kwarto ni Seb.
"Hoy, Chari!" sigaw ko. Nilingon niya lang ako saka kumindat at mabilis na nag tungo sa harapan ng pinto ni Seb.
"Hoy! Charito, tigilan mo nga yang binabalak mo at baka mamaya nandyan lang pala siya at natutulog—"
Hindi ko na napigilan pa si Chari at pinihit na nito ang door knob, "Eh, bakit hindi na ka lock? O baka naman hindi talaga niya nilolock para pwede mo siyang pasukin anytime." Inirapan ko lang siya. "Joke lang. Why so serious?"
Hindi ko na siya pinigilan at humakbang na lang ako pa atras para kung nandyaan man si Seb, siya ang unang makikita nito at hindi ako.
Dahan dahan siyang pumapasok at makalipas lang ang ilang segundo humarap ito sa akin saka sumenyas na walang tao sa loob. Pumasok ako hindi para samahan siyang mag tour kundi para hilahin na siya palabas ng kwarto.
"Hilig mo talaga sa mga nakaka kabang bagay' no?!"
"Hala siya, kwarto pa lang ang nakikita mo kinakabahan ka na ano pa kaya kung..." Yumuko siya saka nag balik ng tingin sa akin, "Ang likot talaga ng utak mo!"
Aba't hindi ako pinansin at nakuha pa akong kindatab tapos nag patuloy lang sa ginagawa niyang pag tingin sa bawat sulok ng kwarto. Hindi na talaga ako makatiis sa ginagawa ni Chari kaya pilit ko ulit siyang hinihila palabas ng kwarto, "Chari naman baka dumating si Seb, lumabas na tayo!" Pakiusap ko.
"Sabihin mo hinahanap natin yung ipis na pumasok sa kwarto niya—"
Hindi na ako nakatiis at binatukan ko na siya para magising sa ginagawa niya, "Loka loka ka talaga! Ipis talaga, sa tingin mo maniniwala sa atin 'yun?!" Sumimangot ito at siya na mismo ang nag kusang lumakad palabas.
"Infairness, ang bango ng kwarto niya, alam na alam mo talagang lalaki ang may-ari." Sabi nito habang nag lalakad papunta sa sala.
Parehas kaming pabagsak na umupo sa couch saka sinandal ang buong katawan. "Bwisit ka pinagod mo ako!" dumampot ako ng unan saka mahinang hinagis sa kanya. Tumawa naman ito after niya masapo ang unan, "Parang nagutom nga ulit ako, eh!"
Sakto namang dumating si Aling Ester na may hawak na tig-isang platito ng sliced cake, "Kanina pa kasi nangungulit si Rocco na tikman yung cake kaya dinalahan ko na kayo dito, bago pa niya ma ubos." Umalis na rin agad si Aling Ester pag ka lapag niya ng cake kaya si Chari muli na namang dumaldal.
"Pakunwari pa, sumunod din pala sa utos ko." Bulong niya na may kasama pang pag ngisi at pag iling.
"Hoy, sinong kausap mo?" tanong ko.
"Yung cake, friend kasi kami." Sabay tawa.
Depressed pa rin yata yung best friend ko at kahit yung cake kinakausap na niya.
"Tawagan mo na nga yung Ex mo este "Guess" mo pala at aalis na rin ako mamaya baka hindi kami mag abot, sayang naman gusto ko pa naman siyang ma meet ng kasama ka."
Malapit ng mag alas siyete at madilim na sa labas pero wala pa rin si Seb, na saan na kaya siya, may tour ba siya ngayon o baka may nakita na namang kakilala kaya hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi!
Tinapik tapik naman ni Chari ang balikat ko na para bang kino-comfort ako o para bwisitin ako, "Baka may importanteng nilakad lang o baka may pasabog later kapag kayong dalawa na lang." kiniliti pa nito ang baywang ko saka yumakap.
"Happy birthday besh, love you! Next time ko na lang kikitain si Seb, need ko na mag work para sa ekonomiya!"
Bago tuluyang umalis si Chari, binigay niya yung gift niya. Isang set ng mamahaling brand ng lipstick.
Kaya kahit baliw 'tong kaibigan ko mahal na mahal ko pa rin 'to, bukod kasi sa sosyal mag regalo alam niya rin kasi kung ano talaga ang makakapag pasaya sa akin.
