Naalimpungatan ako nang makarinig ako nang kakaibang kalabog mula sa labas ng aking kuwarto. Bumangon ako at tinungo ang pintuan para tingnan kung may tao ba sa labas. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa aking harapan na nakahiga na sa sahig si kuya. Nilapitan ko siya at ginising. "Kuya, gising po kuya!" sabay yugyog ko sa kan'yang braso. Ilang beses ko itong ginawa pero hindi pa din siya nagigising. Amoy na amoy ko pa ang hininga niyang amoy alak. "Kuya naman, huwag kang matutulog dito sa sahig. Ganito ka ba lagi kapag nakainom ka? Huwag mo ng uulitin ito kung hindi mo naman kaya ang sarili mong idala sa sarili mong kuwarto," ani ko kahit na alam kong hindi niya ko naririnig. "Kuya bangon ka na diyan," panggigising ko pa sa kan'ya pero kahit anong gawin ko ay tulog na tulog na talaga ito

