Chapter 2

2813 Words
Chrystelle Pov Another day come ,i act like its a normal day kahit alam kong hindi. Ang masaklap pa kaklase ko pala sila. So here i am, Acting like they are nothing to me. "Xiah, ‘yong usapan natin huh?" bulong ko kay Xiah. Tumingin s’ya sa akin at tumango. Mayamaya pa at breaktime na kaya inayos na namin ni Xiah ang gamit namin saka tumayo. Hindi ko napansin na nasa harap na namin si Lherry. "A-Ahm El- I mean, Ms. Yuri." Sabi ni Lherry. Tumingin ako sa kanya, nakikita ko ang pagkasabik niya at lungkot. "Hindi mo ba talaga ako kilala?" sabi ni Lherry. I just stare at her. "A-ako to Elle, si Lherry ‘yong kaibigan mo no’ng high school, Elle." Sabi ni Lherry.Napatingin ako kay Xiah. "Ahmm Lherry Right? Pasensya na pero siguro nakalimutan kana n’ya. She lost her memory 2 yrs ago in a car accident that’s why she can't remember you." Sabi ni Xiah. Gulat s’yang tiningnan ako at tinitigan kaya nakipagtitigan ako sa kanya. S’ya ang unang umiwas at tumingin kay Xiah. "C-Car accident ? Eh hindi naman car accident ang nangyari sa kanya 2 yrs ago. Nasunog lang ‘yong bahay nila na inakala naming n-namatay s’ya." Sabi ni Lherry. Napatingin sa akin si Xiah. Maging ako nagulat sa sinabi ni Lherry. Nasunog ang bahay ko? Paano nangyari ‘yon? Sa pagkakaalam ko pagka uwi ko ay kinuha ko ang mga gamit ko at umalis na. Tinawagan ko noon si Dexten ang kaibigan ko at doon ako tumira ng anim na buwan sa kanila, bago ako pumunta sa Amponan kung saan ako galing kaya nagkita ulit kami ni Xiah. Wala akong balita sa nangyari sa bahay ko. "Pasensya na Lherry hindi ko matandaan ang bagay na ‘yan."sabi ko. "P-Pero…" sabi ni Lherry. "Pasensya talaga Lherry. Let’s go Elley." hinila ako ni Xiah pero humarang ulit siya. Isa ito sa ugali ni Lherry noon paman hindi sumusuko. "K-Kung nakalimutan mo na nga ako. P-Pwede mo pa ba akong pagbigyan? N-Na maging kaibigan ka ulit?" hindi ko inaasahan ang tanong na iyon ni Lherry. Napatitig ako sa kanya. Naging mabait sya akin noon. Tinutulungan nya ako kahit hindi ako humihingi ng tulong sya lang ang naging kaibigan ko noon at sa totoo lang namiss ko s’ya. Siguro naman wala akong dahilan na humindi dahil naging mabuting kaibigan ko siya.Napatingin si Xiah sa akin. I smiled. "Sige."sagot ko. Lumaki ang ngiti niya. "Woah! Talaga? I am so happy!" wika ni Lherry. Okay nakalimutan kong masyado syang maingay kapag masaya.Siniko ako ni Xiah at tumango naman ako. "Yes! tara ipapakilala kita kina Kuya. Alam mo bang namiss ka rin nila.”  Nawala ang ngiti ko. "Lherry, pasensya na kaso wag nalang aloof kami sa guys eh, kaya kahit ikaw nalang ang pewedi naming makaibigan. Okay na wag na sila at saka ayoko ng maalala pa ang nakaraan ko feeling ko kasi masasaktan lang ako kaya wag mo ng ipaalala pa yon ah. Ang gusto ko let’s start for a new friendship."nakangiti ko ng sabi. Natahimik sya bigla. "Sure! So anong itatawag ko sainyo ngayon?” Nagkatinginan kami Xiah at ngumiti. "Just call me Xiah." "Elley for short."Sabi ko. Ngumiti sya. "Lherry! so ngayon na magkaibigan na tayo tara sabay na tayo mula kasi ng lumayo si Ate Chrystelle wala na akong kasama at dahil nandito may makakasama na ako! Ang saya." Sabi ni Lherry na may