Always wear this lipstick at baka ma expired lang sayang naman, at baka malay mo isa sa mga color dyan ang makakuha ng atensyon ng future boyfriend mo and husband to be na rin!
Love you!
***
Sebastian's POV
Pag ka deliver ng cake kanina iniwan oobna rin sila kasi kapag na abutan ako ni Tin dito baka mahirapan na akong umalis. Gustong gusto ko kasing sumama sa pag salubong sa kanya mamaya. Gusto ko ako yung una niyang makikita na hawak hawak yung gusto niyang cake, tapos habang nag wiwish siya ako yung kaharap niya, gusto kong makita kung gaano siya kasaya. Gusto ko ring ipag yabang sa kanya yung ginawa kong effort pero may parte sa isip ko na sinasabing 'wag na lang.
Ayaw kong ma confuse siya at ganoon rin ako. Pilit ko mang itanggi sa isip ko na wala lang yung naramdaman ko kagabi habang mag kasama kami pero pa ulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung pangyayari kung bakit bigla na lang akong kinabahan ng husto.
Hindi ako pwedeng ma in love sa kanya, dahil alam ko naman na hindi na kami babalik sa dati at malabo ng mangyari 'yun. Masasaktan lang ulit ako kapag tinolerate ko yung nararamdaman ko para sa kanya at gugulo lang lalo yung sitwasyon sa pagitan namin kung hahayaan kong lumalim pa yung nararamdaman ko.
Posible pa rin naman na mahulog ka sa dati mong minahal perk ang maramdaman din niya ang katulad ng nararamdaman mo ngayon, eh mukhang malabo yata 'yun!
Dalawang linggo na lang ako dito at babalik na rin ako sa Manila at pag katapos uuwi na rin sa Italy para bumalik sa realidad ng buhay. At siya naman maiiwan dito at siguro after a month babalik na rin siya sa New York para mag trabaho.
Malabo ng mag karoon ng kahit anong ugnayan sa pagitan namin!
Mag tatatlong oras na rin ako dito sa Coffee Cong pero hindi naman ako nainip dahil malakas ang internet connection dito kaya habang lumalakad ang oras nilibang ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag tawag sa mga katrabaho ko at sa pangangamusta kay Lola Miling.
Nag promise ako kay lola before ako bumalik ng Pilipinas na bago ako bumalik ng Italy, dadalawin ko siya at mag bobonding kami, sana lang natatandaan niya pa ako kasi ang sabi sa akin ng caregiver niya lumalala na raw yung Alzheimer ni Lola.
Natulala ako ng biglang may umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko, "Hoy! Akala ko ba surprise, eh bakit hindi ka kasama doon? Yuon na ba yung surprise mo?" Naka sandal si Chari habang naka halukipkip ang kamay at nakataas ang kanang kilay, "Nagustuhan ba ni Tin? Masaya ba siya?" tanong ko.
"Kung gusto mong malaman umuwi ka na doon para ikaw mismo ang makakita!" Tumayo siya at akmang aalis na ng bigla naman siyang humakbang pabalik, "Oo nga pala gustong gusto niya yung cake na pinili mo, pero hindi ko lang alam kung may matitira pa kasi gustong gusto rin 'to ni Rocco."
Alas nuwebe na ng gabi ng umuwi ako, sinadya ko talagang mag pagabi ng husto para siguradong hindi ako makikita ng Mama at kapatid niya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at maingat rin akong nag lakad papasok sa loob. Madilim na at tahimik na rin ang buong bahay at malamang pagod na si Tin kaya siguradong nag papahinga na siya sa kwarto niya.
Wala na rin ang mga dinecorate namin kanina at pati ang mga upuan at lamesa sa labas naka ayos na rin. Dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig bago ako pumunta sa kwarto ko. Pag bukas ko ng ref napansin ko agad yung mga patong patong na Tupperware, kinuha ko yung isa para tignan ang laman pero may note sa takip nito na nakalagay ang pangalan ko.
Hindi sulat ni Tin, malamang tinabi 'to ni Aling Ester o ng mga bata, pancit lang kasi yung kinain ko kanina at maski yung mismong mga niluto ko hindi rin ako kumain.
