Chapter 34 (Third Person's POV) "Hello?" Inihinto nya ang pagsusuot ng sapatos para sagutin ang tumatawag sa kanya. "Seph! I have a good news for you, son!" Nangunot yung noo nya matapos marinig ang masayang tinig ng ama, napangiti pa sya dahil tinawag sya nitong 'son'. "Mukhang maganda nga po yan ah, ang saya nyo eh." Ipinagpatuloy nya ang pagsi-sintas habang naka-ipit sa balikat at pisngi ang cellphone. "The Alejandros cancelled the case against you!" Halos magsuntukan na yung mga kilay nya sa sobrang pagkakadikit dala ng pagtataka. Hindi nya inaasahan yon, imposible yung narinig nya. Baka binibiro lang sya ng ama nya. Sa tapang palang ng mag-asawang yon eh kung maka-trespass nga sa bahay nila mahanap lang si Phoebe eh akala mo kanila yung lupang kina-aapakan nila. "Parang impos

