MAILLEY POV "Mailley, bakit mo inurong ang kasal?Marami ka ng sinakripisyo para kay Harryd tapos iuurong mo lang?"Agad na tanong ni mommy. Kung pwedi lang sabihin saiyo ang totoo mom ginawa ko na. "Hindi kami pweding magpakasal mommy,"sabi ko. "Dahil ba sa akin?" Nag angat ang tingin ko sa kanya at binaba ang hawak kong alak. "Alam niyo mom na may anmesia si Harryd. Kapag bumalik ang alaala niya, anong laban ko? Syempre mom galit ang mangingibabaw sa kanya para sa akin. Ako lang din ang mahihirapan.."sabi ko sa kanya. "Mailley, alam ko 'yon pero kailangan bang maging ganito ka. Ayokong nakikita kang ganito Mailley, hindi ko kaya."mommy. Ngumiti lang ako sa kanya. "Wag kang mag alala mom, kaya ko ito. Hayaan niyo munang ganito ako. Puntahan mo muna si Sue baka gusto ka niyang makau