ngiti sa mga labi. Hinila nya kaming dalawa ni Xiah at buti nalang hindi kami nakaheels baka kanina pa kami nadapa. Namiss ko ang kakulitan nya. Lawrence Pov "Kuya! Kuya!" bungad ni Lherry. Napatakip kami sa tainga. Kahit kailan talaga ang ingay ng babaeng ‘to parang bata. "Ano na naman bang problema mo?" inis na sigaw ni Ryd. "Kuya naging kaibigan ko na si Elley!" lherry. "Who is that f*****g person?"sgaw ulit. Kanina pa mainit ang ulo ni ryd ah,hindi ko alam kung bakit. "Si Elle, Elley na tawag ko kasi yon daw nickname nya short of Christhelle."Lherry. Kahapon ko pa naririnig ang pangalang Elley na yan. Well, nakita ko na ang tinutukoy nilang Elley At s’ya ‘yong babaeng nasa wallet ni Ryd ng minsang makita ko ito. Sino sya sa buhay ni Ryd?2 yrs ko na silang kasama pero mukhang ako lang ang di nakakilala kay Elle dahil pansin kong pati si Kenji at Darren kilala si Elle. Pero ano nga bang nangyari sa Elle na ‘yon at ‘di sila makilala? "Si Elle?" tanong ni Ryd. Tumango si lherry. "Kuya hindi niya tayo maalala dahil may amnesia siya naaksidente siya, car accident 2 years. ago kaya di nya tayo nakikilala." malungkot na sabi ni Lherry. 2 yrs ago?So wala na ang babaeng yon ng makasama ko ulit sila.Tiningnan ko sila Ryd at napansin kong gulat sila. "Sinabi ko nga na ipakilala ko kayo, ang kaso ayaw nya raw aloof daw sila sa guys. Kaya sorry di ko kayo maipakilala pero im sure hindi matatapos ang buwan na ito kasama na natin sila. Masya ako dahil kaibigan ko na sila. I stood up when my phone rang Kaya lumabas muna ako sa veranda dito sa V.I.P room namin. I saw Mom calling. "Hello Mom." "Lawrence darating na ang chairman sa susunod na araw naghahanda na ba kayo?" Natigilan ako. "O-Opo Mom" “Sige, nga pala sabi ng Chairman kakanta sina Crystal bakit kailangang imbitahin pa ang babaeng ‘yon.” Iyon lang at ibinaba na nito ang tawag. Sina Crystal? Matapos tumawag ni Mommy. Napasandal ako sa pader. Crystal Adela makikita na rin kita ulit. Chrysthelle POV "Gusto ko ‘yan halikayo!" sabi ni Lherry. Sabi ng professor namin kanina ay okay lang daw na lumibot kami kasi foundation week ng school. Next week pa ang regular class kaya heto kaming tatlo namamasyal. Maraming Rides at games. May mga nagtitinda ng pagkain at mga booth. Ngayon heto kami nakaharap sa isang game may hawak syang dart at tinitira ang mga balloons."Ah! kaasar naman!" sabi ni Lherry.Kanina pa sya ganyan,sumisigaw kapag hindi nakakatama. Napailing kami ni Xiah habang nakangiti. Kanina pa rin kami tinitingnan ng mga dumadaan at humihinto para tingnan ang ginagawa ni Lherry. Napapansin ko ‘yon kanina pa. 'Sino kaya yang kasama ni Princess Lherry?' 'Kaklase namin yan ah ' 'Talaga?close sila.?' 'Iwan kasi si lherry ang lumapit sa kanila at kinaibigan sila.' 'Grabe bago yon ah.' 