Pauwe na kami ni kuya Jaxsen sa mansion nang makatanggap ako ng text messages nang marinig ko sa loob ng aking bag. Kaagad kong binasa iyon. New number na naman ito. Napanguso na lang ako nang mabasa ko iyon. Huwag ko daw buburahin yung mga pinapadala niyang mga messages sa akin kahit hindi ko naman kilala kung sino itong nagtetex sa akin kasi ang wierd niya. Hindi ko na lamang ito pinansin ito at isinilid na lang ang aking cp sa loob ng aking bag. "Who's texting you?" Biglaang tanong ni kuya dahil kanina niya pa napapansin mula pa sa kan'yang opisina na panay tunog ng aking cp. Once lang ako nagreply ngunit siya ay napakarami ng kan'yang pinapadalang mensahe. Nagkaroon tuloy ako ng mystery textmate. Ayaw niya kasi magpakilala. "Hindi ko siya kilala kuya," sagot ko dahil palaisipan sa a

