Habang binabantayan ni Althea ang kaniyang anak na nasa rehas, ay kinakausap niya muna ito pansamantala. “Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo Ezekiel? Hindi mo na inisip ang sarili mo?” pahayag ni Althea sa kaniyang anak, Nakatungo lang si Ezekiel at nanahimik lang habang kaharap ang kaniyang ina. “Pipilitin naming tulungan kang makalaya, babalikan ka namin dito ah—” saad naman ni Cedric habang niyayaya na palabas si Althea. At nang papalabas na sina Althea at Cedric, “Ano ba?! Ayaw ko ngang iwan ang anak ko doon!” sigaw naman ni Althea dito. Napakamot si Cedric sa ulo dahil sa inis, “Ano ka ba? Sa tingin mo may mapapala ka doon kung doon ka titigil? Akala ko ba gusto mong makalaya ang anak mo? Gawan mo ng paraan, kumilos ka. Hindi yung iiyak-iyak ka nalang doon at mag-hihint