'Oo nga, mula ng umalis si Crystal wala s’yang kinakaibigang baba.' Napatingin kami sa nagsalita at umiwas agad ng mapansing sinamaan sila ng tingin ni Lherry. Okay? Anong meron at takot sila kay Lherry? "Gusto mo ng tulong Babe?" Napatingin kaming tatlo sa nagsalita at napalunok ako kung sino ang mga yon. Nagtama ang paningin namin ni Ryd. Deretso lang ang tingin nya sa akin pero nakikita ko ang lungkot doon. Ngumiti ako sa kanya ayokong ipahalata na kilala ko sya. Saka ako tumingin kay lherry na kinikilig ata dahil pumalit si darren sa kanya.Sumulyap si darren sa akin saglit.Pero hindi ko na sya pinansin. Kinuha ko ang dart at binato yon ng walang alinlangan."Woah! nakuha mo ang 2nd price Elley!" tili ni Lherry.Nagulat ako sa ginawa ko,ako ba gumawa non.Maging ang nasa paligid ay nagulat.Okay,Wala na akong pakialam.Bumaling ako kay Lherry."Paano mo nagawa yon?" sabi ni Lherry. I smiled. "Hindi naman lahat kailangang asintahin at seryosohin. Kung gusto mong tamaan ang target ibato mo ng walang alinlangan." Simple kong sabi at ngumiti sa kanila. Kinuha ko ang teddy bear na hindi kalakihan ito raw ang premyo. Kulay asul ang teddy bear, hm… okay na ito. Tiningnan ko si Xiah. What the heck? She's talking now with Kenji? Napailing nalang ako, nagpaalam muna ako dahil may bibilhin ako sa kabilang booth. May nagtitinda kasi ng mga keychain doon. Tumingin-tingin ako doon at natuon ang pansin ko sa isang keychain na heart shape. ito lang ‘yong naiiba kaya kinuha ko agad. Saka ko sinuri. Maganda sya, dark red ang kulay  nito. Napansin kong may nakasulat sa likod nito. BE LOVED.Huh? Beloved? Tiningnan ko itong mabuti. "Ate May kasama po ang keychain na yan. Ano po ang nakasulat sa likod?" tanong no’ng bata na sa tingin ko ay high school. " be Loved?"sambit ko.Ngumiti sya. "Ahhh kasi po nakuha napo ng isang guy ang unang kasama ng keychain na yan ate ,kung 'Be Loved' ang nakuha mo iBig sabihin iyong nasa guy nayon ang unang words,"nakangiti nyang sabi. "Anong nakasulat sa unang word?"tanong ko.Ngumiti siya. "Ang nakasulat nang buong keychain Na yan is, DESTINED TO BE LOVED at dahil na sa iyo ang 'be loved' ibig sabihin nasa kanya ang 'Destined to'."Sabi nito. Muli kong tiningnan ang keychain at nakaramdam ako ng kakaiba Na parang gusto ng puso ko na kunin ito."Magkano to?"tanong ko. "Libre nalang yan saiyo ate, sabi kasi ni lola kung sino ang unang makakapansin sa dalawang keychain na yan Libre na."Nakangiti nyang sabi kaya napangiti ako. "Salamat ah."sabi ko nalang. "Alam mo ate galing yan kina lola at lolo. Kay lola ang DESTINED TO at kay Lolo ang BE LOVED. Nagkita sila dahil raw po sabay nilang napansin ang keychain na yan noon mula raw noon lagi nalang silang nagkikita ng di sinasadya para raw destiny sila na mahalin ang isat-isa at ‘yon nga nagkatuluyan sila. Kaso maraming pagsubok pa ang dinaanan nila bago sila nagkatuluyan." Kwento nito. “Nasaan na sila?" Nalungkot s’ya. "Wala na si lolo kaya si lola nalang ang buhay at itong keychain na ito sabi ni lola ibigay ko raw ito sa taong nagmamahalan " nakangiti n’yang sabi.Nacurious ako bigla. "Yong guy na nakakuha n’yan tinanong ko s’ya kung nagmahal na ba sya ang sagot naman nya ay oo nagmahal na raw sya at hanggang ngayon mahal nya pa yong  baebe. Masaya raw s’ya nang makita ulit ito. Sisiguraduhin daw niya na mamahalin ulit sy’a nito." Mahaba nitong sabi. Napatitig ulit ako sa keychain.Sino kaya ang taong yon?"Ikaw ate nagmahal ka na?"tanong nya.Malungkot akong ngumiti. "Oo, nagmahal na ako ang kaso pag-aari na s’ya ng iba at ngayong nagkita kami hindi ko alam kung kaya ko pa bang mahalin s’ya." sabi ko. "Second chance, ‘yan lang masasabi ko Ate. Nasa iyo lang kung pagbibigyan mo s’ya."  