Nakarinig ng anumang pagsigaw si Faith nang hanapin niya si Yvo mula sa malawak na bodega. Halos napapalibutan ito ng kulay puting mga dingding ang bawat madaanan niya. Sinundan niya kung saan nagmumula ang ingay na iyon. Napahinto siya sa paghakbang nang makita niya ang isang armadong lalaki na lumabas galing sa loob ng bakal na pinto. Pumasok siya roon. Diretso lang siya sa paghakbang mula sa maliit na eskinita hanggang sa lumuluwag ang kan'yang dinaraanan. Kita niya kung paano tumawa ang isang babaeng nakaupo sa isang silya na may piring ang mga mata nito. Nangunot ang noo nito na tila unti-unti niya ng nakikilala ang babaeng nakaupo roon. Hanggang sa napagtanto niya na ang kan'yang ina-inahan na nakaupo rito. "Faith, anong ginagawa mo dito?" Hindi nakasagot agad si Faith sa tanong ni

