SPECIAL CHAPTER (400K reads celebration 💖 ) Part I

4542 Words

"SETH VERDAN LAZARO! Bring your ass down here or else I'll drag you out of your room!" Pangalan lang ni Seth yung binanggit ng umaalingawngaw na boses ng mama nila pero lahat sila ay napaigtad, kapwa nagsiangatan ang mga balikat dala ng gulat. Wala pang ilang segundo ay nagsilabasan sila mula sa kanya-kanyang kwarto tsaka nakahilerang sinilip mula sa gilid ng pader yung mama nilang matamang naghihintay sa dulo ng hagdan. Sunod-sunod ang naging paglunok nila nang makitang may bitbit na hanger ito habang naka-ekis ang mga braso sa ilalim ng dibdib, tumatapik-tapik rin ang paa sa sahig na isang senyales na naiinip na ito. "OMG, mommy looks so gorgeously furious!" Mahinang bulong ni Savy na tahimik na tinanguan naman ni Von. Pumalatak si Verose bago tumalikod para sunduin sana ang kakambal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD