Nang maihatid na ni Drix ang kaniyang girlfriend na si Gabriella ay nakauwi na ito sa kanila. Nang biglang bumungad sa kaniya ang kaniyang ina, “Drix, ano? Kamusta ang girlfriend mo?” tanong naman kaagad nito, Nag-deretso si Drix sa kusina at kumuha ng tubig na kaniyang iinumin, at nang makakuha ay tumungo ito sa sofa at naupo upang mag-pahinga. “Ayun mom, she’s so drunk. Niyaya pala siya ng iba niyang ka-workmates,” saad naman ni Drix sa kaniyang ina. Naupo na muli si Sabrina, “Hindi mo naman sinabi sa akin na girlfriend mo napala, parang kailan lang kakasabi ko lang sayo ah na—” putol na pag-kakasabi ni Sabrina anng umimik muli si Drix, “Yes mom, I know. Nag-lakad nalang ako ng loob, nag-confess ako sa kaniya dahil sabi mo nga baka mag-sisi pa ako sa huli kapag mas pinatagal ko. Hin

