SPECIAL CHAPTER IT'S been three years since they got engaged to each other. Pinlano nila na makasal matapos ang tatlong taon para nakakalakad na ang kambal at para mabinyagan na din, si Seth kasi ang gusto nilang maging ringbearer at flowergirl naman si Verose. Nagkasundo sila na hindi bonggang church wedding ang gagawin nila, kundi yung simple lang talaga. Si Veronica kasi parang pati pangulo ng Pilipinas eh gusto nyang i-invite sa sobrang bongga ng kasal na gusto. Ayun, nadala sa lambing kaya napapayag ni Seph na simpleng church wedding lang. Ke-arte diba? Ngayon ang araw na magiging official Mrs. Veronica Ruth Verdan-Lazaro na sya. Readyng-ready na sya pero yung sasakyan nya hindi pa. "THEO! Can you do that faster!?" Reklamo nya habang nasa loob ng isang puting limousine. "Don't yel