Ngumiti ako. "I dont know. Sige alis na ako baka hihintay na ako ng kasama ko." Paalam ko. Tumango s’ya kaya tumalikod na ako. Pero narinig ko ulit s’yang nagsalita. "Sana ate magkita kayo no’ng guy na nakakuha ng kapareha niyang keychain." Pahabol nya ngunit hindi na ako lumingon pa. Kung totoo man ang sinabi niya maybe, baka tinadhana kami pero ayokong umasa. Mahirap nga umasa noon sa taong nakilala at nakita ko na,yon pa kayang taong di ko pa nakikita.Nang makabalik ako kung nasaan sila ay hindi ko na sila nakita. Pero iba ang naabutan ko sa pinag-iwanan ko kila Lherry kanina.  "N-Nasaan sila Lherry?" tanong ko sa kaniya. "Papunta sa rides hintayin raw kita baka bumalik ka, tara." aya nya at naglakad na. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Sabay kaming naglakad pero walang nagsasalita sa amin mabuti na siguro yon."Lherry told me that you have amnesia."  Nakagat ko ang pang ibabang labi nang magsalita sya. Hindi na ako magtataka kong sinabi iyon ni Lherry. Tumango ako bilang sagot. "I see,kaya pala ‘di mo kami nakilala." Sabi ni Harryd. "Familiar." Sambit ko bigla kaya napatingin sa akin. "Anong familiar?" "Familiar ang presence nyo hindi ko alam pero naghalo-halo ang pakiramdaman ko."  Paninindigan ko nalang ito. "Gusto mo bang maalala ang nakaraan?"sabi niya na ikinatigil ko sa paglakad. Bumaling ako sa kanya. "Ayoko. Ayoko nang maalala kung anong meron noon. Feeling ko kasi masasaktan ako kapag inalam ko lahat kaya gusto kong kalimutan yon at magsimula ng bagong alaala."  Sabi ko at iniwan sya. Hindi ko kayang matagalan ang presensya n’ya. Dahil parang tinutusok ang puso ko sa sobrang sakit. Harryd POV Ayaw nyang bumalik ang alaala nya? Pero bakit? Ayaw na nga ba niya akong maalala? No, I will do everything Elle. Gagawin ko ang lahat maalala mo lang ako. "Tara sakay tayo sa roller coaster!" masiglang sigaw ni Lherry saka hinila sina Elley at Xiah. Sumunod naman sila dito kaya naiwan kaming tatlo nina Darren at Kenji. Hindi namin kasama si Lawrence dahil pumunta sya sa Mommy nya. "Ibang-iba na sya." narinig kong sabi ni Kenji. "Mukhang wala nga syang maalala." Si Darren. "Familiar ang presensya natin sa kanya at isa pa tama s’ya kailangan n’yang magsimula ng bagong ala-ala kaysa balikan ‘yong nakaraan dahil pakiramdam n’ya masasaktan s’ya." Sabi ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin. "Anong gagawin natin?"Darren. "Gawin natin ang gusto niya."sabi ko. "Right." Si Kenji. "How about Mailley?" Tanong ni Darren. I sighed, isa pa si Mailley. Fiancee ko s’ya mas lalo akong mahihirapan kapag nandito sya. "I can handle her lets go, lets follow them." Sabi ko at sinundan sila Lherry. Hihingi narin ako ng tulong kay Lherry para mapalapit kay Elley. Nakita kong nakasakay sila sa roller coaster.Nakikita ko ang ngiti nya na subrang namiss ko. Ang inosente n’yang mukha. Ang magaganda n’yang mga mata. I miss her so much. Lagi ko s’yang inaabangan noon kapag lumalabas sa classroom nila sa Theater Arts. Balita ko isa s’ya sa mga writers sa school. S’ya yong nagsusulat ng mga script sa play. Pati sa mga news paper