MAAGANG na gising si Cassie. Balak niyang kausapin ang ama sa naisip niyang negosyo. Buong araw rin siyang nag-aruga kahapon kay Pedro. Masyadong matamlay ito taliwas sa machong katawan. Siya mismo ang nagdala ng pagkain nito at sinubuan rin niya. Halos hindi ito maka-upo ng matuwid. Bagay na kinabahala niya. Ng tumawag siya kay Doc Grace mga bandang hapon, ang payo nito ay painumin lang ng multivitamins at magpahinga. Sabi pa nito ay talagang mabagal ang recovery ni Pedro dahil sa pagkabagsak sa daan. Wala naman nakitang concussion si Doc kaya hindi na kailangan pang dalhin sa hospital. Napanatag naman siya sa narinig at binigyan na lang niya ng sponge bath si Pedro. Medyo maliwanag na ang buong kwarto ng matapos siyang magbihis at maghilamos sa banyo. Nakaupo na rin si Pedro sa

