Kinabukasan ay naisipang pumunta ni Althea sa kompanya ni Sabrina na dating kompanya ng kaniyang ina. At habang nag-hihintay si Althea sa lobby ng kompanya ni Sabrina ay bigla namang dumating na si Sabrina. At habang papasok si Sabrina ay agad na humarang sa kaniya ang assistant nito na nakausap ni Althea. “Madam, may nag-hahanap po sa inyo,” pahayag ng assistant ni Sabrina sa kaniya, “Sino?” tanong naman ni Sabrina dahil napansin nito na tila parang natatakot ang assistant nito sa taong tintutukoy niya. Agad namang tinuro nito ang babae, at nang lumingon siya ay nakita niya sa malayo si Althea na nakaupo sa upuan at nakatingin sa kaniya. “Okay, isunod mo siya sa opisina ko. Kailangan ko rin ng security guard if ever, okay?” pahayag naman ni Sabrina sa kaniyang assistant. “Copy mada

