18 (Lagda)

2543 Words

Ramdam niya ang matatalim na mga titig ni Noah. Bumabaon sa kanya habang kampante lang itong nakaupo sa swivel chair. Simula nang pumasok sila kanina sa silid na ito ay hindi ito nagbago ng posisyon. Natatakot siyang salubungin ang mga titig nito na batid niyang nakatutok sa kanya, nakikita niya sa gilid ng kanyang mga mata. Kaya naman walang tigil sa pangangatog ang kanyang mga tuhod at ang dalawang magkasalikop na mga palad na nakapatong roon ay wala ring hinto sa panginginig. Sa katunayan ay nagkukulay maputla na ang mga palad niya dala nang mariing pagkuskos. "Playing like a true wife, huh?" Hindi mangatngat sa isipan niya ang sinabi nito kanina sa nang-uuyam na tono. At ngayon, heto at nakakulong sila sa loob ng malamig na opisina nito. Pinasunod siya kanina. With the growing silenc

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD