Kinabukasan, nakahanda na kami ni Yvo sa pag-alis. Papunta kami ngayon sa Unibersidad para maienroll nitong pasukan. Napansin ko lang, ang tahimik niya simula pa kanina. "Parang hindi ka yata masaya na mag-aaral ako. Ang tahimik mo kasi," puna ko sa kan'ya. "Bakit mo naman nasabi na hindi ako masaya? Masaya ako Faith dahil makakapag-aral ka na din sa wakas. Matutupad mo na rin ang mga pangarap mo para sa mga magulang mo. Pag-aaral mo muna ang atupagin mo hindi yung nakikipagkaibigan ka sa kung sinu-sino. Nagkakaintindihan ba tayo ha Faith?" Napanguso ako, hindi pa naman nag-uumpisa ang school days ay parang nag-uumpisa na siyang manermon. "Oo naman darling," ani ko na kinangiti niya. "Parang may galit ata sa boses mo yung pagkakasabi mo ha. Paki-ulit mo nga. Yung tipong naglalambing

