TIRIK na ang araw at pawisan na si Cassie. Day one ngayon sa pagsisimula niya ng pag-ayos ng gusali para sa gusto niyang gawing organic farming. May iilang tauhan ang ama niya na pinatulong sa kanya. Si Pedro ay nag-volunteer rin tumulong. Una niyang project ay magpatayo ng bahay para sa mga free-range chicken. Sa dami ng inasal shops sa lugar nila madali siyang makakahanap ng buyer. “Sexy Bunny, sigurado ka bang tama itong mga measurement ng poste? Tingin ko mas maganda if mas malapit ito.” Pag-recommend nito. Na gulat naman siya sa suhestyon nito. Tiningnan niya muli ang plano na pinagawa niya sa engineer. Nilapit niya iyon sa asawa. “Tingnan mo ito. Naka lagay dito na three meters apart.” Tinuro niya iyon at tiningnan niya ng maige ang legend sa baba ng blueprint. “Sexy Bunn

