SABENA POV Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Alex pero sigurado ako na may binabalak siya. Ngumiti ako sa kanya. "Mag ingat ka kay Mailley, dahil nakita ko na sinundan ka niya kanina. Buti na lang di niya nakita, na si Alexiah ang kasama mo."sabi ko sa kanya. Tela nawala ang pagiging seryoso ng mukha niya at nagtatakang tumingin sa akin. "Sinundan ako ni Mailley?" Tumango ako. "Well, i saw her accidentally. Noong tumawag kang papunta kayo sa cementeryo ni Alexiah. Nakita ko na si Mailley, remember Alex hindi ka niya pweding makita na kasama si Alexiah at lalong di ka pweding makita ni Alexiah na kasama si Mailley.."seryoso kong sabi sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin. "Yeah. Okay i have to go, kung ano pang plano ni Sue. Sabihin mo kaagad sa akin."sabi niya at tinalikuran

