What?" Sigaw na tanong ko dito na hindi manlang siya nililingon rinig na rinig ko naman ang singhapan ng mga tao sa paligid
At sa wakas narating kona rin ang tindahan ng matandang lalaki nang makita ako nito ay agad itong yumuko sa harapan ko
"Ahmmm manong magkano po ito" tanong ko habang tinuturo ang kulay dilaw na candy itong tinda na lang ata ni tatay ang masarap na pagkain dito sa Easkerton palace eh pano ba naman puro itlog at tuyo lang ang pagkain nila psh
"Ah tatlong tanso lang ang isa iha" sabi pa nito napakunot pa ang noo ko langya saan nga pala ako kukuha ng pera?
"Ama ito na po ang-" biglang sulpot ng isang binatang lalaki may itsura naman ito
Pero bago niya pa matuloy ang sasabihin dapat niya ay nanlaking mata itong naka titig sa akin pero bigla ding naputla at dali daling yumuko pati na rin ang ama nito ay namumutlang yumuko rin
Weirdong naka tingin lang ako sakanila bakit kaya sila namutla?
Nasagot lang ang tanong ko nang may naramdaman akong nakayakap sa akin mula sa likuran ng tignan ko ito ay madilim na mukha nang Emperador ang bumungad sa akin
Pilit na ngumiti na lamang ako dito mukhang badmood ang isang to at ayokong mag biro sa kanya ngayon
Pero wait lang alam kona agad na nagliwanag ang mukha ko sa naisip
"Kamahala" tawag ko dito pero Hindi ito sumagot at nanatili lang nakayakap sa akin
"Gusto ko nito" turo ko sa dilaw na candy
"Pahiram ako ng tatlong tanso" sabi kopa dito at nanatiling ang paningin ko sa pagkaing nasa harapan ko mas lalong humigpit ang yakap nito sa bewang ko bago ko ito narinig na bumuntong hininga
Pansin ko lang ang hilig talagang yumakap ng Emperador na to sa akin mukha ba akong teddy bear? Kung maka yapos siya sa akin akala mo may magnet na naka kabit sa katawan ko eh
"You" cold na tawag niya ng Emperador sa matandang lalaki na ngayon ay nanginginig na sa takot baka atakihin sa puso ang matanda kawawa naman ang sungit naman kasi ng Emperador nato parang palaging may regla tsk
Ganoon naba talaga siya na nakakatakot tinititigan niya pa lang sila ay nanginginig na?
Oo nakita ko kung gaano siya kawalang puso ng muntik niya nang ipasunog ang maliit na bayan na pinanggalingan ko pero napansin ko namang may softside siya o baka ako lang ang nakakakita nito?
"Kamahalan" namumutlang sabi nito bahagya pa itong pumiyok ang anak naman nito ay nakayuko pa rin hanggang ngayon
Naawa naman ako sa matanda kaya binatukan ko ang Emperador
" Ano ba wag mo nga siyang takutin ng ganyan mag sorry ka" sigaw ko sakanya at binatukan siya ulit
Nanlaki naman ang mata ng matanda at napa singhap ang mga tao sa paligid ko nagulat din ang anak ng matanda at itinaas ang tingin sa akin at yumuko ulit
" What? Wala naman akong ginagawa" seryoso niyang sabi
Underin kona nga to hahahaha
"May sorry ka sabe" seryoso ko ding sabi sakanya
Wala naman siyang ginawa at sinuksuk lang ang mukha sa leeg ko
"Isa" inis kong sabi naiinis na talaga ako mag sosorry lang naman siya eh
"Sorry" sabi niya kaya nag singhapan nanaman ang mga tao nagulat din ang matanda dahil ito ang unang beses na humingi siya ng tawad
" Good boy" i said and smiled at him
Hinalikan naman niya ako sa labi at yumakap ulit sa akin
"Ibigay mo sakanya lahat ng magugustuhan niya" seryosong sabi nito at alam niyo ba nasa amin na ang lahat ng atensyon ng lahat ng tao and it's really awkward
"Opo kamahalan" sagot nito at bahagya pang yumuko saka ako binalingan pero hindi ito makaa tingin sa mga mata ko para itong takot na takot na titigan ako and its crazy sa ganda kong to takot sila sa akin ang ganda kong to kinatatakutan?
"Kunin niyo po ang kahit na anong magustuhan nyo kamahalan" magalang na sabi sa akin ng matandang lalaki nag liwanag naman ang mukha ko at kumuha ng limang piraso ng candy tsaka agad na kinain iyon
"Ang sarap" Manghang sabi ko hindi naman siya masiyadong matamis kumbaga sakto lang ang lasa niya
Kinalas ko naman ang pagkakayakap sa akin ng kamahalan atsaka ito hinarap madilim pa rin ang mukha nito
"Wag mokong titigan ng ganiyan gusto moba?" Tanong ko sakanya habang pinapakita ang mga kending hawak ko ngumanga naman ito ng kaunti na parang nagpapasubo
Kaya napangiti na lang ako at isinubo ang isang piraso ng kending hawak ko dito
Rinig na rinig ko nanaman ang singhapan ng mga tao sa paligid hindi ba sila napapagod kaka singhap? Ng ilibot ko ang paningin ko ay kitang kita ko ang gulat sa mga mukha nila at pagka mangha rin may iilang mga babae na ang sasama ng tingin sa akin tinaasan kona lang sila ng kilay at binaling ko ang paningin ko sa Emperador