Chapter 23 (Third Person's POV) "Baby girl, where's the update?!" "Laurentius, kumalma ka nga." "Paano ako kakalma, Lazarus?! Kinakabahan ako! We don't know what might happened inside?!" "Kahit na. Kumalma ka lang. Gayahin mo si Leviticus na busy sa pakikipag-usap sa phone or si Laxus na nakatayo lang sa harap natin habang masama tayong tinititigan, pwede mo ding gayahin si Kuya Vince na nakasimangot sa mga pinaggagagawa mo." Doon natigilan si Laurentius sa pagmamaktol at napalingon sa kakambal na si Laxus na syang nakatayo nga habang masama silang pinagmamasdan, tapos non ay dumako ang tingin nya sa mas nakatatandang pinsan na prenteng nakaupo sa kaharap nyang upuan. Naka-dekwatro't naka-ekis ang mga braso nya habang ang mukhang nakasimangot. "Okay. Kakalma na." Suko nya tsaka suma