Nahinto ako sa sala at natingin sa pinto ng kwarto niya, parang gusto ng mga paa ko na mag lakad papunta sa kanya pero ayaw naman ng isip ko. Kailangan kong pigilan 'tong nararamdaman ko bago pa mas maging komplikado.
Baka naman kasi hindi ako in love at infatuation lang ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa mag kasama kami ngayon sa bahay at lagi ko siyang nakikita at nakakasama.
Tama, infatuation lang ito at walang malalim na dahilan!
***
"Sayang Kuya Seb hindi mo nakita kung gaano nasarapan si Ate Tin sa mga niluto mo."
"Oo nga kuya at hindi mo rin nakita kung gaano katakaw kumain si Rocco, lalo na doon sa pinili mong cake!"
Kahit pabulong pa ang boses nila nakuha pang mag kulitan ng dalawang 'to.
"Gaano kasaya si Tin kahapon?" pabulong din na tanong ko nag mistulan tuloy kaming mag chichismisan sa harap ng hapag kainan.
"Masayang masaya siya dahil kasama namin yung Mama niya at si Cedrick. Bakit ba kasi bigla kang umalis kahapon tapos ayaw mo pang ipasabi kay Ate Tin na ikaw ang nag luto ng iba niyang handa?"
Hindi na lang ako sumagot kesa sa mag imbento ako ng dahilan. Uminom na lang ako ng mainit na kape.
Nag simula na rin silang kumain at inilapit naman sa akin ang mga ininit na mga natirang handa kagabi. Ito yung nakita ko sa ref na may naka sulat pang pangalan ko.
Habang kumakain naman biglang dumating si Tin, umupo siya sa pwesto niya sa tapat ko at tahimik lang na kumain. Parang may iba sa kanya na hindi ko ma ipaliwanag, nalingon ako kila Mang Teban at parang ganoon din ang na sa isip nila. Tila nangangapa kami ngayon kung paano siya kakausapin o kukunin ang atensyon niya.
Ang tahimik niya at para bang wala sa mood. Akala ko ba nag enjoy siya kahapon, eh bakit parang bad mood siya ngayon?
"Tin, anak pupunta ka ba sa transient ngayon?" tanong ni Aling Ester na nag pabasag sa katahimikang bumabalot sa kanya.
Nilingon naman nito si Aling Ester pero bumalik rin sa pag kain matapos sumagot. "Opo. Pero baka after lunch na po."
May problema ba siya?
Pag tapos kumain umalis na rin ang pamilya ni Mang Teban kaya kaming dalawa na lang ulit ni Tin ang naiwan dito.
Pumunta siya sa sala at binuksan ang T.V. Naisipan ko namang samahan siya at nag kunwaring manunuod din. Sa tagal kong nakatitig sa pinapanuod namin parang wala namang pumapasok sa isip ko, kahit kasi nakatitg ako sa screen yung utak ko naman iba ang iniisip.
Ano kayang problema niya?
Tumayo siya at nilagay ang remote control sa ibabaw ng mesa, "Ikaw na lang mag patay." Walang ganang sabi niya.
Hindi na ako nakatiis kaya tumayo rin ako para sundan siya, "Tin. Okay ka lang ba?" tinignan lang ako nito at doon ko napansin ang pamumugto ng mata niya. Kaya pala naka yuko lang siya kanina habang kumakain at iniiwasan na makipag usap sa amin, ayaw niyang makita namin yung itsura niya.
Hinawakan ko ang kaliwang pisngi nito, "Namumugto yung mata mo—" inalis nito ang kamay ko sabay talikod, "Okay lang ako!"
Muli ko siyang hinabol at pilit naman niyang tinatago ang mukha niya sa akin, "Umiyak ka ba?"
"Seb, inaantok lang ako. Tumabi ka na dyan at gusto ko ulit matulog." Humakbang siya sa kaliwa niya para iwasan ako pero hinarang ko naman siya bago pa siya makarating sa kwarto niya.
"May problema ka ba. Pwede mo ishare sa akin kung gusto mo, makikinig lang ako."
"Huwag na!"
"Bakit hindi ko ba pwedeng malaman, masyado bang private?"
