2YEARS LATER. **3RD. PERSON POV** "Alex, tama na 'yan marami na ang naiinum mo."Pigil ni Lorena kay Alex pero hindi ito nagpaawat at tuloy parin ang pag inum nito. "Hayaan niyo ko! Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko at makalimot saglit sa sakit na nararamdaman ko." Nagkatinginan si Shaniya at Lorena dahil sa sinabi nito. Dahil maging sila walang alam kung ano bang nangyayari kay Alex. Kakabalik lang ni Shaniya galing sa korea, noong isang linggo. Maging si Sabena na kasama ni Shaniya sa pagbalik. Lagi naman silang magkasamang dalawa tuwing bumabalik sa pilipinas. Habang si Lezzy naman nagbabakasyon kasama ang asawa nito na si Jarryd. Habang wala silang alam kung ano na ang nangyari kay Axenia at Erica na parehong nasa america. Ngunit si Erica, uuwi siya sa pilipinas dahil narin na

