Hindi alam ni Zoren ay nang sabihin niya iyon kay Sonia ay naririnig ni Althea ang lahat. At dahil doon ay mas natakot ito na baka kung anong gawin niya sa kanilang mag-asawa lalo na at nakita na naman niya si Sabrina. -- Kinabukasan nang pumasok si Zoren sa kaniyang trabaho ay nagulat siya nang makita niya si Ezekiel na nasa loob nito at suot ang maayos na damit. “Oh? Bakit nandito ka? Hindi ka dapat dito,” pahayag naman ni Zoren dito, Nagulat naman si Ezekiel nang sabihin iyon sa kaniya ni Zoren, nang agad niyang inalis ang pag-kakahawak sa kaniya. “Wag niyo akong diktahan ng ganiyan dahil wala kayong pakielam kung saan ko gusto mag-hanap ng trabaho,” tugon naman ni Ezekiel kay Zoren. Hindi naman akalain ni Zoren na gagawin iyon sa kaniya ni Ezekiel dahil hinahabol niya ang interv

