47 (Tapang)

2568 Words

Ang makasama sa iisang silid sina Noah at Cadence nang sabay ay sadyang nakakapanibago kay Alina. Naiilang siya sa totoo lang. Mabuti na lang at nandito si Alex at hindi siya iniwan. Alex knew kung kailan magtatapon ng antics kung ramdam nitong naaasiwa na siya. Makailang ulit na niyang natupi ang mga damit ni Penne habang nasa living room siya ng suite. Pakiramdam niya kasi ay naiipit ang kalooban niya. Kanina nang dumating si Noah ay halatang nagulat ito nang maratnan si Cadence sa loob. She was there sitting beside Penne. Dumaan muna ang mga mata ni Noah sa kanya, tila humihingi ng paumanhin. "Hi, Babe!" Kaagad nakalapit si Cadence kay Noah at pinatakan ng halik ang labi nito. Napabaling siya ng tingin sa ibang direksyon. It was deliberate. Sa kanya pa talaga nakatitig si Cadence.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD