35 (Hinala)

1081 Words

“Noah!” Napabalikwas siya ng bangon nang magising na mag-isa na lang siya sa kama. Kinabahan siya na hindi mawari. Para lang kasing ang nakakatakot na magising na wala ito sa tabi niya. Nasanay siyang unang nagigising sa kanilang dalawa at ilang saglit na tititigan muna ang gwapo nitong mukha bago simulan ang bawat araw niya. Nagmamadali niyang isinuot ang tsinelas at naghablot ng roba sa walk-in closet. “Noah!” Nagsimula siyang maghanap sa lahat ng sulok ng bahay. Wala ito sa banyo. Wala rin sa kusina. Tinalunton niya ang terrace. Noah was nowhere to be found. Hinagilap niya ang cellphone at kaagad na dinutdot iyon. Nag-ring ang phone ni Noah. Naiwan pala ito sa silid nila. “Nasaan ka ba?” Palakad-lakad siya habang nakapatong sa noo ang palad. Alam niyang hindi maipinta ang mukha ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD