Chapter 40 (Seph’s POV) Madilim. Madilim ang paligid. Teka, nasaan ba ko? Patay na ba ako? Yung huli kong natatandaan eh yung maliwanag na ilaw ng headlights, nasilaw ako kaya ako napapikit tapos... tapos... wala na kong maalala, parang blackout. "Seph..." Wala akong makita, pero may naririnig akong boses. "Seph..." Pamilyar yung boses na yun. Parang... parang boses ni Louie? "Seph, gising. Seph..." Gising? Anong gising? Ako ba ang gigising? "Huy! Dyahe nakakahiya ka, gumising ka na! Dyan ka pa talaga natulog!" A-ano bang sinasabi nya--- "ARAY!" Sigaw ko matapos maramdaman ang dumapong palad nya sa pisngi ko, inis ko syang nilingon, "Loko ka, bakit mo ko sinampal!?" Nameywang sya, "Paanong hindi kita sasampalin, aber!? Kanina pa kita ginigising pero ayaw mong dumi

