Chapter 35 WARNING: EXPLICIT WORDS AHEAD. (Seph's POV) Binuga ko muna sa hangin yung puting usok bago ibinalik ang stick sa bibig ko tsaka ako bumalik sa pagtutupi ng damit. Alam kong tuluyan ng malulukot yung mukha ko sa pagkakasimangot at pagkakakunot ng noo pero di ko maiwasang hindi mainis kapag naaalala yung nangyari kahapon pero mas naiinis ako sa sarili ko. Seloso ako. Sobra. Nakakainis yung ugali kong ganito pero pinipigilan ko. Akala ko... Akala ko okay na ko. Akala ko okay lang. Akala ko hindi na ko magseselos. Akala ko... grrr. Aywan. Inis akong napakamot sa ulo ko bago hinithit yung yosi at ibinuga. Hanggang yosi lang ako, hindi naman ako ganon ka-OA para uminom. Isa pa ay hindi naman ako manginginom pero sa tuwing naaalala ko yung kahapon, yung katotohanang magkasama sil

