Ilang beses na sinipat ni Noah ang address na nababasa sa phone. Sinisigurado niyang tama ang meeting place. He was parked in front of a high-end bar in Taguig. JB, ang tanging nakatatak sa labas. “Bar, really?” Sinipat niya ang sarili sa salamin. He was wearing his executive attire. Malayo sa mga kasuotan ng mga nakapilang papasok. He was literally out of place, sa edad at ayos. Tinanggal niya ang coat, isinunod ang tie at inilapag ang mga iyon sa upuan. Nilukot niya rin pataas ang sleeves ng polo at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. Nabawasan kahit papaano ang kapormalan niya. Hindi na masyadong nakakahiyang pumasok. Of all places, bakit dito pa napili ng mg aka-meeting niya? Kaagad siyang pinapasok at iginiya ng isang tauhan patungo sa isang VIP room. Mabibilang lang sa mga dalir