Bumuntong hininga ito at nag balik ng tingin sa akin, "Next time na lang siguro kapag kaya ko nang sabihin."
Bago pa siya tuluyang makapasok sa kwarto niya muli kong hinila yung kamay niya dahilan para mabalik ang tingin niya sa akin, "Happy birthday! Sorry wala ako kahapon kasi—"
"Okay lang. Sige na Seb masakit din kasi yung ulo ko. Oo nga pala paki sabi kay Aling Ester na ipag tabi na lang ako ng lunch baka kasi hindi ako makasabay kumain." Tumango lang ako at binitawan na ang kamay niya, tipid naman siyang ngumiti at pumasok na ng tuluyan sa kwarto niya.
Pa ulit-ulit kong tinitignan ang orasan sa cellphone ko hanggang sa mag alas otso na ng gabi, hindi pa rin kasi siya lumalabas ng kwarto niya at yung lunch na tinabi ni Aling Ester para sa kanya napanis na rin kaya hindi na niya pwedeng kainin.
Habang nakatambay sa sala at hinihintay kung kailan siya lalabas sa kwarto bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.
Sa totoo lang hindi ko gusto ang ulan, ang dami kasing bad memories na bumabalik sa isip ko kapag naririnig ko yung patak ng ulan.
Tumayo ako at nag punta na lang sa kusina, nag iisip kung ano ba ang pwedeng kainin o gawin para hindi ko maramdaman na umuulan. Mag hapon lang din kasi akong nandito at nakakulong sa kwarto. Hindi ko na rin natuloy yung pag eedit dahil sa mabagal na connection ng internet tapos dumagdag pa yung pag iisip ko kay Tin.
Ayaw kong mag assume at malabo naman sigurong ako yung dahilan kung bakit parang wala siya sa mood mag buhat kaninang umaga. Hindi naman siguro big deal yung hindi ko pag bati sa kanya kahapon o pag punta sa party niya?
At saka bakit naman magiging dahilan 'yun ng pag ka bad mood niya, eh sa pag kakatanda ko may galit pa siya sa akin at ayaw niya nga akong kasama dito sa bahay kaya malabong 'yun talaga ang dahilan.
Alam ko na, baka may dalaw siya ngayon kaya bigla na lang nabago yung aura niya. Ganoon naman ang mga babae kapag dumadating yung monthly visitor nila. Minsan masaya, minsan naman masungit, pero madalas parang Tigre lalo na pag nagagalit.
Binuksan ko ang ref at nag hanap ng pwedeng kainin. Habang nag titingin nahagip naman ng mata ko ang mga gulay sa bandang baba.
Ano kaya kung ipagluto ko si Tin?
Dahil may repolyo at carrots naman baka pwede akong mag luto ng sopas. Masarap humigop ng sabaw lalo na kapag umuulan. Naghanap pa ako ng ibang rekado at ang swerte ko lang din dahil may pasta, gatas, sausage at manok dito sa kusina, kulang lang ng celery para mas lalong bumango ito pero ayos lang naman kahit wala 'yun. Sisiguraduhin ko na lang na masarap ang kalalabasan nito para kahit papaano mapangiti ko siya.
Sinimulan ko ng hiwain ang mga rekado at ihanda ang iba pang sangkap na gagamitin. Nang matapos ko lahat ng kakailanganin nag simula na akong mag luto. Nahinto nga lang ako bigla, para kasing may kulang sa ginawa ko kaya kinailangan ko pang isearch ang tamang pag luluto ng Sopas.
Nakalimutan ko pa lang mag hiwa ng sibuyas at bawang. Oo nga naman ang tanga mo Seb, paano ka mag gigisa kung wala kang sibuyas at bawang.
Habang hinihintay na lumambot ang pasta sinabayan ko na rin ng pag lalaga ng itlog.
"Anong ginagawa mo?"
Agad akong humarap ng marinig ko na ang boses na kanina ko pa hinihintay, "Kanina ka pa dyan?" tanong ko.
"Hindi. Ano ba 'yang ginagawa mo?" lumakad siya papalapit sa kinatatayuan ko pero ref pala ang pakay niya. Akala ko pa naman sa akin na. Nanatili siya sa tapat ng ref habang umiinom ng tubig at nakatingin sa akin.
"Nag luluto ako." Tinalikuran ko na siya at hinarap ang kasirola.
"Sopas!" Kinabahan na naman ako sa biglaan niyang pag lapit at nang tignan ko siya parang mas okay na yung itsura niya compare kanina na namumugto pa ang mga mata niya.
Hinawakan ko ang mag kabilang balikat niya saka dahan dahang tinutulak pa punta sa dinning table,
"Malapit na 'to kaya stay ka muna dyan!"
"Okay na ba yung kamay mo?"
Na pa tingin naman ako sa kamay ko at dahan dahang ginagalaw ito. "O-oo? Medyo? Sabi kasi nila kailangan daw i-exercise para mas mabilis gumaling."
"Sila Aling Ester pala kanina pa ba umalis?"
Mag ku-question and answer portion ba kami habang nakatalikod ako sa kanya at nakaharap naman siya sa akin?
"Kanina pa sila umalis tagal mo kasing magising—"
"Hala, pinag tabi ba niya ako ng lunch at saka dinner? Napasarap kasi yung tulog ko!"
"Oo, kaso lang napanis na pero yung dinner mo meron pa dyan."
Nang maluto na ang pasta agad na akong nag lagay sa bowl at nag balat na rin ng nilagang itlog, pag tapos nun dinala ko na sa kanya. Sana magustuhan niya.
"Special 'yan at bihira mong matitikman. Kain na!"
Nakatitig lang siya at halos hindi gumagalaw. Overwhelmed ba siya o panget lang yung plating ko.
"s**t! Oo nga pala hindi ka kumakain ng itlog." Mabilis ko itong tinanggal sa harapan niya, "Sa akin na lang 'to, wait lang ikukuha kita ng bago."
"Special sopas without egg!" naka ngiting sabi ko with matching taas pa ng eyebrows.
"Thank you." Nakangiting tugon niya nang ilapag ko na yung bagong bowl ng sopas sa harap niya.
"Kumusta yung lasa masarap ba?" tanong ko.
"Hmm... infairness oo."
Parang gusto kong tumalon sa saya dahil sa sinabi niya, knowing Tin hindi siya marunong mag sinungaling kaya alam kong masarap talaga yung luto ko.
Naka tsamba ka doon Seb!
"Kasing sarap kasi ng nag luto yan!" Sabi ko sabay subo ng isang kutsarang sabaw.
Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang bitawan yung kutsara niya, "Parang nawalan ako ng gana!" Inabot ko ang kamay niya, "Uy, joke lang 'yun." Nang tignan ko na siya nakatawa naman ito. "Joke lang din. Masyado kang tense!" Play time pala akala ko na badtrip na naman siya!
"Kailan ka pa natutong mag luto?"
Actually kanina lang.
"Matagal na pero pili lang ang alam kong lutuin at yung mga gusto ko lang."
"Hindi ka ba umalis?"
"Hindi. Wala naman akong naka planong puntahan ngayon."
"Okay ka na ba?" tanong ko naman.
"Oo nakapag pahinga na ako eh."
Nag iisip pa lang ako ng pwede pang itanong ng bigla naman niyang hawakan ang kanang kamay ko. "Mukhang pwede ka ng humawak ulit ng camera." Hinaplos haplos pa niya ng pa ulit-ulit ang buto sa mga daliri ko para makasigurado na wala na ang pamamaga nito.
"Pero mas gusto ko yung hawak ko ngayon."
Nahinto siya sa ginagawa niya at nang mag angat siya ng tingin pilit niyang iniiwas ang mga tingin niya sa akin pero pilit ko rin itong hinuhuli at ng mag tugma na ang mga mata namin natigilan rin siya at ngayon ay nakatitig na rin sa akin.
Habang papatagal bumibilis lalo yung kabog ng dibdib ko at namamawis ang kamay ko. Nang maalis ang tingin ko sa mga mata niya 'yun naman ang naging daan niya para tanggalin ang kamay niya mula sa pag kakahawak ko.
"Me-medyo uminit 'no? Oo, parang pinag pawisan ako sa Sopas mo!"
"Oo nga. Gusto mo ng electric fan? I mean magdadala ako ng electric fan. Te-teka kukuha na ako dyaan ka lang!"