sa school. Maging sa bulletin board siya ang nagsusulat at kumukuha ng pictures upang ilagay noon doon. Tahimik lang rin sya kaya nagustuhan ko sya.Kaklase niya si Lherry noon kaya sya lang ang kaibigan ni Lherry.May naririnig ako noon na ang swerte raw ng magiging boyfriend nya dahil matalino at masipag idagdag pa na maganda sya. Kahit laging may salamin sa mata at walang colorete sa mukha.She's beautiful inside and out. Pero nong nagkaaminan kami ng nararamdaman namin sa isa't isa. Hinding-hindi ko iyon malilimutan, lalo na ‘nong may nangyari sa amin."Hey! Ferris wheel tayo sama kayo, Kuya." Nabalik ako sa wisyo ng sumigaw si lherey. "Sige." Kenji. Lumapit kami sa may ferriswheel pinauna kami dahil nga isa kami sa may-ari dito. Mabilis na pumasok silang apat kaya naiwan kami ni Elley. "Kuya doon kayo sa kabila hindi na kasya dito." Lherry. Isinara n’ya ang pinto kaya nagkatinginan kami ni Elley. Kaming dalawa nalang kaya sumakay sya sumunod ako, isinara ko yong pinto para safe kami. Maya-maya ay umandar na ito. Wala kaming imikan dalawa habang nakaupo. Nakatingin s’ya sa ibaba. "Maganda pala mula rito ang university."sabi nya. "Oo maganda." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Napatingin sya sa akin. "Huh?" Napangiti ako at tumingin sa ibaba. "Maganda talaga pag tingnan mula sa itaas ang Buong school.This friday darating ang chairman kaya may presentation na magaganap.Welcome back party para sa chairman at sa first lady. Kaya naghahanda rin kami.Isa kasi kami sa mga band na kakanta." sabi ko. Ako ‘yong Vocalist. "Ganon ba ahm bakit 1rst year college pa kayo?Diba dapat 3rd year na kayo?" sabi niya. Natigilan ako at napatitig sa kanya. Paano nya nalamang dapat 3rd year na kami? Oo tama sya dapat 3rd year na kami.Kaso huminto kaming Tatlo nina kenji ng dalawang taon dahil sa nangyari noon..Na-rehab kami dahil naadik kami sa drugs at Pag-iinum.Nagawa namin yon dahil di  ko matanggap ang pagkawala nya.Naging addict din si kenji at darren non kaya magkasama kaming tatlo. "Paano mo nasabing dapat 3rd year na kami?" tanong ko sa kanya. Bahagya s’yang nagulat sa tanong at umiwas ng tingin. "K-Kasi dahil sa edad nyo 19 kana kaya nagtaka ako dahil first year ka pa."sabi nya. "Ah, Narehab kasi kaming tatlo kaya ngayon lang kami nakapagpatuloy. Nga pala kumakanta ka parin?"tanong ko.Ngumiti sya. "Oo bakit?" Elley. "Pwedi kabang kumanta this friday para sa chairman,"sabi.ko. Gusto ko rin syang marinig ulit kumanta.Napaisip sya. "Sige,Pero kasama ko si Xiah." Si Elley. "Sige." Tumango sya. Maya-maya huminto na ang pag-ikot kaya bumaba na kami. "Waaaah ang saya!"Lherry. "Babe kanina ka pa sumisigaw baka mapaos ka "Darren. "Hindi ah! haha oh Elley, nag enjoy kaba?" si Lherry. "Oo Thank you Lherry, mauna na kami ni Xiah ah."paalam nya. "Ha?Aalis na tayo?"sabi ni Xiah. "Ah oo diba may pupuntahan tayo?"  "Hm, okay." Maya-maya umalis sila. Nakatingin lang kami sa kanya ng mag-salita si Lherry na ikinabigla namin. "Win their hearts Kuya, Kenji. I want Elle to be my friend again, gusto kong maalala nya ang lahat. Kung gaano kami kasaya noon." Sabi ni Lherry. Nagkatinginan kamiNg tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD