Chapter 13

1696 Words
- Reeca - “Mommy wake up na ikaw." Isang boses ng anghel ang namulatan ko ngayon. Medyo hilo pa ako pero pinilit kong minulat ang mga mata ko. “N-neeca" “Mommy!" biglang sigaw ng bata. Nakaupo pala ito sa aking kinahihigaan kaya ang bilis lang nito na yakapin at pugpugin ng halik sa aking buong mukha. “Nagugutom ka na ba ngayon?" pag-aalala ko dahil baka nagugutom na ito at ito ako ngayon nakahiga at mukhang inatake na naman ata ng sakit ko. “Yes Mommy. We eat na po." sagot naman nito s sakin habang sinisipat ang buong mukha ko. Teka anu bang nangyari sa akin kanina? Nag-iisip ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aking silid. Pumasok mula roon si Cecil at ang dalawa pang kasambahay na may bitbit na mga pagkain. Bumangon ako kahit na nakayakap na parang tuko sa akin si Neeca. Napansin ko na may table na pinasok sa kwarto ko at may apat na upuan. Ngumiti sa akin si Cecil na halata sa mukha ang pag-aalala ngunit yumuko na ito at tumalikod na habang nakasunod sa kaniya ang dalawa pang kasama nito. Saktong paglabas ng mga ito ay ang pagpasok ni Sir Vrikzor at si Zor. Nagtama ang mga mata namin ni Sir Vrikzor at biglang kumabog ng husto ang aking dibdib. ”Are you okay now mmm?" baritong boses na tanong nito sa akin habang palapit ng kama. Ang boses niya na walang kasing lambing. It sounds familiarity to my ears and my heart feels so warmed. He touched my cheek. Parang gusto tuloy magwala ng mga bulate ko sa tiyan dahil pakiramdam ko ay may nagrambulam. Grabe naman ‘to si Sir pa-fall! Sa akin lang ba ito ganito ka-sweet o ganito rin siya sa lahat? Parang gusto ko tuloy sumimangot sa kaisipang iyon. Inuna niyang kinuha sa aking kandungan si Neeca at kinarga ang paslit, hindi naman nagreklamo ang bata at mabait na yumakap sa leeg ng Daddy nito at pinaupo sa tabi ng kaniyang kuya Zor. Matapos nun ay malaki ang hakbang na nakalapit agad si Sir Vrikzor sa akin at walang anu-ano ay binuhat ako nito na para bang kasing bigat lang din ako ng kaniyang anak na si Neeca. “A-ah S-sir" namumula ang buong mukha ko ng ibaba ako nito sa upuan katabi ko sa kaliwa si Neeca at katapat ko si Zor na kapwa nakatingin ang dalawang bata sa akin. Hiyang hiya tuloy ako sa mga ito. Habang si Sir Vrikzor naman ay parang wala lang dahil iisa lang ang expression ng mukha nito na umupo sa aking kanan. Sa buong panahon nang aming dinner ay para lang akong robot na sinisilbihan ni Sir Vrikzor. Ang masarap na pagkain ay siya pa ang naglagay sa aking pinggan kahit na ilang beses ko na itong tinanggihan. Kaya ang ending ay wala naman akong nagawa. Ako nalang ang naglagay ng pagkain para kay Neeca. Maayos at malinis kong sinusubuan si Neeca habang si Zor naman ay tahimik na kumakain na para bang mature na tulad ng kaniyang Daddy. “You got hurt Mommy. Are you okay now?" pambasag sa katahimikan ng kinakain namin si Neeca. “Huh? H-how?" pagtataka ko. “Daddy told us." tumingin pa si Neeca sa kaniyang Daddy habang nginunguya ang isinubo ko sa kaniya. Wala sa loob na napahawak ang kaliwang kamay ko sa aking kaliwang pisngi. May nakapa akong bandage na ngayon ko lang napansin. Nagtataka ako ng ilan pang segundo bago ko na-realize ang nangyari kaninang hapon bago ako nawalan ng malay. Ang tatlong katulong na iyon, biglang sumugod sa akin at sinaktan ako habang nagsasampay ako ng nilabhan ko. “Daddy i Mami blednyye. On vse yeshche bolen?" salita ni Zor na mukhang natigilan ng tignan ako. Binitiwan nito ang kubyertos at parang nakikita ko sa mga mata nito ang pag-aalala. *Daddy , Mommy is pale.. Is she still sick?* “Dont touched your face. Let's finish our dinner first" mapang-utos na salita ni Sir Vrikzor. Kaya muli ay natahimik kami. Maski si Neeca ay para bang gusto pa magsalita pero nakita kong umiling si Zor sa kaniyang kapatid. Ang sarap pa naman ng pagkain na nakahain ngayon, kahit na nakakailang ang katabi kong si Sir Vrikzor ay nagutom ako. Nakarami kasi ako ng kain, habang tapos na ang dalawang bata ako ay nakatatlong pinggan pa. Ewan ko ba san ba ako kumukuha ng kakapalan ng mukha at gutom na gutom ako. Habang si Sir Vrikzor naman ay sinasabayan ako sa pagkain dahil nakatatlong pinggan din ito. Basta ang saya ng dinner na ito na para bang isa kaming pamilya. “Ooppss sorry!" agad kong tinakpan ang bibig ko ng bigla akong dumighay. “Its okay Babe". Parang gusto tuloy humiwalay ng puso ko sa aking katawan ng marinig ko na sumagot si Sir Vrikzor. Tama ba ang pandinig ko? Si sir Vrikzor tinawag niya akong Babe? O guni-guni ko lang iyon. Namumula ang buong mukha ko na napatingin sa kaniya. “Why Mommy is blushing? Are you shy?" singit naman ni Neeca . Pakiramdam ko tuloy ay nakalimutan ko nang huminga. Jusko po Lowrd! Parang magkakasakit ata ako sa puso sa mag-aamang ito. Habang si Zor naman ay nakatitig lang sa akin at hindi nagsasalita. “A-ahh" hindi ko alam kung anu sasabihin ko ng magsalita si Sir Vrikzor. Tinawagan niya sila Cecil para ligpitin na ang lahat ng aming pinagkainan. Matapos nun ay nagyaya si Sir Vrikzor para manood magmovie marathon kami. Tuwang tuwa naman ang mga bata. Maski si Zor na tahimik lang ay nakita ko ang napakagandang ngiti, lalo itong naging gwapong bata tulad ng kaniyang Daddy. Ang ngiti ni Zor ay para bang nakita ko na noon. Nagtakbuhan ang dalawang bata palabas ng kwarto ko. “Be careful" Pero parang nagsalita lang ako sa hangin ng pumasok ang dalawa sa elavator. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa dalawa pero nakadalawang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang isang malaking kamay na humawak sa aking maliit na kamay. Si Sir Vrikzor. “S-sir?" napatingala ako rito ng matapat ito sa akin. Jusko hindi ko talaga kinakaya ang presensya ni Sir Vrikzor sa akin. Nakakatunaw ng mga buto-buto kung tumitig. Makalaglag panty pa! “Dont hurry Babe." “B-babe?" Parang gusto tumirik ng mga mata ko nang marinig kong muli na tawagin ako ni Sir Vrikzor sa tawag na iyon. Bumuntong hininga si Sir Vrikzor, and he gently touched my cheek. Lumamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. “Im sorry for everything Babe. I'll make sure you will never get hurt and suffer again. I missed you so bad Honey." His eyes was full of emotions that I can't explain. Nanigas ang buong katawan ko sa narinig na salita mula kay Sir Vrikzor. Kahit mahina ang utak ko ay nakakaintindi naman ako ng kunting english. Pero sa pagkakataong ito, pati puso ko ay gustong maiyak. Totoo ba itong naririnig ko ngayon kay Sir Vrikzor? Buhay nang mapunta ako sa mansiyon na ito ay puro kakaiba ang kinikilos ng mga ito sa akin na kahit hindi nila sabihin sa akin ay malakas naman ang pakiramdam ko ngunit hindi ko maipaliwanag. “S-sir Ako po ba kausap mo?" paninigurado kong tanong. Kahit sobra na ang tambol ng aking dibdib. “Babe, you still not changed. Even we have been parted for years but you're the same woman to my life. The woman i loved. The mother of my children. My one and only Reeca. My Wife." Napaawang ang aking bibig sa mga sinabi ni Sir Vrikzor. Pilit kong pinapasok sa utak ko at hinihimaymay ang bawat katagang nabanggit nito. My one and only Reeca. My Wife. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami dito sa tinatawag nilang movie house. Para pa rin akong nawawala sa sarili habang nakatitig sa napakalaking movie screen na akala mo ay nasa totoong sinehan na. “Wow i love that. Thank you Daddy!" masayang pumalakpak pa si Neeca habang nakaupo at winagayway ang mga paa. Moana kasi ang gustong panoorin. “Welcome my princess." masayang hinalikan sa sentido ni Sir Vrikzor ang kaniyang unica hija. Nasa gitna namin nakaupo si Neeca habang nasa kanan naman ni Sir Vrikzor si Zor na tahimik lang na nanonood. Kahit mukhang hindi ito interesado sa pinapanood ay bakas sa mukha nito na masaya ito. I really want to talk to Zor so bad. Pakiramdam ko kapag nagkausap kami ng heart to heart ay mawawala na ang worries ko. Malayong-malayo kasi sila ng ugali ng kaniyang kapatid na si Neeca na madaldal. “Masasanay ka rin ulit Babe. Let's enjoy this beautiful moment for our kids". Tumingin ito sa ako. Umabot ang mahabang braso ni Sir Vrikzor hanggang snaking kinauupuan. Niyakap niya ako. Napapikit ang mga mata ko dahil hanggang ngayon kasi ay ayaw pa mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi nito kanina lang. Para kasing malaking kalokohan lang dahil naparito lang naman ako para mag-alaga ng mga bata at hindi ito ang inaasahan ko. Hindi kaya napasukan na nang masamang hangin si Sir Vrikzor sa katawan dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang tunay nitong asawa? Kahit na sa puso ko ay gusto ng tanggapin ang sinabi nito kanina pero parang hindi naman ata tama. Even Neeca's non-stop calling me that I'm her Mom ay hinayaan ko na lang dahil nangungulila ito sa totoong Nanay. Pero bakit ganito? Ang gulo-gulo naman. Jusko po baka wala pang isang buwan ako rito ay mabuwang na ako. Kailangan ko na sigurong tawagan si Farrah para sabihin ang mga ganitong bagay. Tama, simula kasi nang ihatid ako nito ay kinabukasan ay hindi na kami nagkausap pa. Habang kanina lang ay nakita ko si Jackson kasabay nito na dumating si Sir Vrikzor. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.. “Shhh Mommy is sleeping." “Your voice is too loud Neeca." “No you are noisy Kuya! hmmph!" “My children stop the argument, follow to your Nanny's now and go to bed. I'll put your Mom in to her bed. She is tired." “Yes Daddy!" sabay na sagot ng dalawang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD