Nang makapasok si Drix sa kaniyang opisina, ay biglang hinila ni Zoren ang anak ni Althea na si Ezekiel. “Hindi ka na nahiya! At ano ba ang ginagawa mo doon? Hindi ka naman pwede dito ah!” sigaw naman ni Zoren kay Ezekiel. “Hindi ko naman po sinasadya, sinilip ko lang kayo kung ano ang ginagawa niyo. At tsaka hindi ko naman alam na boss pala siya dito dahil sa mukha siyang bata para tingnang boss,” tugon naman ni Ezekiel kay Zoren. “Hindi talaga dahil anak siya ng ex ko,” pahayag naman ni Zoren kay Ezekiel. Nagulat naman si Ezekiel nang sabihin iyon ni Zoren sa kaniya, “Alam ba yan ni mommy?” tanong naman ni Ezekiel Nang biglang sinamaan ng tingin ni Zoren ito, “Alam mo ikaw, kahit pa sabihin mo sa ina mo ang tungkol dito wala naman siyang magagawa. Lalo na at hindi rin naman alam

