Alas dos ang appointment niya kay Dr. Manalo. Ipinahatid siya ni Alex ngunit hindi na lang siya nagpasama. Nakakahiya na rin. The usual stuffs ang ginawa sa kanya nang makarating sa klinika. Tinimbang siya, kinuhanan ng blood pressure, at kung anu-ano pa. “Hm, looks good, Mama,” ang doktora habang may sinusulat sa pad nito. “So, are you ready to know the baby’s gender yet?” Napatingin siya sa pintuan. Hinihintay niyang bumukas iyon at dumating si Noah. Lampas alas dos na. Matigas siyang tumanggi na sunduin pa siya nito sa bahay kanina. Masyado na siyang nakakaabala sa trabaho. Nakakahiya rin naman sa doctor kung paghihintayin kahit gustong-gusto niyang kasama si Noah habang inaalam ang gender ng baby. “S-sige po, Doc.” Pumanhik sila sa isa pang silid ng clinic. Pinagpalit siya ng gown

