Chapter 22 (Seph's POV) "Veronica!" Gulat kong saad nang bigla nya akong itulak, dahilan para mapasandal ako sa single na sofang nasa opisina nya kasabay ng pagkalaglag ng mga folder sa sahig na dapat sana ay ibibigay ko lang. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko nang bigla syang kumandong sa akin paharap---na madalas nyang gawin, nalilis nanaman tuloy pataas yung maikli nyang palda. Nakabukas pa yung iilang butones ng blouse nya, lumilitaw tuloy yung mapuputing ibabaw ng dibdib nya. Inalalayan ko syang hindi mahulog sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang bewang nya. Gusto ko syang kutusan sa mga pinaggagagawa nya pero pinigilan ko nalang yung sarili ko. May magagawa ba ako? Sa totoo lang nangangati yung daliri ko na pitikin sya, araw-araw nalang. "Veronica, ano nanaman ba? Bumaba ka

