He walked past his employees with his mind occupied with the news that reached him. Ang aberya sa shipyard sa Balamban kung saan siya nanggaling. Sa kabila niyon ay napapansin niya ang nangyayari sa paligid. “Happy Valentines, babe!” Isang empleyado ang malakas ang boses na kausap sa phone, may hawak itong isang bungkos ng roses. Napalingon siya sa paligid. There were hearts in every cubicle. Sa lobby kanina ay may giant balloons na kinorteng puso. Napalingon siya sa sekretarya. “Valentine’s day, Sir.” Alina and him, they never celebrated Valentine's Day together. Nang tuluyang makapasok sa opisina at kasalukuyan namang inaayos ng sekretarya ang files na kailangan niya sa mesa, napatingin siya sa phone. Hindi na siya nakapunta sa bahay ni Alex kanina dala ng emergency. He had to fly

