Kunot-noong napatingin ako kay Anya. Abala siya sa pagluluto ng pananghalian namin. Narito kami sa dirty kitchen habang ako naman ay prentang nakaupo rito sa upuan na may holen na nilalaro sa aking kamay. I watch her while cooking pinakbet. "Bakit mo ko sinundan dito?" Panimula kong tanong. Hinarap niya ko na may hawak pang sandok sa kan'yang kanang kamay. Tinaasan niya ko ng isa niyang kilay. "Ayaw mo bang narito ako kuya? Ikaw, bakit mo ko iniwan? Sabi mo hindi ka aalis. Sinungaling ka kuya alam mo ba iyon," ani niya saka niya ko tinalikuran. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilapitan siya. Tinabihan ko siya ngunit hindi kami magkaharap. Isinandig ko ang pang-upo ko sa gilid ng lababo habang nakasuksok ang dalawa kong mga kamay sa magkabilaang bulsa sa suot kong maong na short. Na

